Chapter 4

111K 3.4K 309
                                    

*Cassidy's POV*

"So ibig sabihin, bakasyon pa lang dito?" Tanong ko kila Rhea.

Nandito kami ngayon sa isang café ng Etherland. Hindi naman pala nagkakalayo etong Etherland sa Mortal World eh. Almost the same lang.

"Yes. Ang start ng pasukan dito ay next month pa." Suzy habang hinihigop yung kape niya.

Tumangu-tango ako.

"Diba sa mortal wold, ang start ng pasukan ay June?" Rhea

Tumango lang ulit ako.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano.

Limang araw na rin ang nakalipas mula nung birthday ko slash new year. Ang gandang birthday gift lang para sakin.

*Sigh*

Kamusta na kaya sila mama at papa?

"Cass, alam mo ba yan si Rhea, nung mga bata pa lang kami,"

Gusto ko na silang puntahan. Siguro naman, papayagan na ko nitong dalawang to pumunta sa amin diba?

"Nahulog yan sa hagdan. May sugat nga siya nun sa braso at noo eh. Doon niya nadiscover na kaya niyang pagalingin ang sarili niya."

"Sige ikwento mo pa yung mga kahihiyan ko, Suzy!"

Subukan ko kaya silang pilitin ulit? Nag-aalala na kasi ako kila Mama eh.

"Huy!"

Napatingin naman ako.

"Masiyado kang nag iisip ng kung anu-ano. Kanina pa kaya ako nagsasalita dito" Suzy at nag pout pa. Aw. Cute

"S-sorry. Ano nga ulit yun?" Tanong ko

"Wala! Sabi ko ang ganda-ganda mo talaga!" Sabi ni Suzy with matching pisil pa ng pisngi ko

"Bingi ka lang." Dugtong pa niya

"Sorry na. Iniisip ko lang kasi sila mama eh." Sabi ko.

Nagkatinginan sila at sabay ngumiti.

"Gusto mo na ba silang puntahan?"Rhea

Napatingin ulit ako sakanila at tumango.

"Kung ganun, ano pa bang hinihintay natin dito? Tara na!" Hinila ako ni Suzy

"Talaga?" Bigla akong ginanahan. Napangiti ako.

"Oo. Tara na!" Hinila din ako ni Rhea

Lumabas kami ng Cafe at nagpito ulit si Suzy. May lumapit na saming Unicorn.

Sumakay na kami at mga ilang minuto lang ay nakarating kami sa isang .. gubat din?

Pumasok kami doon sa gubat na yun.

May binubulung-bulong si Rhea at Mga ilang minuto ay may nagfoform na na parang Portal.

"Ayan na! Tara na. Pasok na tayo." Rhea

Magkakahawak kaming tatlo ng kamay at sabay sabay na pumasok sa portal.

Nakakahilo sa loob. Para kang lumilipad na pabaliktad ang feeling

Nakalabas na kami ng portal.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa hilo.

"Grabe naman yung portal na iyon!" Sabi ko.

Napatawa sila.

"Saglit lang tayo rito, Cass ha? Baka maamoy tayo ng mga halimaw na sorcerers na yun." Suzy.

"Eh paano kung nandoon pa sila? Baka hindi na ako makasama pabalik sa inyo. " sagot ko.

"Hindi tayo makakasigurado, Cass. At hindi ka din naman namin pwedeng iwanan dun ng basta basta." Rhea

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon