Chapter 9

103K 3.1K 381
                                    

*Cassidy's Pov*

"Cassidy! Gising na!"

Sabi nitong istorbong Suzy na to. Boses palang niya, alam ko na talaga. Ano ba! Maaabot ko na yung kamay ng Prince charming ko eh ginising pa ako! Asar oh!

"Mmm.. Mamaya na! Shoo! Istorbo ka naman Suzy eh." Ayoko sa lahat yung iniistorbo ako pag natutulog eh.

"Aba? Hoy Cassidy! Wala ka sa bahay. Gumising ka na riyan o baka mabubuhusan kita ng malamig na tubig!" Leche naman oh.

"Edi buhusan mo! Kala mo naman natatakot ako eh. Sarap-sarap ng tulog ko rito."

"Ahh ganon. I'm fucking serious here!" Sabi niya.

Bahala ka diyan. Basta ako, matutulog ako.

ZzzzZzzz

*Splaashh!*

Napabangon naman ako. Ang lamig!!

"Ano bang problema mo?!" Sabi ko kay Suzy. Huhu Basa na yung precious face ko. Umaa!

"Sabi ko sayo, seryoso ako rito. Tamang tama basa ka na, maligo ka na dahil male'late na tayo!" Suzy at nakapamewang na.

Sabi ko nga seryoso siya. Hays. Yung prince charming ko na iyon eh! Palapit na siya sakin oh kung hindi lang ako tinapunan nitong babaeng ito ng tubig, edi sana na-meet ko siya! Sayang naman iyon. Dumiretso na ako sa banyo. Pwede namang wisik wisik nalang eh. Bakit talagang buhos? Pati tuloy yung precious pillow ko, basa. T.T

.

"Anong section mo, Yuri?" Kasalukuyang naglalakad kami sa hallway ng dorm namin papunta sa Cafeteria. Break fast lang.

"III-A1." Sagot niya.

"Weh? Magkakaklase pala tayo eh." Sabi ko.

Tumawa siya.

"Ganun ba? Hindi kasi ako nakapasok kahapon. Nagstay lang ako sa library all day." Sipag naman nito tapos ang ganda pa.

"Ahh sige. Una na ko sainyo ah? May dadaanan pa ko eh. See you!" Sabi niya at nagpaalam na samin.

Nagwave lang din ako ng kamay tsaka si Suzy.

"Daanan natin si Rhea!" Sabi ko. Hinila ko na si Suzy.

"Excited? Daanan lang natin ah? Wag natin puntahan. Wag din natin isama." Suzy.

Tinawanan ko siya.

Kinatok naman ni Suzy yung pinto ng room ni Rhea.

"San punta niyo?" Bungad ni Rhea samin.

"Good morning din!" Sabay naming sabi ni Suzy.

"Tsh. San punta niyo?" Inulit pa talaga niya. Wala manlang goodmorning?

"Nakakahurt ka naman, Rhea. After all of our sacrifice para lang makapunta rito sa room mo, ganyan lang ang sasabihin mo samin? Edi sana tinext mo nalang kami na ayaw mo pala kaming makita?" Nagdrama naman ang Suzy.

"Yuck, sira. Pinsan ba talaga kita?" Sabi ni Rhea.

"Ang sungit mo! Meron ka nga siguro talaga lagi no? Umagang umaga eh. Oh well, gusto ka namin yayain magbreakfast. Want to join us?" Sabi ko.

"Tse. By the way, tara na nga! I'm so gutom na rin eh!" Biglang sabi niya at nagsparkle pa ang mata niya at ngumiti ngiti pa samin.

Nagpaalam muna siya sa mga karoomate niya and dinala na din ang gamit niya. Naks, close agad sila?

"I have so many chicka agad sa inyo. I'll tell you later sa cafeteria." Bigla siyang kumapit sa mga braso namin at naglakad na parang bata.

Woah. What did just happened?

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon