RICHARD’S POV:
“Richard, over here”. Nilinga ko ang pinangagalingan ng boses at nakita ko si Darvin sa may dulong bahagi ng LIRIONE’S DINNER, their specialties are pizza, pasta and burgers. Amanda would surely feast for their delightful pizza supreme specialty.
I shook my head to erase Amanda’s invasion inside my head. I smiled at Darvin as I sat across his post.
Then he asked, “Hungry?”
“Famished” I replied. Darvin called the waiter and ordered.
“Four Double Decker with extra cheese, One family size Lirione’s Special Supreme – thin crust, one pitcher of iced tea, and four chocolate ice cream for dessert”. Matapos na mailista ng waiter ang aming order ay umalis na ito. Then I looked around searching for someone.
“Where’s Alex & Lexi?” Tanong ko sa kanya.
“Wash room, I told them to wash their hands before eating”. Pero pagkatapos mag salita ni Darvin ay dumating na ang kambal na si Alexa at Alexis, seven years old na sila at kagaya namin ni Robert ay identical din silang dalawa. They look very pretty dahil naka terno sila; blue leggings and top with printed sleeveless. Both hairs were tied up in pigtails.
“Si tito crush. Hello po.” Bati ng dalawa sabay yakap at halik sa pisngi ko.
“Hello sa mga magagandang prinsesa, kamusta na kayo?”
“Mabuti po”. Duet nilang dalawa.
“May present ako sa inyo, pero later ko na ibibigay pag uwi natin sa bahay n’yo, okay?” Nakayakap pa rin ako sa kanila. Hinalikan ko sila sa pisngi bago pinaupo sa magkabilang side ko.
KW’s POV:
A few days after saving Darvin, pumunta siya sa office ni Richard, para pormal na mag pasalamat dito. Iyong ang naging simula ng kanilang pagkakaibigan. Madalas silang mag kasama at mabilis na nagkagaanan ng loob. As they say, “It takes one to know one”. Dahil na rin sa pagiging malapit nila ay nagawang ibuhos ni Richard ang kanyang pangungulila para sa nag iisang babaeng pinahalagahan niya sa buhay. Bagaman hindi detalyado ang mga kwento ni Richard, tungkol sa tunay nilang pagkatao, kabilang na ang pangalan ni Amanda, he manage to share with him how much he regrets his decision.
Hanggang isang gabi, dala na rin siguro ng espirito ng alak at pag susuri sa kanyang tunay na pagkatao, ay nagawang sipingan ni Richard si Darvin. Ngunit sa kabila nito ay buong magdamag na katatingin lamang si Richard sa kisame habang himbing na natutulog sa kanyang tabi si Darvin. Noon niya napatunayan sa sarili na hindi nito kayang ibsan ang pangungulila niya kay Amanda. Ngayon niya napagtanto na si Amanda at wala nang iba pa ang bumubuo sa pagkatao niya.
Hindi niya kayang lokohin ang sarili, dahil si Amanda pa rin ang hinahanap niya, at tanging kay Amanda lang niya naramdaman ang kaligayahan kumukumpleto sa kanya. Kahit pa kung tutuusin ay hindi sila lumagpas sa make-out boundaries. Yes, up until the last night when they’re together he never took advantage of her. Isama pa ang psychological problem ni Amanda when it comes to sex. Mas tumindi tuloy ang pakiramdam ng pagkasakal ng kanyang puso sa isiping na binigyan n’ya ng pagkakataon ang kung sino mang lalaki na mamahalin ni Amanda na tulungan siyang gamutin ang kanyang sakit pag dating sa aspeto na iyon. Parang hindi niya matanggap may may ibang lalaking a-angkin kay Amanda.
BINABASA MO ANG
RICHARD CROW (Guns & Perfume) - Completed
General FictionAmanda Raven: Siya ang pumalit kay Silver Demonteverde bilang Chief Officer/Director ng Oversight. At kagaya ni Silver Demonteverde, hindi matatawaran ang kayang galing pagdating sa pakikipaglaban at pamumuno sa kanyang tungkulin. Richard Crow: Siya...