Chapter 27

87K 2.7K 428
                                    

Cassidy

Pagkatapos ng nangyari ay naging busy na ang lahat. Dalawang araw na rin ang nakalipas at eto, alam na nila na nandito ang Elemental Princess. Alam na nilang ako ang Elemental Princess. Lahat ay nagbibigay galang sakin pero hindi ko kinakaya ang paggalang nila sakin. Nabuhay ako na para lang nobody. Tapos biglang mapupunta saki ang atensyon? Ayoko ng center of attraction. Alam kong maganda ako pero.. CHARING LANG! Ayoko lang talaga ng may nag ba'bow pa sa harap mo tapos 'magandang umaga po Princess.' Duhh! Ang formal masiyado no! Sinasabi ko na nga lang 'wazzup dude?' Chos. Joke lang. Siyempre nahihiya ako at ngumingiti nalang sakanila, pero sinabi ko na tratuhin nila ako bilang isang normal na estudyante lang. Kaya yun.

Ngayon ay, papunta na kami sa canteen nila Suzy. Etong dalawang to, pansin ko lang, dalawang araw nang tambay sa library. Pag kasama ko sila, mga teh talagang aral kung aral! Pag tinanong ko naman sila kung anong nakain nila, sasagutin nila ako ng 'shhh! Wag ka ngang maingay.' 'Shhhh! Nag aaral yung tao eh.' Nakakaloka lang! FIRST TIME! Chos. Tulad ngayon, may hawak na naman sila ng libro. Librong tungkol sa powers nila. Ano kayang meron talaga dito sa dalawang to?

"Hoy. Bakit kayo nag aaral? Next month pa yung examination natin ah?" Tanong ko habang kumakain.

"Because we need to." Sagot nila at nagbasa na naman. Ang sisipag nila ha!

"Oooyyy. Nakakatampo kayo ha. Hindi niyo na ko kinakausap masiyado." Napasad face ako.

Binaba ni Rhea yung libro.

"Kami dapat ang magtampo sayo Cassidy. Hindi mo manlang sinabi samin na ikaw pala ang Elemental Princess! Mas nauna pang malaman ng SR kesa samin." Sabi niya sakin nang parang nagtatampo nga.

"Sorry. But I have reasons." Sabi ko.

"Ano naman yang mga REASONS mo?" Suzy. Inemphasize talaga niya yung reasons.

"My papa told me not to trust anyone so fast--"

Di pa ko nagsasalita ay biglang binaba ni suzy yung libro niya.

"So you mean you still, don't trust us? Na porket ang SR ang magagaling dito, sakanila mo na agad sasabihin yun instead sa amin na bestfriend mo?" Suzy at nakatitig sakin.

Yeah. Bestfriend ko na sila.

"Wait okay? Let me explain first before you react." Sabi ko.

"Okay okay." Sila.

"First, Papa told me not to trust anyone. Sinusunod ko siya kasi alam kong tama. Na hindi lahat ng malapit sayo ay totoo. Na laging may masama at gustong sumira sayo. But then, you proved me two na you are true. Sorry kung hindi ko nasabi agad sainyo kasi, I just forgot about that. Nawiwili akong kasama kayo eh. Sa sobrang wili ay nakalimutan ko nang sabihin sainyo. Nung welcome party naman, wala na ko sa wisyo. Kinakain ako ng kaba eh. Nakalimutan ko nang sabihin sa inyo kasi pati ako natetense na. Natataranta na ko. Pati nga ang SR ay natulala sakin at nagulat din sila. Hindi ko sinabing ako ang Elemental Princess. Nalaman lang nila. Sorry." Pagpapaliwanag ko.

"Ano pa nga bang magagawa namin eh nakapagpaliwanag ka na. Nakapagsorry ka na. Eh bestfriend ka na din naman namin. Ano pa bang magagawa namin? Apologize accepted." Rhea. Tumango din si Suzy.

Ngumiti ako sakanila.

"Eh bat naman kayo nagrereview?" Tanong ko.

"Isn't it obvious? Were doing this for you. Every examination day, may mga nililipat ng section. I know, we know na ililipat ka nila sa III-AS sa examination day. Ayaw kaya naming mahiwalay sayo. Ofcourse magiging busy ka na. Hindi ka na namin mabubulabog. Sa dorm nalang tayo magsasama. Kaya sisikapin naming makapasa for you." Suzy.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon