ROBERT'S POV:
I'm on my way to my brother's office, may ilang linggo din ako sa state with sir Silver. Kababalik lang naming kahapon, and now sir Silver is spending his quality time with ms. Vriella. Kaya mahaba-haba rin ang magiging bakasyon ko. So, I decided to visit Richard, na mi-miss ko na rin asarin ang faster than a speeding turtle kong kapatid pag dating sa kaisa-isa babaeng nakapagpatigas sa puso niyang kasing lambot ng mamon.
Balak ko siyang i–surprise sa pamamagitan ng pang aasar sa buong maghapon, sigurado pag nakulitan sa akin yun ay ilibre niya ako at bubusugin, hehehe.. Mabilis kasi akong makatulog pag busog. Meaning nananahimik ang mundo niya kapag tulog ako.
I saw his secretary Krista sa desk nito sa labas nang office ni kuya. Ka-close ko rin ang secretary ni kuya, mabait si Krista, maganda, sexy, and what I like about her is fear of needles.
"Yes honey, naibigay ko na sa boss ko ang invitation". Dinig kong sabi ni Krista. Kausap siguro niya ang boyfriend niya. Nagkatinginan kami, at sinenyasan ko siya, saying not to mind me.
"Honey sige na, andito na si sir Robert,... okay bye... I love you too". Sinuklian din niya ako ng ngiti. Tapos ay tumayo ito bilang pag galang.
"Hi Krista! Kamusta?" Pinaupo ko na siya, habang ako naman ay umupo din sa visitor's chair.
"Okay naman po sir. Welcome back po! Kailan po kayo dumating?" Magiliw niyang tanong.
"Thanks, Kahapon lang kami dumating ni sir Silver... Si kuya?"
"Nasa conference room po sir, may cover presentation po kasi para sa bagong magazine na ilalabas ang OSN. Would you like some coffee sir?" Alok niya sa akin. Patayo na siya ng awatin ko.
"No, huwag ka nang mag abala pa". Sumunod naman siya agad at muling umupo.
"Bakit nandito ka nga pala, diba dapat kasama ka sa presentation?" I asked her.
"Ah, hindi na po ako pinasama ni Ma'am Amanda. Siya na lang daw po ang bahalang mag assist kay sir Richard". Tumango-tango ako. Then I noticed the ring on her finger.
"That's a big rock". Compliment ko sa kanya. Nahihiya niyang tinakpan ng isa niyang kamay. "Engage na pala kayo ni... Nathan, right?"
"Yes sir, ikakasal na po kami two months from now". May kinuha siya sa drawer at inabot sa akin.
"Dalo po kayo sir ha, wag po kayong mawawala. Invited din po si ma'am Amanda at sir Richard". Kita sa kanyang mga mata ang excitement. She's a real gem when her eyes express her happiness.
"Sure, no problem. Basta ikaw". Nakangiti kong sabi sa kanya. I felt a little jealous with how her eyes glows as she felt joyful about her up coming wedding. Then an evil grin flashes on my face.
"Tell me Krista... Does Nathan know anything about our game?" My tone changes together with my facial expression, I know Krista can see the dangerous side of me.
Biglang nagbago ang kanyang reaksyon, namula ang kanyang mga pisngi. Hinawi ang mga hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha, at may ilang ulit na napalunok. Dahan-dahan siyang umiling.
![](https://img.wattpad.com/cover/24545307-288-k475738.jpg)
BINABASA MO ANG
RICHARD CROW (Guns & Perfume) - Completed
General FictionAmanda Raven: Siya ang pumalit kay Silver Demonteverde bilang Chief Officer/Director ng Oversight. At kagaya ni Silver Demonteverde, hindi matatawaran ang kayang galing pagdating sa pakikipaglaban at pamumuno sa kanyang tungkulin. Richard Crow: Siya...