Chapter 1 - Childhood

9.3K 162 7
                                    

Alora’s POV:

Alora Nicole Espiritu  (A.K.A AMANDA RAVEN) - Childhood

Punyeta kang bata ka!” Sigaw ng aking ina habang hinahataw ako ng buntot ng pague sa katawan.

“Bakit mo tinakbuhan yung kano kagabi. Ha!” Muli akong hinampas sa likod.

“Nayyyy tama na po! Maawaaa na po kayo!” Humihiyaw na ako sa sakit ng mga hataw ng nanay ko. 

“Bobo ka talaga! Pera na naging bato pa!” Sinabunutan naman niya ako ngayon. Sobrang sakit ng sabunot ng aking ina. Pakiramdam ko ay natatanggal ng sabay sabay ang aking buhok.

 “Nayyyy tama na po”. Hilam na hilam na ang mata ko sa kaiiyak. Pilit na sinasalag ng aking kamay ang bawat paghataw ng aking ina. “Nanayyyy, ayoko ko na po”. Pero lalo siyang ng gigigil na hampasin ako. “Nanaaayyy tama na po, parang awa mo nya, Nanay!”

 

“Huwag kang umarte na akala mo birhen ka pa. Put@ ka! Maluwag na maluwag na yan! Kaya huwag kang tumatanggi sa costumer ko! Naintindihan mo!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha. “O-opo, Opo!”. Sigaw ko ng akmang hahatawin niya akong muli ng buntot ng pague.

“Punyeta ka, hindi ka maka-kakain hanggat hindi ko sinasabi” Kinuha niya ang mahabang kadena na nakapulupot sa poste ng bahay namin at ikinadena uli ako sa leeg. Tapos ay pinadlock pa niya ito.

“Hindi ako papayag na takasan mo uli akong letche ka! Siguro naman ngayon ay mag tatanda ka na!” Tinadyakan pa muna niya uli ako bago umalis.

Naiwan akong puro sugat, pasa at duguan ang mga latay na mula sa buntot ng pague. Sana pinatay na lang niya ako noon baby pa lang ako. O kaya nama'y ipinalaglag na lang niya noon pinag-bubuntis pa laman n’ya ako. Mas pipiliin ko pa yun ke’sa sa impyernong kinasasadlakan ko ngayon. Sana mamatay na ako… Sana hindi na ako magising bukas. Sana….

………………..

 

 

Miko’s POV:

Miko & Niko Castenorio (A.K.A. RICHARD & ROBERT CROW) - Childhood

Naka upo ako sa bench sa may plaza at binibilang ang pera na kinita ko sa panlilimos.

“Kuya!” Patakbong lapit sa’kin ni Niko. Siya ang kakambal ko. Nauna kasi akong lumabas kaya kuya ang tawag niya sa akin. Lumayas kami sa ampunan pinag dalhan sa amin ng aming ina.

Kahit na musmos pa ako noon ay naiintindihan ko na ang mga pinag-uusapan nila ng mga namamahala sa ampunan. Ihanap daw kami ng mag aampon na nakatira sa malayong lugar. Malayo dito sa Olonggapo. Mas mabuti kung sa Maynila raw. Para hindi na raw kami makita. Masamang masama ang loob ko sa aming ina. Pero mas mabuti na rin naman iyon dahil salbahe siya. Lagi na lang kaming pinapalo at pinapagalitan.

“Oh, Niko bakit? Anong problema?” Tanong ko sa kambal ko.

“Kuya 5.00 pesos pa lang ang kinita ko baka hindi ako pakainin ni mang Bruno nito”. Kumakamot na sabi ni Niko.

“Hayyysst! Natulog ka na naman ba sa ilalim overpass?” Naiinis kong tanong sa kanya. Kumamot lang uli ito sa ulo.

“Alam mo bang hindi  ka lang gugutumin ni Mang Bruno. Gugulpihin ka pa nun”.  Nag aalala kong sabi.

Mula ng mag layas kami sa ampunan ay nagpagala gala na kami sa kalye, hanggang sa umabot sa puntong kinuha na kami ng sindikato at hindi na kami naka takas pa.

“Sige ako na ang gagawa ng paraan. Humanap ka uli ng lata at pat-pat. Dalian mo ha. Hapon na baka hindi tayo maka kota”. Utos ko kay Niko.

“Sige kuya” at mabilis na nag hanap ng lata.

Nasa tapat kami ng simbahan. Saktong palabas na ang mga nag sisimba. Nag tali ako kulay pulang ribbon na napulot ko sa daan. Tapos ay itinaas ang T-shirt ko hanggang sa aking dibdib, at ibinuhol ko ang dulo nito. Ganoon din naman ang ginawa ko sa shorts ko, tinupi-tupi ko ito hanggang umabot sa aking singit. Bumili rin ako ng Lips candy, kulay pula kasi ito kaya iyong ang pinahid ko sa aking labi at pisngi.  

“Oh ready ka na Niko? Galingan mo nag pag tambol ha!” Nag thumbs up ito sabay sabing, “Ako pa kuya! Game!” Nag umpisa na siyang tumugtog.

Ako naman ay kumekembot – kembot hanbang kumakanta (to the tune off Maria Mercedes Thaila version).

“Maria Mercedes ang pangalang ko, chenez, chenez, chenez”. Tuwang tuwa ang mga tao sa pag giling ko at pag kanta at marami ang naghahagis ng kanilang mga barya sa aming lata. Sumunod naman ay (MariMar Thaila version)

 

“Marie Mar! Aww! Kiniliting kasoy. Chuchurut churut churururut chu! AUWWW!” Panay ang kembot ko at sayaw ng may pagka-kankarot para mas epektib ang dating. Nagpalakpakan ang lahat ng nanonood sa amin.

Ito talaga ako, isang babaeng sumanib sa katauhan ng isang lalaki. Pero hindi naman ako malaswa. Lalaki pa rin naman ang porma at kilos ko maliban lang pag kakakita ng ipis at daga. 

Hindi ko naman pwedeng lokohin ang aking sarili at sabihin straight na lalaki ako kasi nga, hindi talaga!!

“Wow kuya ang dami nating pera. Naka P70.00 pesos na tayo. Yehey hindi na tayo magugulpi at makakain pa tayo”. Tuwang tuwa si Niko. P50.00 peso kasi ang kota naming dalawa at sa pinag samang pera naming ngayon ay sobra pa kami ng bente. Kaya siguradong matutuwa si Mang Bruno sa amin at siguradong bibigyan kami ngayon gabi ng hapunan.  

Ginulo ko ang buhok ni Niko at sinabing “Sa susunod wag kang tulog ng tulog ha. Tayo na uwi na tayo baka makursunadahan pa  tayo ng ibang mga bata dito at nakawin pa ang kinita natin”. Wika ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay para maka uwi na kami.

  

(Next on Guns & Perfume: RESCUED – Silver Raven saved them?) 

RICHARD CROW (Guns & Perfume) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon