Revised: 03022019
AMANDA'S POV:
"NO!" Malakas kong sigaw sabay hampas sa table ko. I was talking to kuya Silver via skype. Nakasanayan ko nang tawagin siyang kuya. Kuya ang tawag ko sa kanya sa Pilipinas, dahil ipinagamit na rin niya ang kanyang apilyido sa akin. Nakababatang kapatid naman talaga ang turing niya sa akin, daig pa namin ang tunay na magkadugo sa turingan. Nakagawian ko na ring tawaging si Vriella ng Ate kahit pa mas may edad ako sa kanya. Sabi nila ganun daw talaga yun, kahit mas bata sya, dahil kuya ko si Silver, dapat ate ang tawag ko sa kanya bilang respeto sa blood line. Ewan, kahit 'di ko makuha ang logic pero sumunod na lang ako, tutal naman nagbabago-bago naman ang behavior ni ate Vriella, dahil na rin sa pagiging empath niya.
"I'm not going back there! You know kaya lang naman ako napilitan pumunta d'yan ay dahil nanganib ang buhay mo noon. But that's just it! I'm not taking any mission dyan sa Pilipinas." Angil ko kay kuya Silver.
Matagal na rin ang panahon mula ng huling tumapak ang mga paa ko sa Pilipinas. Ang huling tapak ko doon ay noong pangawalang kasal nila ni Ate Vriella. It took me a lot of self-control not to kill Richard on sight then, kahit pa kasi civil ang pakikitungo ko sa kanya ay di pa rin mawala sa puso ko ang sakit na idinulot niya. Isa pa baka sa sobrang impluwensya ni Witch,I mean ni ate Vriella ay magawang umalagwa ng puso ko at mahalin muli si Richard. Well, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya, pero at least nagagawa ko ng ikulong at ikandado sa isang sulot ng pagkatao ko. Kaya wala na rin sa bukabolaryo kong bumalik pang muli sa lugar kung saan walang mabuting dulot sa puso ko ang muling magkaroon ng pagkakataong makaharap si Richard.
"Look Amanda this is a very complex mission, and I need your expertise to complete this one. And besides, na mi-miss ka na rin Vriella". May himig ng paglalambing na sabi ni Kuya. Ginagamit na niya ngayon ang kanyang asawa para lang makumbinsi ako na tanggapin ang project shadow plate mission.
"Oh no you don't! No! No! No! You don't get to use her on this one kuya." Matapos naming sagipin si kuya Silver sa pangalawang pag kakataon ay nabigyan ako ng panahon na makilala si ate Vriella ang babaeng nag patino sa isang Silver Demonteverde, oh! Wait, let me add to that phrase, ang babaeng pumipilit din na patinuin ang isang Amanda Raven.
I used to call her Witch. She was so young back then, but still her existence in my life while I'm working with her made a huge impact on me. She changed me in so many ways that I didn't even recognized. But by bit I grow heart for her. Actually both of them made me who I am today. Balance nga kung tutuusin kasi, If Silver Raven taught me to be strong so that no one can ever put me down; Garnet Vriella Saavedra on the other hand, motivates me to use my strength in helping the weak and needy. If Silver Raven trained me to be the best agent, Garnet Vriella Saavedra guided me to be compassionate sister to her and Perridot. And if Silver Raven showed me the pleasure of revenge; Garnet Vriella Saavedra engraved inside my heart the happiness of forgiving.
Hindi ko makakalimutan ang kung paano unti-unting nakapasok ni ate Vriella sa puso ko. Nagawa niyang patawarin ko ang isang taong sinumpa kong kapag nag krus ang aming landas ay patitikimin ko nang pinaka malupit na kamatayan.
Flashback:
"Magandang umaga po, kayo po ba si Borja Gaston Agnas?" Tanong ni Vriella sa lalaking nakatalikod sa amin habang naglalaba.
Nasa probinsya kami ng Bulacan. Ako ang sumama / nag bantay / o naging anino ni Vriella. Napilitan akong sumunod kay Council Raven. Kinakailangan kasi nilang umalis ng bansa ni Robert, at ayaw niyang walang mag babantay kay Vriella. Ewan ko ba kung ano ang meron ang babae na ito at parang bumabaligtad ang mundo ng isang Silver Raven kapag kalagayan na nito ang pinaguusapan.
BINABASA MO ANG
RICHARD CROW (Guns & Perfume) - Completed
General FictionAmanda Raven: Siya ang pumalit kay Silver Demonteverde bilang Chief Officer/Director ng Oversight. At kagaya ni Silver Demonteverde, hindi matatawaran ang kayang galing pagdating sa pakikipaglaban at pamumuno sa kanyang tungkulin. Richard Crow: Siya...