Chapter 29 - Deception 2.0

2.8K 75 14
                                    

RICHARD’S POV:

Robert and I were about to follow Amanda and Elliot when my phone rang. I looked at my phone to see who is calling. It was Senator Avendano (A.K.A agent Homer Falcon) “Yes sir, I’ll be there right away”. 

Agent Falcon is one of my best men when it comes to disguise, his expertise using prosthetics is remarkable. Kaya niyang gayahin ang kahit na sino man mapababae o lalaki man. Tumawag siya upang ipaalam na natapos na niyang ayusan ang taong magpapanggap na si Senator Avendano.

Sa oras na ibigay ni Amanda ang eksaktong lugar kung saang restaurant sila ni Elliot, ay sinyales na ito upang isagawa ang kunwari kong pakikipag negosasyon kay Senator Avendano. Ito ay upang maitanim sa utak ni Elliot na may mali akong ginagawa sa labas ng Oversight. Magbibigay daan ito para taniman niya ng pag dududa ang isipan ni Amanda at alisin ako sa Shadow Plate mission.

Pero bago kami pumunta sa katapat na restaurant ay nagtalaga muna ako ng isang agent na mag sisilbing waiter nila Amanda. I instructed him to place a bug near their table, in able for me to hear their conversation.

Nagawa naman niya ang ipinag uutos ko, kaya ngayon nga ay nasa tawid kalsada lang kami ng aking agent na nagpapanggap na senador. Kunwari kaming nag uusap ngunit ang lahat ng aking atensyon ay nakatuon sa usapan nila Amanda. Parang gagong masokista lang ang peg ko. Dahil alam ko naman masasaktan lang ako sa ginagawa ko, kaya lang ay wala…. Matigas ang bungo ng beckiemon kong puso, di baling masakatan wag lang maisahan ng gung-gong na Elliot na yun. Higit sa lahat, hindi ko kayang palagpasin ang lahat ng kaganapang namamagitan sa kanila ni Elliot. Kahit pa nga alam kong nagpapanggap lang si Amanda, hindi ko pa rin kayang isiping may ibang lalaking napapalapit sa kanya ay nagpapahirap ng husto sa aking kalooban.

Parang gusto kong dukutin at i-blender ang mga mata ni Elliot sa tuwing nakikita ko siyang nakatitig kay Amanda. Parang gusto kong ilubog sa sulfuric acid ang kamay niya kapag nakikita ko siyang inaalalayan ang baby ko. At sa tuwing nakikita kong niningitian niya si Amanda para ipakita ang dimples niya.. wish is cute by the way… Ay para gusto kong barenahin ang mukha niya para mapuno na siya ng butas sa mukha.

Pahigpit ng pahigpit ang pagkakakuyom ko sa aking mga kamao sa bawat detalye na naririnig ko. Panay ang pagpapa-cute ng gago sa Amanda ko. Panay ang pagpapa-pogi points at nag iinit nan g hustoa ang ulo ko, dahil naririnig kong tumawa si Amanda ko.  Nagngangalit ang aking mga ngipin sa tindi ng panibughong unti-unting umusbong sa aking puso.

“Sisingilin kita ng malaki Elliot, walang kapatawaran ang ginagawa mong pang aagaw sa pag babaing ako lang ang maaring mag may-ari”.  Malakas kong sabi.

“O-officer C-crow”. Tawag sa akin ng agent na nagpapanggap na senador sa harap ko. Nanginginig ito sa upuan niya. Na ipinagtaka ko naman, then I realized that I was pointing my gun at him .Doon naman ako natauhan at inayos ang aking sarili, tumingin sa paligid at ibinalik ang aking baril sa holster nito. Then I apologized sa kaharap ko.“I’m sorry”.  

---- 0 -----

Ilang araw nang palpak ang lahat ng pagsubok kong mapalapit muli kay Amanda. Sa bawat gawin ko ay parang mas lalo pa siyang lumalayo sa akin. Parang gusto ko nang sumuko. Baka naman kasi wala na talaga siyang natitirang pag mamahal sa akin, baka naman hindi talaga niya ako magagawang patawarin pa.

RICHARD CROW (Guns & Perfume) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon