Chapter 38

71.4K 2.3K 564
                                    

Cassidy POV

Nananaginip ba ko?

Totoo ba talaga yung sinabi niyang yon sakin?

Seryoso ba talaga siya?

"HOY." Nagulat naman ako nang biglang paluin ni Rhea at Suzy yung lamesa.

"Ano ka ba. Dahan dahan naman. Nakakagulat ka kaya." Hinay hinay kong sabi sakanya.

"Kanina ka pa kaya namin kinakausap! Ano to teh, lutang lang ang peg? Nasaan ba yung utak mo? Lumilipad? Ang layo na ng narating niyan ah!" Sabi ni Suzy with matching action pa. Kahit kailan talaga tong babaeng to, ang sabog.

"Tulala pa more! Ano bang nangyayari sayo? Tingnan mo nga yang pagkain mo. Kami naka ilang sandok na ng kanin, ikaw hindi pa nagsisimulang kumain." Sabi ni Rhea at sinubo ang nahuhuli niyang pagkain.

Nandito kami sa Dorm. Nagluto ako ng lunch. Buti na nga lang hindi pangit yung timpla dahil sa pagkalutang ng utak ko. Si Trace kasi eh, ginugulo pa isip ko.

"Paano kung yung taong gusto mo, niligawan ka?" Out of nowhere kong tanong sakanila.

"Edi heaven! Bakit? May nagugustuhan ka na dito? Ikaw Cassidy ha. Ano yan? Bat wala kaming balita ha?" Rhea.

"Kaya nga. Aba naglilihim ka na ng bongga samin ah. Nakasama mo lang si Trace ganyan ka na." Pang-aasar sakin ni Suzy.

"Yun na nga eh.." Biglang nasabi ko. Minsan talaga hindi nakikiayon yung bibig ko sa dapat kong gawin.

"ANONG YUN NA NGA? NILILIGAWAN KA NI T--" Pinigilan ko naman yung bunganga ni Suzy.

"Ang ingay mo!" Sabi ko.

"Seryoso Cassidy?!" Rhea.

Napakamot nalang ako sa batok ko.

"Hindi ako makatanggi." Hiyang sabi ko. Feeling ko tuloy nangangamatis na tong pisngi ko.

"Bat naman hindi ka makatanggi?" Rhea.

"Dahil gusto mo din! Ganun lang yun kaya di ka na makatanggi! Omg lumalablayp si ateh!" Suzy.

"Anong magagawa ko? Eh sabi niya 'whether you like it or not.' Tingin niyo, saan pa ba ko tatanggi?" Sabi ko.

"Alam mo Cass, okay lang naman samin." Rhea na nakangiti pa sakin.

"Mas okay na okay sakin yan! Trace na yan eh. Tatanggi pa ba?" Suzy.

"Pero pinapaalala ko sayo, hindi porket nililigawan ka ni Trace, yung mission mo, kakalimutan mo na. You're still the Elemental Princess. Nakilala ka para sumunod sa yapak ng Elemental Queen. Ililigtas mo pa ang magulang mo. Wag mo naman sanang kakalimutan yan ha? Etherland need your help." Hinawakan ni Rhea yung kamay ko para ipaalala iyon.

Nginitian ko naman sila.

"Hindi ko naman kakalimutan yun. Siyempre naman. Salamat" Sabi ko sakanila.

"Guys goodluck sa examination daaaaayy!!" Sabi ni Suzy.

Hapon na kaya training hours ito. Nagtrain na din naman ako habang pinagmamasdan at nagmamasid sa paligid.

Si Trace, nagttrain na rin kaya lahat ng tao ngayon ay busy. Habang gumagawa ako ng thorns gamit ang earth powers ko, may napansin akong dalawang taong mukhang nagtatalo sa isang sulok. Ginamit ko ang lakas ng pandinig ko.

"Magtatalo na naman tayo?" Lalaki.

"Kasalanan mo naman to eh! Bakit ka pa kasi sumunod dito? Diba sabi kong kaya ko naman?!" Babae.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon