Chapter 36

72.2K 2.3K 57
                                    

[A/n: Iuupdate ko na sana tong chapt na to. Kaso pag open ko ulit ng acc ko dito, nawala yung chapt na iuupdate ko. :( Ang haba na ng nasulat ko eh. Sayang tuloy yung ibang scene. Pero thankyou sa 30k reads! Nakakatouch! Lalo na sa mga nagcocomment na maganda. Loveyou guys! Everytime na nagbabasa ako ng comments, kinakabahan talaga ako. Hahaha! Tsaka nga po pala. Sa nagtatanong, girl po ako. Hahahaha! Okay yun lang. Ang gaganda/pogi niyo readers!]

CASSIDY POV

"Uhm, anong plano?" Tanong ko.

Hanggang ngayon, Hindi ko pa din alam kung ano yung sinasabi ni Kateny na plano namin. Ang dami kasing cheche.

Tulad ngayon, ayaw pang sabihin dahil ipagluto ko daw muna sila ng pagkain. -.-

"Dali na! I heard na magaling ka raw magluto." Sabi pa ni Kateny.

What the f..

"Kanino mo naman nasagap yan?" Tanong ko sakanya. Di ko alam na chismosa din pala to.

"Sabi ni Blue eh!" Sabi pa niya.

Tiningnan ko naman si Blue na prenteng nakaupo sa may couch na katabi ni Aina.

"Bakit? I'm just telling the truth! Narinig ko kasi kayong nag uusap sa hallway nila Suzy. Sabi mo pa nga kung di ka lumipat ng school, dapat ang kukunin mong course ay Culinary." Sabi pa niya.

Ang chismoso netong Blue na to!

"Aba! Kalalaki mong tao ang chismoso mo. At paano mo naman nalaman yung course?" Sabi ko sakanya.

Tiningnan nila ako ng naka poker face.

"Cassidy, pinag aaralan din yan dito. Di porket nasa magic world ka, it doesn't mean na wala kaming alam tungkol sa mortal world." Giann.

Ay sorry naman. Akala ko eh..

"Sorry na! Peace tayo. Eto na nga magluluto na ko." Umalis na ko para ipagluto sila. Tutal kumpleto naman yung mga gamit at ingr dito kaya okay lang.

Pagkatapos kong magluto, pinaghain ko na din sila. Wag niyo nang itanong kung ano yung niluto ko. Basta yun na yun. Ubos yung niluto ko. Ni hindi manlang nila naisip na di pa ko kumakain.

"Ang sarap mo pala magluto Cass eh!" Kateny

Sabay sabay naman din silang sumangayon kay Kateny. Except kay Trace. Wala naman yang pake sa mundo niya. Lol

After nila kumain, buti naman at sila na yung nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila.

"So ano na yung plano?" Tanong ko ulit.

"It's all about the students." Kateny.

"Alam naman natin at alam kong nakita niyo rin ang pangyayari kanina. Diba?" Dagdag pa niya.

So ibig sabin nandoon rin sila ng mangyari iyon?

"Nandoon din kami ng mangyari ang incident. Nabigyan kami ng misyon ni Master para tukuyin kung sino man ang mga impostor at kalaban. Pati na rin ang mga traydor sa grupo. At dito, napag alaman naming isa si Kiah sa traydor sa MA." Sabi pa ni Kateny.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon