AMANDA'S POV:
"What the heck! I will kill you Richard Errrggggh!" Umuusok ang ilong na sigaw ko.
"Ano ba ang problema mo Amanda. Para kang ambulansya, ang sakit sa tenga ng boses mo." Lumingon lang siya sa akin tapos ay bumalik na sa ginagawa niya. Parang hindi apektado sa galit ko.
Kung pag babasehan ang kanyang itsura ngayon ay halatang bagong ligo na ito. Dahil ngayon ay naglalagay na nang moisturizer sa mukha habang nakatayo. Mas makikita kasi ang ganda ng suot niya kung nakatayo siya. Gamit din niya ang kulay pink na towel ko na nakapugong sa kanyang ulo. At ang pinag puputok ng butsi ko ay ang suot niyang oversize t-shirt na si Patrick Starfish ang design.
"Bakit suot mo yang t-shirt na yan Richard?" Inis na lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan na hindi naman niya ginamit. Kinakausap ko siya sa harap nang salamin.
"Oh, bakit? What's the problem? Akin naman ito ah". Confident niyang sagot habang gusto na yatang ihilamos sa mukha niya ang moisturizer ko.
"Not until our birthday". Pinanlakihan ko siya ng mata. Gift ko dapat iyon sa kanya sa birthday naming tatlo.
Naisip kasi naming tatlo na ang araw na nakarating kami sa Oversight ang siyang magiging official date of birth namin to celebrate, since patay na ang dating pagkatao namin.
"Oh, eh di Advance Happy Birthday to me! Hahaha!" Malandi niyang tawa. Sa inis ko ay siniko ko siya, pero nakaiwas siya.
"Opps. Opss, Ooopss. No hitting below the belt". Tumakbo ito papunta sa kama.
"Maligo ka na. Hindi ka na amoy baby, amoy daing ka na". Sabi nito.
Sininghot-singhot ko naman ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho pero amoy pawis na rin, dahil naglinis muna ako sa kusina bago pumasok sa kwarto. Ngumiwi ako at padabog na pumasok sa banyo.
---- 0 -----
RICHARD'S POV:
Pumasok na sa banyo ang mandirigmang si Amanda. I was thinking of following her pero pinigilan ko ang aking sarili. Dalagang Pilipina kaya ako.
Kanina, kaya nakatuwaan kong halungkatin ang mga gamit niya ay dahil nainip ako sa kanya. Ang tagal kasing pumasok, at nang sinilip ko siya ay nakita kong umaandar na naman ang pagka-OC (obsessive compulsive disorder) niya. Panay kasi ang linis sa kusina. And knowing her, I know it would take her along time to finish cleaning up. And so, I decided to ransack things inside her room.
At kagaya ng inaasahan ko ay may makikita akong gamit na tinatago niya para sa akin. Very thoughtful kasi si Amanda. Palagi niya akong binibigyan ng mga kung ano-anu. Ang totoo ang pagkahilig ko sa Patrick Starfish ay nagsimula rin naman sa kanya. We were in this mission na kunwari ay mag asawa kami na namimili ng gamit para sa anak namin. Nakita ko siyang nakatitig sa mga stuffed toy, pero mas hindi niya inaalis ang kanyang paningin kay Patrick Starfish. I bought it pero ayaw daw niya yun.
Then one day, I had a chance to ask her doctor about the incident. She told me that this behavior is one of the effects of a severe trauma. Amanda deprives herself of things that she wanted; because she's afraid of the consequences that might caught her.
Nalaman ko lahat ng klase ng pagmamalupit ng kanyang ina sa kanya. Ang isa dito ay ang pagpapatulog sa kanya ng ina sa kulungan ng aso na kasama mismo ang aso, na mas madalas ay ang tirang pagkain na lang nito ang tanging laman ng kanyang sikmura.
BINABASA MO ANG
RICHARD CROW (Guns & Perfume) - Completed
General FictionAmanda Raven: Siya ang pumalit kay Silver Demonteverde bilang Chief Officer/Director ng Oversight. At kagaya ni Silver Demonteverde, hindi matatawaran ang kayang galing pagdating sa pakikipaglaban at pamumuno sa kanyang tungkulin. Richard Crow: Siya...