Chapter 34

73.2K 2.7K 609
                                    

(A/n: Napapangiti ako sa nagcocomment :) maraming salamat sa nakakaappreciate nitong story na to. Mapasilent readers man. At lalo na sa ibang nagcocomment. Nawawala yung bv ko eh. Seryoso. Hahaha thankyou ulit! :) Pero sorry sa mga naghihintay sa ud. )

Cassidy POV

Bakit ba siya nakatingin dito sa table namin? Or baka naman assuming lang ako? Tiningnan ko naman yung likod ko para makasigurado at baka may tinitingnan lang siya. Pero pader na ang nasa likod ko. Katabi ko lang din naman si Rhea eh nakikipagdaldalan lang kay Suz.

Tiningnan ko lang din siya. So ngayon, titigan ang peg namin. Nag poker face lang ako sakanya habang nakatukod ang dalawang siko ko sa lamesa. As usual, ganun din siya.

Pag umiwas to ng tingin ibig sabihin may gusto to sakin. O kaya di niya nakayanan ang charisma ko.

Tinititigan niya yung mata ko na para bang nangungusap. Yung para kang matutunaw?

Ilang minuto na kaming magkatitigan. Gusto kong umiwas na ng tingin kasi, kung yelo lang ako, kanina pa ako natunaw. O baka nga ubos na ang tubig na natunaw.

Tatlong minuto.

Mukhang babaliktad ang sitwasyon ah, mukhang ako yung hindi makakayanan ang charisma nitong katitigan ko. Pogi eh.

Limang minuto.

Ang expected ko ay iiwas na siya ng tingin hindi dahil nag aassume ako na may gusto to sakin, kundi siyempre. Nakaka'ilang kaya.

Nakakagulat ang sumunod na nangyari. Ang di ko ineexpect ay ang ginawa niya.

Kinindatan niya lang naman ako sabay ngiting nakakainlove with matching hot na pag nguya nguya niya..

Fudge! Bakit ba siya ganyan?

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

PERO PUSA!! DEEP INSIDE NAGWAWALA NA YUNG LAMANG LOOB KO!!

Alam niyo naman siguro yung feeling na ganun diba? Kindatan ka ng crush mo sabay ngiti. Sinong di kikiligin?

Pero ako kasi yung tipo ng babae na hindi showy.

Pero kinikilig talaga ako!!

"Hoy. Magtutunawan na lang ba kayo ni Trace?"

"H-ha?" Tanong ko habang nakatitig pa din kay Trace. Ganun din siya.

"Cassidy! Wala pang bawas yung pagkain mo. Tapos na kaya kami ni Suzy!!" Sabi ni Rhea.

Urgh! I give up! Mukhang di na ata siya iiwas ng tingin. Ako na nga lang titigil.

Ganyan naman minsan. Pag di na natin kaya, mas mabuti pang itigil nalang natin kesa ituloy pa natin kahit alam naman nating wala na tong patutunguhan.

Ay ang corny ko bwiset.

Binilisan ko nalang yung kain. Naghihintay na nga kasi talaga yung dalawa eh.

"Kayo ha. May fishy na talaga akong nassmell between sainyo ni Tracelalu." Suzy.

"Wala ah. Nakakainis kaya yan! Lakas lakas mang asar eh." Inis na wika ko.

"Asuuuus. Nakakainis daw oh. Sabi nga sa kanta, The more you hate, the more you love. Mamaya magulat nalang kami, nagliligawan na pala kayo." Rhea habang nagbabasa ng librong hawak niya kanina pa.

Napahinto naman ako dun. Tiningnan ko si Trace na ngayong nakikinig kay Kateny. What if ligawan nga ako ni Trace? Ano kayang mangyayari?

Urgh. Nadidilusyon na naman ako. Lakas maka'imagine Cassidy ah! Di naman ako nakainom pero bat ganto katindi yung tama ko ngayon? Trace, ikaw ata yung alak ko eh.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon