Examination - CH 20

93.9K 3K 302
                                    

*CASSIDY'S POV*

Kasalukuyang papunta na kami sa Examination Hall. Doon gaganapin ang exam namin. Hindi ko pa nga alam kung anong itsura ng lugar na iyon eh. Masasabi kong medyo nag-improve ako kahit na sa huling araw ay iniwan ako ni Trace, or should I say nag walk out si Trace dahil daw mali ang ginagawa ko. Sus, if I know, reason nalang niya yun para makipag landian. -.-

"Hi Cass! Hi Suzy and Rhea!" Di ko namalayang nakasalubong namin si Giann with Blue.

"Uy Hi!" Bati nila Suzy.

"Hi Giann!" Bati ko sakanilang dalawa.

"Anyway, good luck guys! Galingan niyo ah?" Giann.

"Thank you. Kayo rin." Sabi namin.

"Sige kitakits later. Babye!" Blue at nagpaalam na sila.

Nag-wave na rin kami para magpaalam at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Grabe, kinakabahan ako." Sabi ko.

"Huwag kang kabahan. Basta isipin mo nalang, nagprapractice ka pa." Rhea.

Nginitian ko nalang sila.

Ang daming tao! Siguro lahat ng sectionsay narito. Dito raw kukunin ID namin eh.

Umupo na kami sa mga ka'section namin.

"Good day, MA Students. As you can see today, we will be having your first examination for your ID Levels. All you have to do is show what you can do. Okay? The examination starts now! You have 2 minutes to show what you have practiced. Good luck Students!" Sabi ni Ms. Ruiz. Siya pala ang nagmamanage nito.

Unang tinawag ang mga lower years. Pinapatama nila sa shield lahat ng mga tira nila. Kapag mahina at wala manlang gasgas, Level 3. Kapag medyo nagkaroon ng kaunting gasgas, Level 6. Kapag naman nagkaroon ng crack, matic Level 15. Sabi ni Rhea, kapag nabasag mo ang shield, Level 99 na yun at ibig sabihin, ikaw an pinakamalakas at exempted ka na sa next examination. Yung shield kasi ay kakaina. Pag may crack, onti-onti itong bumabalik sa normal na parang hindi na'crack. At yung shield na yun ang magbibigay sa'yo ng score or level.

Sunod na nag-exam ang mga witches. Potions ang ginamit nila. May malalakas, may mahina, may hindi naman masiyado. Marami na rin sumunod na section ang nagperform. Year by year at sections kasi ang exam. Pero inuna ang mga lower section.

"Next, section III-A." Ms. Ruiz.

35 lang kami sa klase. Naunang mag-exam ang mga A nagstart ang surname.

"Miss Cassidy Evans." Ms. Ruiz. Ako na pala. Whooo kaya ko to!

"Go Cassidy! Kaya mo yan!" Cheer sakin nila Suzy. Ngumiti lang ako at naglakad na.

"Good luck, Cass!" Blue

Ngumiti lang ako.

Pag pasok ko sa may shield, woah! Ganto pala iyon? Hindi ko makita ang mga tao. Mas okay na rin ito para mas makapag focus ako.

Pumikit ako. Inisip ko na umilaw ang mga mata ko tsaka ako dumilat.

Tinapat ko ang mga mata ko sa shield. May maliit na light ang tumatama sa shield dahilan para uminit ito. Naglabas ako ng limang light ball at pinalutang ko muna sa ere. Pinalaki ko ang light na nagmumula sa mga mata ko at sabay ng pagbato ng limang light ball dito. Nagkaroon ng konting crack sa shield. Sunod naman ay ginawa ko lahat ng weapon techniques gamit ang light power ko at pinalutang tsaka pinatama ito. Konti na naman ang naging crack nito. Psh. Kailangan medyo malaki!

Sunod ay gumawa ako ng light dragon. Napag aralan ko ito sa tulong ni Trace. Eto ang dahilan kung bakit lagi akong pinapagalitan ni Trace na hindi ko raw makuha. Pero nakuha ko na rin ito nong nag-walk out siya.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon