Chapter 12

83.5K 3.1K 270
                                    

I think this isn't real. This is just a test. Yes. This is an illusion made by the Gods and Goddess.

Habang nag iisip ng kung anu-ano ay may nakita akong dalawang pamilyar na tao.

Si mama at papa..

Napaiyak ako. Miss na miss ko na sila.

Tumakbo ako papunta sa kanila. Pero palayo sila ng palayo.

"Mama! Papa!" Sigaw ko sakanila.

"M-mama! Hintay po!" sigaw ko habang tumatakbo.

Napahinto ako dahil biglang dumilim ang paligid. Bigla silang nakulong sa isang cell at may nakabantay pang mga naka'cloak. Ano ba ito?!

"Mama papa! Teka po!" sabi ko.

May humarang na naka black cloak sakin.

Argg!! Paharang harang!!

Sinipa ko kaagad ito sa sikmura at siniko sa ulo.

Tumakbo ulit ako kila mama.

Ang daming humarang na mga naka black cloak at inaatake ako. Ano namang laban ko sakanila!? Isa lang ako, marami sila. Pero kahit pa! Kailangan kong mailabas sila mama sa kulungan.

Ginawa ko sakanila ang natutunan ko sa taekwando. Kahit papaano ay marunong ako. Naramdaman kong parang may sasaksak sakin sa likod ko kaya napaiwas ako.

"Aghh!!" Nadaplisan ako sa may braso ko. Lintek naman oh!

Nang makasigurado akong wala na ang mga naka black cloak ay pumunta na ako kila Mama.

"M-mama.. Papa.." iyak ko.

"C-cassidy, anak ko." Mama.

Binukas ko ang rehas at pinakawalan sila.

"Anak, you did it." papa

"Miss na miss ko na po kayo." sagot ko sakanila at niyakap sila ng mahigpit.

"You made us proud Cassidy." papa

"Lahat po gagawin ko para sainyo. Hindi ko na po hahayaang makuha nila kayo sakin. Kung kinakailangan ko pong mamatay, gagawin ko iyon para lang sainyo." Sagot ko.

Naiiyak ako dahil miss na miss ko na sila.

Sa isang iglap ay wala na kong nakapang tao sa harap ko. Wala na kong kayakap.

Wala na sila mama at papa..

Sabi ko na nga ba, this is just a test.

"For the last time Cassidy." sabi ng babaeng nakita ko kanina.

"Do you want to see your parents?" tanong niya.

"Yes. Of course. I really miss them. Gusto ko na silang makita." sabi ko.

"Then choose." sagot niya.

Anong choose? Pipili ako saan?

"You'll see your parents today. I will give you a peace and a happy life but you'll never remember the world you're living today. Hindi mo maaalala na tumira ka sa mundong ito. Pero hindi na namin kayo gagambalain." sabi niya.

"Or we, the Gods and Goddesses will give you your abilities to save not just your parents. But the world you're living today. Sa pagbibigay namin sa'yo ng aming kapangyarihan, ibig sabihin nito ay pinagkakatiwala namin sa'yo ang kaayusan at kapayapaan sa mundo ng mga mahika. Makakaranas ka ng gulo, makakakita ka ngmga taong nasawi, mga walang buhay sa magaganap na digmaan." sabi pa niya.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon