Chapter 30

75.9K 2.6K 157
                                    

Cassidy Pov

Bumalik ako sa training room ng mabigat at balikat. Para akong nawalan ng gana magtraining.

Bakit ba kasi bawal? Gusto lang naman eh. Pa'mysterious pa yung isa eh.

"You're here." Trace.

Napatingin naman ako sakanya. Preska siyang nakaupo at para naghihintay. Inalis ko yung tingin ko sakanya at pumunta sa gitna na pinagtetrainingan.

Nawalan talaga ako ng gana ngayon. Bwisit na Giann yun eh.

"Ituturo ko sayo ngayon ang tungkol sa hangin." Sabi niya at lumakad sakin.

"Air consists of a mixture of gases such as oxygen and nitrogen. Pwede mong pawalain ang oxygen na pumapaligid sa kalaban mo in able them not to breath. Pwede mo din namang lagyan ng oxygen whenever you want. Basta kailangan mo lang magconcentrate. Do you get me?" Sabi niya pa. Tumango nalang ako.

Inexplain pa niya sakin ang pwedeng uses ng hangin. Bahala na siya. Ang dami niyang sinasabi.

6 pm

"Let's grab our dinner. I know you're already hungry." Sabi niya.

Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay hinila na agad niya ako palabas.

"Huy Trace! Sa dorm na ko dederetso." Pigil ko sakanya. Napahinto naman siya.

"Why? Mamaya na. We must eat our dinner first." Sabi pa niya.

Ano ka ba Trace. Marami na kong naiisip sa ginagawa mo.

"Alam ko naman kung paano makapunta sa dining hall. Mauna ka na. Susunod nalang ako." Sabi ko sakanya at inalis ang pagkakahawak niya. Tiningnan ko muna siya at ganun din siya. Ako na ang unang umiwas ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Saktong wala sila Rhea sa kwarto dahil dinner time ngayon. Humiga muna ako sa kama. Wala naman na talaga akong balak kumain at pumunta sa dining hall. Nakakapagod kaya tong araw na to. Mga 30 mins din akong nagpahinga. Nagshower na ako at nagpalit ng pantulog.

Akala ko pa naman magiging masaya tong araw na to! Loka kasi si Giann eh. Panira ng araw. Hanggang gusto na nga lang bawal pa?

Eh teka! Ano namang pake niya diba? Ano ko ba siya? Kaibigan ko siya oo. Pero bakit naman niya ko pipigilan? May gusto ata sakin yun eh. JOKE LANG. Baka gusto niya lang talaga akong protektahan. Naks. Protected bessyboy.

Inii'stress ko lang yung sarili ko. Makapikit nga muna.

*knock knock*

Napamulat ako. Baka nandiyan na yung dalawa.

Pagbukas ko.

"Ay jusko! Bakit ka nandito? Diba bawal ka dito?!" Sabi ko.

Paano ako hindi magugulat kung si Trace ay nandito sa harapan ng kwarto namin?

Ngumiti pa siya sakin. Pakshet! Wag!!

Pumasok siya sa room namin at nilagpasan ako.

"Bakit ka pumasok? Trace bawal yang ginagawa mo!!" Sabi ko. Bigla akong nagpanic.

Potek! Baka machismis pa kami tapos.. Tapos, GRRR!! Ano ba to si Trace! Sakit sa ulo eh!

"What? Close the door." Sagot niya.

Pumunta siya sa mini dining namin at nilagay doon ang dala niya.

"Ayoko! Umalis ka na dito Trace! You know the rules right? Alis na!" Sagot ko sakanya at bahagyang natataranta na. Oh God! Baka mamaya parusahan pa ko. Huhu

"Of course I know the rule. Pero kung hindi mo isasara yung pinto, mas lalo tayong mahuhuli." Sagot niya with his smirk.

"Anong tayo? Ikaw lang ang mahuhuli dito! Ikaw nandito eh. Umalis ka na kasi!" Sabi ko.

Umupo pa siya. Grr. Ang sakit talaga sa ulo nito. Sinarado ko na yung pinto at nilock. Mukha namang wala siyang plano umalis eh.

Hoy! Mga isip niyo ha.

"Come on. Let's eat." Sabi pa niya.

Hinanda na niya yung lamesa.
2 Tapa and rice. 4 Chocoberry cake. 2 lasagna. 2 leche flan and ube. 2 raspberry juice. Shet naman. Nakakatakam.

"I am not going to eat." Sabi ko.

"Why? Kaya nga ako pumunta dito eh. Naghintay ako sa baba. Hindi ka dumating. So I decide to get the food and eat it here. With you." Sagot niya habang nakapoker face. Kumain na siya.

Pucha. Pigilan mong ngumiti Cassidy! Kunwari nalaglag yung panyo ko. Kunwari pupulutin ko pero bago ako makaupo ng maayos, ngumiti muna ako ng bongga at tsaka nagpoker face din.

"Bakit mo ba to ginagawa?" Deretsang tanong ko.

"Alin?" Sagot niya habang ngununguya.

"Ito. Bat ka pa pumunta dito. Hindi naman ako kakain. Pagod na kasi ako." Sagot ko.

"I'm just being nice to you. You know, Ang pangit ng pagkakakilala natin when we see each other. Kumain ka muna so you can sleep properly." Sagot niya.

Tiningnan ko muna siya. Sakto namang nagugutom na ko sa nakikita ko. Bwisit to.

Shemay. Ang sarap ng dala ni Trace. Kainis.

"Cassidy."

Bigla akong kinabahan.

"O-oh?" Tumingin siya sakin ng seryoso.

"Ano? Bat ganyan ka makatingin?" Iritang sabi ko.

Lumapit siya sakin. Shet anong gagawin nito?

"H-hoy. Layo Trace." Inatras ko nan yung ulo ko.

"Don't move, Cassidy." At nilapit pa niya lalo yung mukha niya s-sa mukha ko. Tiningnan pa niya yung bandang, l-labi ko.

"Ano ba kasi--" di ko na natuloy dahil hinawakan niya yung likod ng ulo ko.

"I said don't move."

Puchanginames....!!! Feeling ko para nang kamatis yung pisngi ko.

Kikiligin na sana ako eh.

"Ang dungis mo kumain. Para kang bata." Pinunasan niya yung gilid ng labi ko.

Ay. Nag assume ako!

Wag mag assume. Masasaktan ka lang.

Tinulak ko yung ulo niya. Napatawa naman siya.

"Anobayan Trace. Parang tanga eh." Sabi ko sakanya at umayos ng upo. Feeling ko namumula na ko.

"What? Are you expecting me to do something?" Sabi niya na halos matawa tawa.

"Ha ha. Oo! Nag expect ako. Expected ko nang susuntukin kita eh." Sabi ko nalang.

"Then why are you blushing Cassidy?" He smirked at me. Dafudgee!!

"Anong blush ka diyan? N-natural yan sakin! Sapakin kaya kita?" Sabi ko. Bwisit na to. Binubuko ako!

Tumawa siya ng tumawa.

"Gosh! May quiz pala tayo sa-- oh my god." May nagsalita galing sa labas at ayun. Biglang bumukas yung pinto.

Spell patay? C-A-S-S-I-D-Y

~*~

Huli ka balbon! HAHAHAHAHAHA! Okay ako lang natuwa sa chapter na to. Ako lang ba? Hahaha thankyou for giving a little time for reading this chap! :)

@HeyItsKen_

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon