Thirty-first Chapter - Love(d)

3.5K 183 77
                                    

Waaa! I appreciate all your lovely comments. It's okay kung maikli man yan, I still appreciate them. Namomotivate po ako ng comments ninyo kaya naman comment pa more. Hihi.

Next chapter na yung selos chenes. Haha. Ito muna. Sana magustuhan ninyo mga bess 🐍🐍

Chapter Dedicated to JhommelNejal for being maeffort sa pagcomment! Love you bebe. ❤❤

~

Iniwan mo siya. Tapos kung kelan masaya na siya sa piling ng iba, tsaka mo sasabihing mahal mo siya? Beri rong.

-------------LOCKER246-----------


Chapter 31

Wait...ano daw? Sister?

"Magkapatid kayo?" hindi makapaniwala kong tanong kay Georgina.

"Unfortunately." she answered and rolled her eyes at the boy. "Lagot ka kina baba, hindi ka umuwi last weekend!" bulyaw niya sa kapatid niya.

"So what? Busy naman sila diba? Busy din ako. Tara na nga." pag-aya nito sakin. Ano ba to bipolar? Kaninang nasa BH kami hindi ako pinapansin tapos ngayong nandito kami sa university feeling close.

Napansin ko naman yung pagbabago ng expression ni Tyrone nang makita si Gab. Nagselos kaya siya? Psh. Asa pa ako.

"Pano kayo nagkakilala Mico?" pagbaling sakin ni Georgina.

"Lumipa--" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil sumingit si siraulong Gab.

"Member siya ng fans club ko." walang kagatol-gatol nitong sabi.

"Fans club?!" sabay naming tanong ni Georgina, nakatingala pa ko niyan kay Gab dahil mas matangkad siya sakin.

Tiningnan lang ako nito na parang sinasabing 'Umoo ka na lang'. Ewan ko pero, may kung ano sa mga mata niya na nakaconvince sakin.

"Ah..oo nga pala. Oo, member ako ng fans club niya." ewan ko lang kung convincing yung acting ko. Hindi naman kasi ako magaling magsinungaling, eh. Kung meron mang magaling magsinungaling at magpaniwala ng tao dito, wala nang tatalo pa kay Tyrone. 😢

"At kelan ka pa nagkaron ng fans club aber? Tsaka kung meron nga, no offense Mico ha, meron palang baliw na sasali sa fans club mo."

"Mahabang kwento. Baka malate na kami kung ikekwento ko pa sayo kaya baboo." para kong papel na inikot ni Gab at nagpatianod sa akbay nito at sabay kaming naglakad palayo sa dalawa.

"Hoy lalake! May pera ka pa ba? Kung wala umuwi ka na!!" dinig kong sigaw ni Georgina. Nilingon ko naman si Gab pero parang wala lang siyang narinig.

Nilingon ko pa ulit si Tyrone only to find out that he's already looking at me. Agad naman siyang tumingin sa ibang direksyon.

Tinanggal ko na yung pagkakaakbay ni Gab sakin at sinimulang akyatin yung Department of Archutecture Building pero nagtataka ako dahil nakasunod pa rin siya sakin. Dito din ba siya sa College na to?

"Anong course mo?/Pano mo nakilala si ate?" nagkasabay naming tanong sa isa't isa.

"Mauna ka na/Sige ikaw muna." nagkasabay na naman kami.

"Sige na, ikaw na." nakangiting sambit nito. Napalunok na naman ako sa di ko alam na dahilan.

"A-Anong course mo?"

"Tourism." mabilis nitong sagot.

"Bakit ka umaakyat dito eh Arki Department to?" salitan yung tingin ko sa kanya tapos sa mga baitang ng hagdan.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon