Chapter 39

63.2K 2.1K 120
                                    

Cassidy POV

"Cassidy"

Nasaan ba ako? Sino naman yung tumawag sakin?

"Cassidy, gumising ka." Ayan na naman ang isang malambing na boses.

Idinilat ko ang aking mga mata. Puro ilaw lang ang nakikita ko at isang babaeng nakasuot ng isang tila pang isang dyosa. Gold ang kanyang buhok at puting puti ang kulay ng balat. Tila isa siyang perpektong tao na may malambing na boses.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Ako ang iyong kwintas." Sabi niya.

Tila naman ako natawa sa sinabi niya.

"Nagbibiro ka po ba? Ikaw? Paano ka magiging kwintas eh isa kang tao?" Sabi ko sakanya.

"Ako at ikaw, ay iisa. Ako ang elemental spirit ng kwintas na iyong suot ngayon." Sabi pa niya.

Hinawakan ko naman ang kwintas na ibinigay sa akin ni papa. Nagmistulan na siyang isang parang ordinaryong kwintas. Hindi tulad ng dati na umiikot pa ang puting nasa loob nito. Wala na ang puting iyon.

"Hindi ko po maintindihan." I honestly said.

"Halika at aking ipapaliwanag sa iyo ang lahat." Sabi niya at inabot naman ang aking kamay. Kinuha ko naman ito. Ang kanyang mga palad ay tila para bang lumalakas ang pakiramdam ko.

"Ako, ang elemental spirit. At ikaw naman ang Elemental Princess. Ang mga Gods and Godesses ang nagbigay sayo ng iyong kapangyarihan. Ako naman ang nangangalaga dito. Ibig sabihin lamang noon ay magkaugnay tayo sa isa't isa. Ang iyong kwintas na suot ngayon ay mahalaga. Kapag nasira ito ng kung sino, maaaring mawala at masira ang Etherland. Maaaring mawala at mamatay lahat ng taong users. Kung ikaw naman ay mamamatay, magtatagumpay ang kasamaan at sila na ang maghahari ng buong magic world kasama na ang mortal world. Sasakupin nila lahat ito at tuturuan ng masasamang gawain. Kailangan nating magtulungan, Cassidy. Etherland trusts you. Maski ako at ang mga Gods and Goddesses ay naniniwala sa iyong kakayahan. Isipin mo na lamang ang magulang mong naghihintay sa iyo." Sabi pa niya. It explains everything. She give me a genuine and a sweet smile. Ginantihan ko lang din siya ng isang ngiti

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon