Chapter 10

88.8K 3.1K 97
                                    

*Cassidy's Pov*

"Wow, thank you sa pagkain! Love you na!" Niyakap ko yung dalawa.

Nakakagutom kaya magbasa ng libro.

"Cassyy! Hindi na kami makahinga! Reklamo ni Rhea.

"Ay sorry. Nakakagutom kasi talaga magbasa eh." Sabi ko at binuksan na yung pagkaing binili nila para sa'kin.

Buti nalang at free time namin ngayon. May meeting kasi mga teachers. O' diba? 5 days palang, busy agad mga teachers.

Oh my! Fried chicken.

"Sino ba naman kasing nagsabing magbasa ka ng libro? Ano namang nalaman mo?" Suzy.

"Hmm, kaunti pa naman nalalaman ko pero marami pa akong time para roon. Ngayon, kailangan ko munang malaman yung ability ko." Sabi ko sakanila.

"Okay then. Since saturday naman bukas, bukas mo na simulan yung practice mo." Suzy.

"Ay truth. Good yan. Sasamahan ka namin sa training room. At least don, peaceful ang mind mo." Rhea.

**

"Dito na nga lang kasi tayo. Para nga makita natin kung anong mangyayari!" Suzy.

Saturday na ngayon. Narito kami sa training room.

"Tsk. Ang kulit mo naman Siang eh! Paano makakapag concentrate si Cass niyan kung narito tayo?" Rhea.

Hindi ako makapag concentrate! Anak ng teteng naman. Kanina pa kasi daldal nang daldal itong dalawang 'to. Kapag sinaway, tatahimik saglit tapos biglang magsasabong na naman. Tatlong oras na kaya!

"Ugh! Pwede ba? Alis na nga muna kayong dalawa! Sayang yung oras oh. 3 hours na ang nakalipas at wala pa rin nangyayari sa'kin dahil sa kadaldalan niyo. I need some peace, please." Sabi ko. Nakakainis na eh.

"Ayan. Sabi ko sayo eh. Tara na nga!" Rhea at hinila na si Suzy

"Sigurado ka bang okay ka lang dito? Kung kailangan mo ng--" di ko na pinatapos.

"Oo okay lang ako. Kakain nalang ako kung nagugutom na ako. Sige na!" Sabi ko.

"Oa Cass? Hindi naman kami aso. Nakakahurt ah. Sige na. Goodluck!" Rhea.

Ayan. Wala na rin maingay.

Pumikit na ako. Pinakiramdaman ko yung sarili ko. Breathe in. Breathe out.

5 mins.

Wala pa rin nangyayari sa'kin. Hanggang kailan ba naman ako pipikit dito? Hanggang sa makatulog na 'ko?

Binigkas ko ang mga salitang binigay sakin ni Ms. Ruiz.

Goddess of life,
Goddess of everything
I'm calling you to rise from your deepest sleep

Goddess of life,
Goddess of everything
Wake my soul up and feel the warmth of despair

Goddess of life
Goddess of everything
I'm calling for your help
To leave thy doubt behind

Goddess of life
Goddess of all thy power
Wake up from your long awaited yearning
And our soul shall sleep never more.

I concentrated.

Wait.. Kailan pa nagkaroon ng electric fan dito sa Academy?

Ang hangin! Palakas nang palakas yung hangin na para bang nasa gitna ako ng isang tornado. Tapos..

Bat bigla naman ngayong uminit? Parang pinapalibutan ako ng apoy.

Iba-iba ang aking nararamdaman sa oras na ito.

Biglang naging peaceful. Na-iba ang paligid. Para akong nakaupo sa lupa. Naaamoy ko ang halimuyak ng mga puno at lupa sa aking paligid.

Sunod namang nangyari ay para akong nasa ilalim ng tubig. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay humihinga ako sa ilalim ng tubig. I know, tubig ito! Nararamdaman ko ang pag-dampi nito sa aking balat at bukod pa riyan, nararamdaman kong nababasa ako.

Pero bakit pabago-bago ang nararamdaman ko sa paligid ko? Ngayon naman, para akong nasisilaw sa sobrang liwanag.

Mumulat sana ako kaso naalala ko yung sinabi ni Ms. Ruiz.

'If you feel something different, then mas lalo kang magconcentrate.'

Inulit ko ulit yung nakalagay sa papel.

Ngayon, I feel something na para bang naghalo-halo lahat ng naramdaman ko kanina. Mahangin, mainit, malamig, maliwanag..

Inulit ulit ko ulit ang nakasulat sa papel.

I feel like I suck all the energy around me. I feel so strong. Ano ba naman ang mga bagay na iyon?

Eto na siguro yun. I open my mind to welcome them.

Isang katahimikan ang bumalot sa kwarto. Nagconcentrate lalo ako.

'Cassidy..

Sino iyon?

"Sino yan? Hello?" Biglang sabi ko.

Parami nang parami ang boses. May lalaki, may babae.

Lima. Lima silang tumatawag sa pangalan ko.

"Cassidy! God! What happened to you?!" Bigla akong napamulat at napahinga ng malalim. Feeling ko tuloy huminto yung puso ko!

Napatingin ako sa umalog sakin.

"A-ano ba Suzy. Istorbo naman eh. Ayun na oh!" sabi ko habang nanginginig.

Teka. Basa ako. Basa ako? Basa ako! Paano ito nangyari?

"Sorry naman ah? Look at yourself! Basang basa ka! God! Ano ba kasing ginawa mo?! Tsaka hello? Hapon na po!" Suzy.

"Ha? Hindi ko alam. Nakikipagcontact nga ako sa soul ko diba? Tsaka, hapon na!?" Sabi ko.

Nilalamig na ako! So it means, habang nakapikit ako, totoo ang mga nararamdaman ko?

"5:30 pm na noh. Omg! Baka.. Water element ka?!" Suzy.

"No. Hindi maaari. Si Blue ang water element. Isang tao lang ang pwedeng mabigyan ng Goddess ng ganung kapangyarihan." Rhea.

"Kung ganun, eh bakit basa ka Cassidy? Ano bang nangyari?" Suzy.

"I don't know. Ewan ba. Halo halo nararamdaman ko eh. Parang may pumapaligid sakin na kung anu-ano. Malamig, mahangin, tahimik, mainit, basta ewan ko ba!" Sabi ko. Tumayo na ko. Bukas ko nalang siguro itutuloy.

"Let's go. I'm freezing the hell out of here!" Sabi ko.

*Rhea's POV*

Pinagmamasdan ko lang maglakad sila Suzy at Cassidy palabas ng training room. Bakit may umilaw sa may bandang dibdib ni Cassidy? Ano yun, kwintas? Sumunod na rin ako pero hindi ako nagsasalita.

Nilalamig siya dahil nabasa siya. Sabi niya, biglang uminit, humangin, lumiwanag, tahimik. Ang mga iyon ay tumutugma sa isang Elemental Queen. Mahilig akong magbasa tungkol sa Elemental Queen dahil iniidolo ko sila ng sobra dahil sa kaastigan nil! Nabasa kong, may anak ang Elemental Queen at ang anak na babae lamang daw ang makakapagmana non. Kumbaga, nasa dugo na nila iyon. Para lang life cycle nila yun. Walang nakakaalam kung saan pumunta si Elemental Queen. Sabi raw ay may nagtago para maprotektahan ang baby girl nila. Hindi rin nila alam kung nabuhay ba ang Elemental Princess. Ano nga ulit pangalan nung Queen? Selestia? Salvie? Ahh! Hahanapin ko nga ulit yung libro na yun!

But is it possible that Cassidy Evans is the Elemental Queen's daughter?

Is it possible that Cassidy Evans is the Elemental Princess?

Kung oo man, ang cool dahil siya ang nawawalang prinsesa ng lugar na ito. Pero I need some time to clarify kung totoo man. Kailangan ko pang mag investigate.

************************************

Ang bilis naman makaramdam nito ni Rhea! Ano kayang mangyayari sa mga susunod na araw ni Cassidy?

@HeyItsKen_

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon