Chapter 37

76.2K 2.6K 808
                                    

CASSIDY POV

4 AM na nang magising ako. May usapan kasi kami nila Kateny na magkikita kita kami ng 5am sa likod ng school. Pahabol nila yang sinabi sakin nung gabi. May mahalaga lang daw kaming aasikasuhin kaya excuse muna kami sa klase. So it means hindi din ako makakapag training. Minsan nga maiisip ko, parang wala na kong natututunan dahil lagi nalang akong excuse sa klase.

Nagmadali na akong maligo at nagbihis. Kinuha ko ang backpack ko na naglalaman ng mahahalagang bagay. Paalis na sana ako nang magising si Rhea.

"Aalis ka? Ang aga pa ah?" Tanong niya sakin. Habang pakamot kamot pa ng ulo at yung isang mata niya ay nakapikit pa.

Bilin nila sakin na wag kong sabihin sakanila.

"Ahh, magttraining lang." Sagot ko naman.

"Training? Sa gantong oras, mag ttraining ka? Nagjojoke ka ba?" Sabi niya.

"Oo. Eh basta matulog ka na muna." Sagot ko sakanya.

Humiga na din siya.

"Brunner." Bigla niyang sabi ng pinihit ko na yung pinto.

Napasapo ko yung noo ko nang maalala kong ipagluto ko daw pala sila.

"Aisht. Ano ba naman kasi eh. Wrong timing. Badtrip!" Bulong ko sa sarili ko.

Bumalik ako ng mini kitchen at nagluto. Yung madali lang ang niluto ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagmadali na akong bumaba at umalis ng dorm.

"Bakit ang tagal mo? I've been waiting here for almost 30 fcking minutes!" Pabulong na inis na sabi ni Trace sakin pag sarado ko ng gate ng dormitory.

"Sorry." Sagot ko nalang. Hahaba na naman kasi usapan.

Tumakbo na kami papunta sa likod ng school.

"Ang tagal niyo naman!" Reklamo ni Aina.

Nagpeace sign nalang ako sakanila. Asar kasing brunner yan eh. Mamaya babalik pa ko? Ugh.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

Nakita ko namang parang may binubuksan na portal si Kateny sa bandang dulo. Nasa medyo magubat kasi kaming parte ng academy. Tsaka wala din talaga akong alam kung saan kami pupunta.

"We're going to Master's place. I told you, kailangan nating malaman ang plano ni master." Kateny.

"Eh para saan yang portal?" Tanong ko ulit.

"Just shut up okay? Too many questions." Inis na sabi ni Trace sakin.

Umagang umaga badtrip mga tao dito ngayon ah.

"Nagtatanong lang eh reklamo agad." Bulong ko sa sarili ko. Dalawang tanong pa lang naman natatanong ko eh. Di pa nga nasagot yung isa. Tss

"Diyan tayo dadaan para makapunta kay Master."

Sagot sakin ni Blue na ngayo'y katabi ko na. Nakangiti siyang tumingin sakin. Napangiti din ako dahil sa kaniya. Buti pa to goodvibes lang.

"But Cassy, this is a secret place. Only few of the faculty member and the SR knows his place. I hope you'll keep this as a secret." Giann.

"Oo naman. Thank you!" Sagot ko nalang sakanya.

He patted my head like I'm a cute puppy. Cute lang ako pero di ako puppy.

KEME LANG.

"Guys, let's go! Malapit nang mag umaga." Kateny.

Pumasok na si Kateny at Aina. Sunod naman si Giann. At sumunod na rin kami.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon