AMANDA'S POV:
The sun is about to set, giving way for the moon to be the light at night. Parang story namin ni Richard. Matapos ang mahabang panahon at nakakapagod na pag sukat sa pagmamahalan namin ni Richard ay to na kami ngayon, oras na para magpahinga at namnamin ang bawat oras na mag kasama kami habang nangangarap para sa isang magandang kinabukasan sa hinaharap. At sana dumating na ang liwanag ng magbibigay katuparan para makabuo kami ng sarili naming pamilya.
Alam kong hindi pa ngayon ang oras na iyon, subalit, kagaya ng kasalang Saavedra & Demonteverde Nuptial kahapon. Nais ko rin humatong ang pag-iibigan namin ni Richard sa ganoon pag tatapos pag dating ng tamang panahon.
Sabi ni ate Vriella, palagi akong maniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. Na ito ang palaging mag dadala sa akin sa pinapangarap kong happy-ever-after na love story. Napapangiti ako kapag ganoon ang topic namin, para kasi kaming mga bata na nangangarap ng fairytale love story naming dalawa. Pero, kung siya nga ay natupad na ang pinapangarap niya. Mag aalinlangan pa ba ako? Eh, halos nasa kamay ko na rin ang fairy tale love story ko. Ang dapat ko na lang isipin ngayon ay ang panatiliin buo ang pag mamahalan namin ni Richard.
"Maniwala ka sa LOVE Amanda, dahil kahit pa anong mangyari, mahirap man o madali, masakit man o masaya. Patuloy kang dadalhin ng tunay na pag-ibig mo sa taong wagas na mag mamahal sayo at sa pag mamahalan tanging nakalaan para sayo". Mga katagang itinatak ni ate Vriella sa isip at puso ko.
Isang malalim na paghinga ang aking ginawa, matapos ay nakangiting nakatingin sa malawak na lupain habang naka upo sa ilalim ng isang malaking puno.
"Mukhang malalim ang iniisip ng baby ko ah? Share naman d'yan". Hirit ni Richard habang bitbit ang mga gamit namin para sa surprise picnic na inihanda niya para sa akin.
Matapos naming dumalo sa kasal ni kuya Silver at ate Vriella ay bumyahe na kami papuntang Batangas kung saan matatagpuan ang Hacienda Monteviena. Aside from being a philanthropist of ate Vriella's Little Angels Foundation, ay dito pala nag -i-invest si Richard. Who would've guessed that my beckymon fiancé is into farming? Kaya pala close siya kay Darvin ay dahil ito ang resident veterinarian and at the same time, ito rin ang namamahala sa organic swine/hog raising & organic poultry business ni Richard.
At ang higit akong hinangaan ay ang kabutihan ng puso ni Richard. Dahil, nalaman ko na binibigyan pala niya ng hanapbuhay ang mga ex-convict na nag nanais magbagong-buhay. At dito mismo sa hacienda niya ito pinagta-trabaho.
Hindi nagkamali ang puso ko na siya ang ibigin, at hindi rin ako nagkamali na ibigay sa kanya ang pagtitiwala at buong pagmamahal ko. Wala na akong mahihiling pa sa Dios kundi ang makasama siya habang buhay.
"Wala, iniisip ko lang na, I wasn't expecting na farming ang papasukin mong negosyo".
"Ahhh, siguro ang iniisip mo ay wellness center, like spa or salon noh!.. Well, you guess wrong. You're hus-wife (Husband/wife) happens to be an environmental enthusiast".
Pagkatapos ilapag ang basket at ayusin ang mga pagkain ay tumabi siya sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran, ako naman ay sumandal sa kanyang dibdib.
"Nakikita mo ba ang malawak na kalupaan na iyan?" Tumango ako.
"Years from now mapupuno na iyan ng libo-libong puno ng mangga.. at yun pinaka malaki puno ay patatayuan ko ng tree-house na may malaking duyan sa baba". Sabi niya sabay halik sa aking buhok at yakap sa akin ng mahigpit.
"Tapos doon mag lalaro ang mga anak nating gremlins na walang dulot sa mundo kundi distraction... hahaha ang ku-cute sigurado ng mga babies natin ano?" Humahalakhak na sabi ni Richard.
BINABASA MO ANG
RICHARD CROW (Guns & Perfume) - Completed
Fiction généraleAmanda Raven: Siya ang pumalit kay Silver Demonteverde bilang Chief Officer/Director ng Oversight. At kagaya ni Silver Demonteverde, hindi matatawaran ang kayang galing pagdating sa pakikipaglaban at pamumuno sa kanyang tungkulin. Richard Crow: Siya...