RICHARD’S POV:
Nagising ako sa matinding sakit nagmumula sa aking binti. Nang idilat ko ang aking mga mata ay si Robert ang aking nasilayan, hinanap ko sa paligid si Amanda pero hindi ko siya makita.
“Kuya, hey, hey” Medyo tinatapik pa niya ang aking pisngi. “Listen, kailangan ko nang tanggalin ang nasa hita mo. Wala na akong oras para kumuha pa nang anesthesia. Kailangan ko nag bunutin sa hita mo ang bagay na nakatusok sa iyo.” Malumanay na paliwanag nito. Hindi ako makakilos dahil naka-gapos pa rin ako sa upuan. Wala sa isip na tumango ako kay Robert. Habang ang aking buong atensyon ay ang mga huling tagpo namin ni Amanda, at kung nasaan na siya.
“On three, kuya”. Muli kong tinignan si Robert, then I nodded. I was about to count ng biglang…
“Okay three!” Sigaw niya sabay bunot sa kung ano man ang nakatusok sa aking hita.
“AArrrrrgggghhhh Puttttttt… Haaaaaaaa! Tannggg Eiiirrgggaaaaah!” Malakas na palahaw ko. Halos lumuha ako sa sakit. Parang doon lang ako natauhan sa kung ano ang kalagayan ko.
“Puttttt! What the fvck was that? Ahhhrrg… Shhiiiittt! Ahhhrrrgggg!” Hindi muna sumagot si Robert. Ginamot muna niya ang hita ko at binendahan. Tapos ay umalis, iniwan akong sumisigaw at namimilipit sa sakit. Pag balik may dala na itong surgical instrument and pain reliever. He injected me first before stitching my thigh.
Nang makalipas ang ilang minuto ay, nagawa ko nang kausapin si Robert. “What was that? Where is she? And what happened to your eyes Robert?” Sunod-sunod kong tanong. May dalawang black-eye kasi siya.
“Isa isa lang mahina ang kalaban. Una, what was that?” He moved towards the table kung nasaan ang bagay na inalis niya sa akin.
“This is Amanda’s exclusive torture weapon, which she designed, and by the way, I manufactured”. Kitang kita ko na very proud ang face niya.
“Isang pointed stainless tube na kasing haba lang ng ballpen, pero mas mataba nang kaunti dito. Inside are thin but very sharp needle spikes. Once itinusok mo sa kahit anong parte ng katawan ay automatic na lalabas ang needle spike”. He moves closer to show the stainless pen type weapon.
“See this little red button here? Once you press it, which Amanda did, after stabbing your right thigh, will give you only ten minutes to take it out before all the needles automatically eject, and spread out inside your flesh, making it more difficult to extract, while giving you the most excruciating pain ever. Very…… Excruciating” May special tone pa sa huli niyang sinabi.
“Yun ay kung gusto ka niyang bigyan pa ng oras para makatakas. Which also gave me the idea na she still cares for you.” He smiled while he looked so ugly having two black eyes.
“Dahil, this blue button here, is the right button to automatically release the needles without any warning”. I was all ears sa mga sinasabi niya, sa kabila ng sakit na nararamdaman ko.
“Kaya naman wala na akong time para tusukan ka pa ng anesthesia bago ko bunutin ito, dahil wala akong idea kung ilang minuto na lang ang natitira bago tuluyang tirahin ng porcupine ballpen ni Amanda, ang mga laman mo. And as a result, you’ll be having a very visible scar dahil your flesh was scraped out by these”.
Kinuha uli ni Robert ang isang klase pa ng porcupine ballpen na binunot niya mula sa aking hita, at kinilabutan ako sa dami ng sabit-sabit kong laman at dugo sa bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
RICHARD CROW (Guns & Perfume) - Completed
General FictionAmanda Raven: Siya ang pumalit kay Silver Demonteverde bilang Chief Officer/Director ng Oversight. At kagaya ni Silver Demonteverde, hindi matatawaran ang kayang galing pagdating sa pakikipaglaban at pamumuno sa kanyang tungkulin. Richard Crow: Siya...