Chapter 41

64.8K 2.1K 191
                                    

Cassidy POV

Malapit na akong magtake ng exam. Nandito kami ngayon sa Examination Hall. Katabi ko ngayon si Rhea na tahimik. Si Suzy, hindi ko alam kung nasaan.

Hinahanap ng mata ko kung nasaan ang Star Royalties o ang SR. Nakita ko naman si Giann na minamanmanan si Yurika na prenteng nakaupo at tila ba hinihintay ang susunod na mangyayari.

Hindi ako mapakali. Parang feeling ko may masamang mangyayari. God, pinapaubaya ko po sa inyo ang susunod na mangyayari sa amin.

Halos palingon lingon ako sa paligid. Ewan ko ba. Hindi talaga ako mapakali.

"Cassidy, Ano ba? Ang likot mo. May problema ba?" Ngunot noong tanong sakin ni Rhea.

"Ah eh. Wala wala. Wag mo kong pansinin." Sabi ko nalang.

Ano ba to? Di talaga ako mapakali! Nasaan na ba sila Trace?

"Hey. Are you okay?" Speaking of Trace. Nagulat naman ako nang sumulpot siya at tumabi sakin. Mukha siyang alalang alala sakin.

"Pakalmahin mo nga yan Trace. Kanina pa yan di mapakali eh. Kinakabahan ata." Sabi ni Rhea kay Trace.

"Ikaw, wag ka ngang kabahan. Magkakampi tayo dito okay? Kung anuman yang problema mo, problema ko na din yan. Remember we are bestfriends right?" Hinawakan ni Rhea yung kamay ko.

Ngumiti nalang ako sakanya. Medyo gumaan naman yung pakiramdam ko dahil doon.

Hinarap ni Trace yung mukha ko sakanya na siyang kinagulat ko.

"Hey princess. I'm here okay? I'll protect you. Wag kang kabahan. Just remember I'm always here for you." Hinawakan ni Trace yung pisngi ko at hinalikan ako sa noo at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.

Damn, I love this boy so much..

"Thankyou Trace." Sabi ko nalang.

Kahit sa saglit na moment na yun, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa comfort ni Rhea at ni Trace. Sa ilang minutong magkayakap kami ni Trace, para bang ayoko nang kumalas pa.

Pero talagang panira ang tadhana dahil ako na ang mag eexam.

Sinamahan na ako ni Trace papunta sa baba. Nagpaalam naman ako kay Rhea.

Habang naglalakad kami pababa, ramdam ko na ang mga tingin galing sakin na siyang nagpakaba sakin. Di ko din matatangging may mga mata ng kalaban na sumusulyap sa akin at mistulang nirerecord ang susunod na galaw ko.

"Get ready Cassidy. Goodluck." Ngumiti sakin si Trace. Ganun din ang SR.

Pumasok na ko sa loob.

Para bang sasabog yung dibdib ko dahil sa kaba. Kahit anong gawin na tingin ko sa barriers na to, tanging repleksyon lang ng sarili ko ang nakikita ko.

Pumikit ako at huminga ng malalim bago mag umpisa. Inisip ko lahat ng paghihirap na nangyayari para magawa ko ng maayos ang pagpapalabas ng mga kapangyarihan ko. Una akong nagpalabas ng light power.

Inumpisahan kong gumawa ng mga knives at swords gamit ang light power. Sunod ko namang pinalabas ang fire ball ko at ibinalot sa light knives/swords na nagawa ko. Ipinatama ko ito sa shield. Alam kong walang crack na nangyari. Pinalutang ko ang aking sarili. Sunod ko namang tinanggal ang mga lupa na nasa loob ng pinag eexaman ko at tsaka ito binalutan ng apoy. Malaki na ang apoy na halos sakupin na ito ng buong quadrangle. Pinalakas ko din ang hangin sa loob ng quadrangle kaya may lalong lumakas ang apoy. Ipinakalat ko din ang light sa buong shield tsaka ko ito pinatama.

Sobrang lakas ng impact non. Halos wala na akong makita sa mga oras na iyon. Rinig din ang malakas na pag crack ng shield na halos masira na ng tuluyan. Isusunod ko sana ang tubig na kapangyarihan ko.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon