Chapter 3

139K 3.9K 600
                                    

*Cassidy POV*

Iyon na nga kaya ang tinatawag nilang powers?

"Hindi. Hindi ko alam. Hindi ko sure kung... Ugh! Bakit kasi hindi nag-explain sila mama sa'kin eh!" Sabi ko na lang at napahilamos sa mukha. Magulo talaga!

Kamusta na kaya sila mama at papa? Natalo kaya nila?

"Don't worry! Marami pa tayong time para malaman yan. Cheer up! Iiyak ka na naman eh." Suzy

"Ewan ko ba. May pasabi-sabi pa sila Mama sakin na darating yung time na kesyo malalaman ko rin." Sabi ko sakanila.

"Ano bang nangyari?" Rhea

Tiningnan ko sila at napatungo. Napabuntong-hininga nalang ako.

Wala namang masamang magkwento sakanila diba? Mabubuting tao naman sila.

Kinwento ko sakanila yung nangyari. Simula una hanggang dulo. Pero hindi ko sinama ang binigay na kwintas sakin ni Papa. Naluha na naman ako.

"Kwintas ba yung sinabi ng mga Sorcerers?" Rhea

Tumango ako.

"Teka.. May nabasa kasi ako sa libro. Nasa Elemenatal Queen pa rin daw ang kwintas hanggang ngayon. Walang may alam ngayon kung nasaan si Queen. Hindi nga rin alam kung patay na ito o nagtatago lang. Nakalimutan ko yung pangalan. Tanging ang anak na babae lamang daw ang tagapagmana ng kwintas na iyon." kwento ni Suzy

Elemental Queen? Kay mama yung kwintas na binigay sakin ni papa. Posible kayang si Mama ang Elemental Queen na sinasabi nila? Pero, ano iyong Elemental Queen?

"Uhm, Ano 'yung Elemental Queen?" Tanong ko sakanila.

"Siya ang naghohold ng 5 elements. Which is earth, fire, water, air and light. Ayon sa nabasa ko, ang kwintas na iyon ang maipapamana sa anak na babae pag dating niya ng 16 years old.

"Bakit sa papa mo hinahanap ang kwintas?" tanong ni Rhea

Napaaiwas ako ng tingin.

"H-hindi ko alam. Sabi ko nga diba, hindi nag-explain sakin si mama at papa tungkol sa ganun." sabi ko sakanila.

Nagkibit-balikat nalang sila.

"Tara, Cass! Ililibot ka namin dito sa Etherland. Mamili na din tayo ng mga damit mo." biglang sabi ni Rhea

"Ha? Wait. Kailangan kong umuwi sa amin! Kailangan kong tingnan kung nakaligtas ba sila mama at papa. Uuwi na 'ko. Salamat pero pwede niyo ba akong ihatid palabas nitong.. Etherland?" sunud-sunod kong sabi.

"Hindi pwede. Delikado sa mortal world! Tulad ng kwento mo, may mga sorcerers na nakabantay sa mortal world. Maaamoy ka nila once na nakapasok ka na dito sa Etherland." Suzy

"Hindi. Kailangan kong umuwi! Please payagan niyo na ako" pilit ko.

Hinawakan nila yung braso ko.

"Please, makinig ka sa amin." Suzy

"Ganito nalang, palipasin na muna natin ang araw at sasamahin ka namin. Keep calm, okay? Tara muna at ililibot ka muna namin." Rhea

Gusto ko pa sanang magmatigas kaso.. Talagang ayaw nila ako paalisin. Wala na 'kong nagawa.

"Let's go! Siguradong mag eenjoy ka rito." masayang banggit nila

Bumaba kami ng tree house.

Nag pito si Suzy. Biglang may pumunta naman samin na..

FLYING HORSE?! Ay hindi! May sungay eh! Tapos walang pakpak! Kada galaw nung kabayo, may nakasunod na mga kumikinang na puting usok sa mga paa nito. Ano ba naman itong kabayong 'to?

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon