Chapter 23

81.4K 2.8K 180
                                    

CASSIDY

"Kindly get your notebook and copy the following." Utos samin ng aming teacher sa English.

Ang bilis ng araw. Thursday na agad ngayon. Hayjusme.

Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung napanaginipan ko. Panaginip nga ba talaga o Totoo? Ano naman kayang kaguluhan ang mangyayari dun? Leche ilang araw ko na din tong iniisip.

"Hoy teh. Tulaley ka na naman." Suzy.

"Cassidy. Ilang araw ka na namin kinakausap para ka namang wala sa mundo natin. Nukaba?" Suzy.

"Sorry. May--may iniisip lang." Napahilamos ako sa mukha ko.

Anong gagawin ko kapag nangyari yung panaginip ko? Anong gagawin ko? Edi marereveal nang ako ang nawawalang Elemental Princess? Tapos delikado na din ang buhay ko. Jusko naman Lord. Eh hindi pa nga sapat yung training ko eh. Paano kung totoo nga yun? Kasi naman eh..

"Ms. Evans! Stop thinking nonsense! You're not paying attention in my class!" Bigla akong natauhan sa reyalidad nang bigla akong tinawag ni Sir english.

"S-sorry sir." Sabi ko nalang.

"Your sorry is not enough. Now stand up. Who discovered the pythagorean theorem?" Tanong nito sakin.

Ha? Eh math naman yun eh! Ano nang connect nun sa english?

"Pythagoras. But sir, Pythagorean theorem is not related in our subject." Sagot ko.

"Precisely! Katulad ng pagkakatulala mo diyan, It is not related in our subject, too! Pay attention. I'm warning you or else I'll give you the detention slip for 3 hours. Sit down." Sabi niya.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Kainis naman yon. Di kaya nonsense iniisip ko! Para din naman yun sa kaligtasan niyo eh... CHAROT.

Nagfocus naman na ko sa subject namin. Recite naman ako ng recite para makabawi lang kay Sir. Napuri pa nga ko dahil halos ako lang sumasagot. Kaasar tong gurong to. Hmp!

Pupunta sana ako sa garden kaso nadaanan ko yung music room.

Ahh. Mukhang alam ko na kung ano ang makakapagrelax sakin ah.

Pumasok ako ng music room. Kumpleto ang instruments dito. Buti nalang may music room din dito sa MA. Hindi talaga siya nalalayo sa mortal world.

Hinawakan ko yung piano. Nakakamiss din tong tugtugin ah. Elementary palang ako nun, nagtututor na ko. Umupo ako sa piano. Marunong akong mag gitara. Pero gusto ko na din tong iplay.

Tinugtog ko yung Titanium. Wala lang. Parang ang saya lang. Hahaha

You shout it out
But I can't hear a words you say
I'm talking loud
Not saying much

Feel ko talaga kantahin.

I'm bulletproof
Nothing to lose
Fire away fire away

Ricochet you take your aim
Fire away fire away

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon