RICHARD’S POV:
I went home feeling so empty. Those past weeks were such a beast; Council Raven made sure that I’m handful and preoccupied at all times. But what really depressed me was when all Oversight officers from different places had an annual conference via satellite, including the only woman who occupies my heart. Unfortunately, she was too cold, communal and very distant.
Hindi man lang niya ako sinulyapan kahit na minsan man lang. Pero ganun pa man ay umasa ako na kapag ako na ang tinawag niya ay magagawa na niya akong pansinin, pero kahit pa ako na ang nagre-report ay hindi siya lumingon. Ang hirap na dulot ng katotohanang magkalayo kami sa isa’t isa ay mas dumoble pa sa pagwa-walang bahala niya sa akin.
The pain in my heart is unbearable, mas masakit pa kaysa sa dami ng sakit ng katawan na inabot ko mula pa ng araw na ako’y maging si Richard Crow. Dati-rati palagi ko siyang nahuhuling sumusulyap sa akin, o kaya ay ramdam ko na lagi siyang nakatingin habang nakatalikod ako. Pero ngayon, kahit iyong ay ipinagdadamot na niya.
Kung magagawa ko lang sanang makalapit sa kanya upang pag hilumin ang sakit na idinulot ko sa kanyang damdamin ay gagawin ko. Pero, mukha yatang pinagdamutan na ako ng tadhana. Mukhang pati ito ay nagalit na rin sa akin, at gusto nitong pagdusan ko nang buong buhay ang lahat ng pagkakamali kong ginawa sa isang taong buong pusong nagtiwala sa akin.
After taking a long bath, I wrapped the towel around my waist, and instead of going straight to bed, I went to my own mini-bar. I do feel that I need a drink, hindi ko kasi kayang matulog sa ganitong pagkakataon na halos malunod ang puso ko sa pangungulila kay Amanda. Nakaupo ako sa stool bar habang nakatitig sa bote ng alak. Walang ibang laman ang aking puso at isipan kundi ang mukha nang tanging babae na nakaukit dito. I sighed then drink my wine, lumipas pa ang ilang minuto at halos mapangalahati ko na ang laman nang bote.
Then, I smelled a familiar scent. This time hindi ako pwedeng magkamali. I’m positive that it’s her scent. She’s here. I looked around. Mabilis ang aking kilos. Parang nag ririgudon ang puso ko sa bilis ng pintig nito. Then I followed the scent from where it is coming from, naghahalo ang pananabik at kaba sa aking puso habang patuloy kong sinusundan kung saan nanggagaling ang pamilyar na amoy nang pabango. Alam kong si Amanda yun. Hindi ako maaring magkamali.
Umabot ang aking paghahanap hanggang sa aking kwarto, kung saan nakita ko na bukas ang glass door ng balcony. Nakita kong bahagyang nililipad ang kurtina dahil ng simoy ng hangin na nagmumula sa labas, at kasabay nito ang pamilyar na pabango na pumapawi sa kahungkagan ng aking puso .
Nangingig ang aking mga tuhod na lumapit dito. My heart was rapidly pounding. She’s back, she came back. Sigaw ng aking isipan. Lumapit ako at lalo pang bumilis ang pintig ng aking puso nang masilayan ko ang kanyang likuran. Dahan dahan ang bawat kilos ko, kasama ang panalangin na sana’y hindi ito isang panaginip, o isang guni-guni. Sana ay totoo ang lahat. Sana.
Nang makalapit ako at hindi siya umalis o kumilos ay ginamit ko na ang pagkakataon iyon upang mayakap siya.I wrapped my arms around her waist. “Amanda, I’m so sorry. Please forgive me”. I was controlling my sob.
“I tried so hard. Pinilit kung limutin ka Richard. Hindi lang sinubukan, kun’di pinilit ko. Pero hindi ko rin malaman kung bakit, palagi akong dinadala ng aking mga paa sayo. Kung bakit patuloy na pangalan mo ang sinisigaw ng puso ko”. Narinig ko ang kanyang pag hikbi.
BINABASA MO ANG
RICHARD CROW (Guns & Perfume) - Completed
Ficção GeralAmanda Raven: Siya ang pumalit kay Silver Demonteverde bilang Chief Officer/Director ng Oversight. At kagaya ni Silver Demonteverde, hindi matatawaran ang kayang galing pagdating sa pakikipaglaban at pamumuno sa kanyang tungkulin. Richard Crow: Siya...