Chapter 13

81.5K 3.1K 127
                                    

*Cassidy's Pov*

Hindi pa rin ako makapaniwala. Elemental Queen si mama? For real?!

"Ang mama ko? Siya ang Elemental Queen?" Gulat kong tanong sakanila.

Tumango naman sila. Papaano nangyari yon?!

"Let me tell you a story about your parents." Sabi ng Goddess of Wind.

"Sylvia Custlock was the daughter of the Elemental Queen, Mary Custlock, your Grandmother. Nagiging Elemental Princess lamang ang isang babae kung siya'y isang anak ng Queen. Kung kaya'y maraming gustong sumira at pumatay sa buhay ng mga pure Elemental blood tulad ng mama at lola mo. Sa madaling salita ay napakadelikado ng inyong buhay."

Bat naman gusto nila kaming patayin?

"Bakit po nila gustong patayin ang mga katulad nila mama?" Tanong ko.

"Dahil ang mga dugo niyo ang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang mga kasamaan. Kaya napaka protective ng Etherland sa inyo. Dahil kung kayo'y mamamatay, mawawala na ang kaayusan sa ating mundo. Magtatagumpay ang mga kasamaan." Sagot ng isang Goddess

"Eh paano po kung walang maging anak na babae ang Elemental Queen? Paano kung lalaki lang?" tanong ko ulit. Curious eh.

"Ang anak na lalaki ng Elemental Queen ay siyang magiging guardian at protector ng mundo. Hindi rin madali para sa isang anak na lalaki ang maging isang guardian at protector ng mundo. Kung wala namang magiging anak na babae ay ipapasa niya ito sa kung sinumang gugustuhin ng reyna. Ipapasa niya ang kanyang kapangyarihan sa pipiliin niya. Hindi madali ang paglilipat ng kapangyarihan. Pati dugo nito'y ibibigay pa sa pipiliin." Dagdag pa niya.

Woah! Grabe. Pwede palang ipasa iyon?

"Patapusin mo muna ako sa kwento ko, Cassidy. Nag-aral si Sylvia sa Magus Academy. Doon niya nakilala si Raven Evans, ang iyong ama. Siya ay may lightning power. Marami silang napagdaanan hanggang sa isinilang ka. Matagal ka nilang itinago. Nang biglang lumusob ang mga taga Dark Land dito sa Etherland, hinahanap ka at ang kwintas para wakasan ang buhay niyo. Gusto nilang patayin ang mama mo at ikaw. Doon, napagkasunduan ng mag-asawa na magtago kayo at manirahan sa mortal world. Pero habang patagal nang patagal, habang ikaw ay nagdadalaga ay naaamoy ka ng mga Dark Land dahil unti unting lumalabas ang iyong kapangyarihan nang hindi mo nalalaman. Kaya unti-unti kayong nasundan ng mga nasa Dark Land." Kwento niya.

So, ako pala ang may kasalanan?

Bakit kasi hindi kinekwento to nila Mama?

"Umuuwi ang magulang mo rito sa Etherland tuwing ikaw ay nasa eskwelahan nang palihim. Ipinalabas ng papa mo na patay na kayo ni Sylvia para sa kaligtasan niyo. Akala nila'y matatapos na ang paghihirap niyo ngunit mas lalong lumalala ang sitwasyon sa naging desisyon ng magulang mo. Cassidy, sa oras na mawala ang iyong ina, ikaw na ang papalit sa pwesto niya. Sana ay pag isipan mo nang mabuti ang mga desisyong gagawin mo. May tiwala kami sa iyo at sana ay 'wag mo kaming bibiguin. Keep your powers as a secret. Sa ngayon, Ikaw muna si Cassidy Evans na isang Light Element." Dugtong niya.

Sa isang iglap ay nawala na sila at naramdaman kong may nagbubuhat sa akin. Masiyado ata akong napagod ngayong araw at hindi ko na magawang maimulat ng maayos ang mata ko. Basta ang alam ko lang, lalaki ang nagbubuhat sakin at seryosong nakatingin sa daan.

"Tsk. Bakit ba sa tuwing mapapadaan ako, laging ikaw ang makikita ko? This clumsy stranger." Sabi niya at tuluyan na kong napapikit.

**********

Mobile update lang po ako kaya pasensya na po ng bongga. :)

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon