Chapter 4 - Bad Ass Not Dumb Ass

6.3K 119 11
                                    

RICHARD'S POV:

Nakahiga ako sa kama at nakapikit na ang aking mga mata. Nandito na kami ngayon ni Robert sa bago naming quarters. Kulay puti ang paligid, ang tanging kasangkapan na makikita mo ay dalawang kama na may isang dipa ang pagitan. Wala rin kaming mga damit o kahit anong personal na gamit, maliban sa kagamitan ng may kinalaman sa paglilinis ng katawan. Gaya ng sipilyo sabon, shampoo, at iba pa. Tuwing umaga ay may makikita na kami sa harap ng pintuan na isang bag na naglalaman ng panibagong bihisan namin. At pag nakatapos na kaming maligo ay sa bag na ito rin namin ilalagay ang aming pinagbihisan.

Patulog na ako ng biglang magsalita si Robert. Bawal na kaming magtawagan sa dati naming pangalan. Bawal na rin siyang tumawag ng kuya. Sabi ni Officer Raven. Pantay-pantay na raw ang estado naming, walang kuya, walang bunso. Kabilang na raw kami sa (Recruits) kung saan pantay pantay ang turingan ng bawat isa.

"Richard gising ka pa?" Tangong ni Robert.

"Oo, mahimbing na, kanina pa." Tinatamad kong sagot.

"Uy, Richard?" Pangungulit ni Robert.

"Hmmn.. Bakit ba? Magtatanong ka kung tulog ako? Tapos nang sinagot kang oo. Nangungulit ka pa rin. Ehhh tulog na nga diba!" Inis kong sagot.

"Tulog eh ang daldal mo". Ayaw talaga manahimik ni Robert.

"Eh kasi ang kulit mo! Ano ba kasi yun?" Tumagilid ako para humarap sa kanya. Nakita ko siyang naka-upo sa kanyang kama.

"Hindi ako makatulog". Sabi niyang parang may dinaramdam. Napabalikwas ako sa kama at mabilis pa sa alas kwatrong tumabi sa kanya. Hinawakan ko ang noo at leeg niya.

"Naku Robert ang taas ng lagnat mo! Tagos hangang utak!" Mapang-asar kong sabi. Kasi wala naman talaga siyang sakit.

"Tsk. Tsk.Tsk. Masama na'to. Hindi ka makatulog. Sa buong buhay natin ngayon ko lang narinig sa iyo yan Robert. Mukhang malala na ang sakit mo!?" Kunwari ay alalang alala ako sa kanya. Tinabig niya ang kamay ko at sinuntok ako sa balikat.

"Puro ka naman kalokohan, seryoso ako!" Yamot na sagot niya.

Tumatawa ako muling nagtanong sa kanya "Seryoso? Kelan pa? Ano ba kasing problema mo?" Huminga ako ng malalalim at muling bumalik sa higaan pero naka-upo na rin ako habang nakaharap sa kanya.

"Para kasing hinahalukay ang tiyan ko sa kaba. Yun bang.. Ano ba yun tawag na dun? eggsay-- egsaymen-- ba ang tawag dun?" Panay ang kamot niya sa ulo habang nahihirapang isipin ang sasabihin niya.

"Ahhh yun bang parang iniisip mo yung mga susunod na mangyayari?" Tinutulungan ko siyang analisahin kung ano ang nararamdaman niya. Kuya n'ya ako kaya dapat mas may alam ako, para ng sa ganun ay maturuan ko siya.

"Oo parang ganun." Sagot ni Robert na naiinip sa mga sasabihin ko pa.

"Yung nananabik ka sa mga pwedeng maganap sa hinaharap?" Pabitin ko pang sabi. Alam ko naman na Kasi ang tawag sa gusto niyang sabihin. Inaasar ko lang sya.

"Tama yun nga!" Si Robert uli.

"Yun parang taeng-tae ka na tapos kinakabag ka at gusto mo nang pumasok sa banyo pero may tao pa sa loob---" Hinaluan ko pa ng pag arte para mas mukhang kapanipaniwala ang dating, pero pinigilan n'ya ako

"Ano ba yang sinasabi mo? Puro ka kalokohan! Pero, oo yung parang ganun nga. Ano ba talaga ang tamang tawag dun Richard?" Yamot na sabi ni Robert sabay hagod sa buhok na akala mo napakakalaki ng problema nya sa buhay

RICHARD CROW (Guns & Perfume) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon