**************
Chapter 10
Mico's P.O.V.
DAYS passed fast. It's been a week and a half since that day, since nalaman kong tinatapon lang pala ni Tyrone yung mga letter na sikreto kong inilalagay sa locker niya.
Ang hirap pala talaga ng ganito no? Pero naisip ko, wala naman akong ibang dapat na sisihin kundi yung sarili ko. I assumed kasi. And I forgot na hindi pala dapat. So the bottomline is, the blame is on me kung bakit ako nasaktan--nasasaktan.
Pero kailangan ko parin ipagpatuloy ang buhay ko. Heto ko ngayon, bitbit ang mga libro at bubuksan ko na sana ang glass door ng library nang may bumunggo sa aking babae. Napatingin ako dito pero patuloy lang silang nag-uusap ng kasama niya habang pumapasok sa library.
Umupo ako para damputin ang mga nabitawan kong libro. Nagkalat din ang mga papel na nakaipit sa mga ito. Nagulat na lang ako nang may isang lalaking tinulungan ako sa pagdampot ng mga ito. Natigilan ako at napatingin sa kanya.
"Here." ang nakangiti niyang sabi habang iniaabot sa akin ang mga gamit ko. Hindi agad ako nakakilos at nakatitig lang ako sa mukha niya. Tapos akala ko talaga may back ground love song na biglang tumugtog. Yun pala dumaan lang yung isang estudyante na nagpapatugtog sa cp niya.
"T-Thank you." automatic na napa-english ako habang nakatitig ako sa mukha niya. Tisoy kasi siya, eh. At base sa accent niya, sa tingin ko ay galing siya sa United Kingdom. Ngumiti siya na nagpalabas sa mga ngipin niyang may kaputian at sa malalim na biloy sa kanang pisngi niya.
Tumayo siya kaya ganun din ako at grabe...ang tangkad-tangkad niya. O baka sadyang unano lang ako?
"A-Are you an exchange student?" ang tanong ko sa kanya. Meron namang mga foreign students dito pero ngayon ko lang talaga siya nakita. I mean, iba kasi siya eh. Attractive siya kaya kung makikita ko man siya, for sure matatandaan ko siya. Kaya sure ako na bago siya dito.
"Yes, I am. I'm from the University of England." and I was right.
"Aah...may I ask what's your course?"
"Uhm my course? I'm sorry but it's kinda confidential." ang seryoso niyang sabi. Ano ba yan, course lang confidential pa? "Just kidding. I'm taking up Foreign Service." ani nito at tumawa. Anong nakakatawa? Okay, gwapo sana siya kaso nawiwerduhan ako sa kanya.
"Aaah..You're planning to be a diplomat?" ang muli kong tanong sa kanya. Ewan ko ba pero parang hindi ako nahihiya sa kanya.
"Uhm..no, I'm planning to be a chef that's why I took up Foreign Service. Hahaha. Just kidding. Yeah, I want to be an ambassador." ang nakangiti niyang sabi. Ano ba naman kasi yung tinanong ko? Paminsan-minsan talaga umiiral yung katangahan ko. Teka, madalas nga yata, eh. Nahahawa na ko kay Tyr--- erase, erase.
"I'm sorry. Hehe." aniko.
"Aren't you going inside? I saw you were about to open the door when that girl purposely hit you with her elbow." Ah, nakita niya pala. Parang dudugo na yata yung ilong ko.
"Ah..yes...yes.." Yan na lang ang nasabi ko. Parang naubos kasi lahat ng english ko.
"Aren't you hurt?"
"I'm okay. Thank you again for helping me."
"Sure," ngumiti ulit siya. Hindi ba nangangalay ang mga labi niya sa pagngiti? "May I go with you?" pagkuwa'y tanong niya.
"S-Sure." At sabay nga kaming pumasok ng library. Kinakausap niya lang ako pero halos wala akong maintindihan sa kwento niya. Nakakatanga kasi yung accent niya. Puro pilit na ngiti lang tuloy ang naisasagot ko sa kanya with matching pagtango.
BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from the same High School and University he is attending, for a very long time. The thing is, everybody knows Mico is gay and Tyrone's deeply i...