RICHARD'S POV:
"I'LL BE DAMN RICHARD... YOU'RE F^CKING GAY!" Sigaw ni Amanda.
Shit! Patay na! Hindi ko na pinansin ang sakit ng balakang ko, mabilis kong sinunggabang si Amanda para takpan ang kanyang bibig.
"Sssshhhhhh! SSShhhhh! Huwag kang maingay please!" Nalilisik kong tingin sabay bulong ko sa kanya.
Pilit niyang inaalis ang aking mga kamay. Pero lalo ko lang siyang pinipigilan. Kaya nainis siguro ang amazona at sobrang lakas na itinulak ako. Pero dahil halos yakap ko na siya ay na out of balance ako at natumba kaming dalawa.
"Arayyyy koooo! Shit Amanda ang bigat mo!" Sigaw ko dahil sa domoble ang impact ng pagkabagsak ko dahil sa pumaibabaw siya sa akin.
"Ang gwapo mong bakla Richard" Full of admiration niyang sabi. Letchugas na babae, para nag e-enjoy sa pagkakadapa sa akin!
"Kelan ka pa naging ganyan Richard?" Tanong niya habang panay ang titig sa aking mukha.
"I'll answer all your question, pero try mo muna kayang umalis sa ibabaw ko". Mataray pero nakangiwi kong sabi sa kanya. Masakit pa rin kasi ang likod ko.
"Paano kong ayokong umalis? Ang sarap kaya mahiga sa katawan mo". Alam kong inaasar na niya ako, dahil ipinatong pa niya ang kanyang mga kamay sa dibdib ko at inihilig pa ang kanyang baba doon.
"Hmmmm ang bango mo Richard! Now tell me kelan ka pa naging beckymon?" Malumanay na sabi niya.
I sighed ng maramdaman ko ang hininga niya sa dibdib ko. Bwisit na Amazona, mukhang nama-manyak pa yata sa akin.
"Umalis ka muna kasi. Ang bigat mo kaya! " Nakanguso kong sabi sabay pilit ko siyang tinutulak.
"Bakit ba? Akala ko ba bakla ka? Oh eh, bakit parang affected ka?" Panunukso niya sa akin sabay muling tingin sa aking mga mata.
"Oo bakla ako at kaya nga kita pina-aalis ay dahil hindi ako affected sayo. Affected ako sa bigat mo! Plus the fact na ang sakit-sakit ng likod ko. Twice na akong bumagsak remember!" Pagtataray ko sa kanya. Pero hindi siya natinag. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking. The distance between our lips is just inch away, now I can smell her breath and it made me shiver.
"Hoy Amanda! Anong binabalak mo?" Nakikita ko kasi sa kanyang mga mata na may masama siyang balak sa pagkababae ko, I mean pagka-becky ko pala.
"Hindi ka affected... Ibig sabihin wala kang mararamdam kung gawin ko sa iyo ito". Nanlaki ang mga mata ko ng dumampi ang mga labi ni Amanda sa mga labi ko. She was kissing my lips, teasing it by softly biting and brushing it with her moistens luscious lips.
Hindi naman ito ang unang beses na may babae akong nakahalikan. Kasama sa nakaraan ko ang pagiging isang bayaran lalaki. Ibinebenta ako ni Bruno, hindi lang sa mga matrona, pati na rin sa mga bakla at pedophile.
Nakipagkasundo ako kay Bruno noon na susundin ko lahat ng ipapagawa niya sa akin kapalit ang kaligtasan ni Robert, na walang ibang magiging trabaho si Robert kundi pangdurukot lang. Isang masakit na kahapon na ibinaon ko na kasama ng kamatayan ng pangalang Miko Castenorio.
Patuloy ang ginagawa ni Amanda. Pinipilit kong hindi gumalaw. Pero sa hindi ko maintindihan dahilan ay nakaramdam ako ng pagka-inip sa kanyang ginagawa. Parang hindi ako makuntento. Parang kulang pa. Parang mas magiging masarap kung mas malalim pa ang paghalik na gagawin niya.
Naramdaman ko ang unti-unting pag layo ni Amanda. Ngunit hindi ko siya pinayagan. My hand automatically holds her nape, while the other wrapped around her waist. I was about to kissed her back. I felt the urges to invade her mouth and taste it with my tongue. Pero may narinig na kaming mga boses na paparating. Mabilis kaming nag hiwalay, at para naman akong natauhan sa kung ano na ang muntik kong gawin kay Amanda. I shook my head to clear my thoughts.
BINABASA MO ANG
RICHARD CROW (Guns & Perfume) - Completed
General FictionAmanda Raven: Siya ang pumalit kay Silver Demonteverde bilang Chief Officer/Director ng Oversight. At kagaya ni Silver Demonteverde, hindi matatawaran ang kayang galing pagdating sa pakikipaglaban at pamumuno sa kanyang tungkulin. Richard Crow: Siya...