Chapter 21

89.8K 2.9K 169
                                    

*Cassidy's POV*

Uwian na. Wala namang magandang nangyari bukod sa kasabay naming kumain sila Blue at Giann. Ang kulit nga nila eh.

"Huy, Cassy!" Tawag sa akin ni Blue. Medyo close na kami.

"Oh anong nangyari?" Sabi ko naman.

(A/N: HINDI KO PO ALAM KUNG BAKIT NAPUTOL. PINUBLISH KO PO ITO NG BUO. DI KO PO TALAGA ALAM KUNG BAKIT NAGING GANITO :( SO MAGPAPANIBAGO NALANG PO ULIT AKONG UD SA CHAP NA TO. PASENSYA NA PO.)

"Wala naman. Kumusta araw mo?" Tanong ni Blue sakin.

"Okay lang. Wala namang bago. Ito kung makapagtanong parang hindi kita kasama kanina. Hahaha" hinampas ko siya ng pabiro lang. Yung mahina lang. Napakamot naman siya sa batok niya.

"Ganun talaga. Tara" bigla akong hinila ni Blue sa di ko alam kung saan kami pupunta.

"Hoy saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

"Hindi mo ba napapansin? Tayo lang ang narito sa hall way." Bigla akong tiningnan ni Blue ng, nakakatakot na tingin. Yung para kang sineseduce! EWAN.

"Hoy siraulo ayoko ng mga ganyang tinginan mo Blue! Umayos ka baka hindi mo magustuhan yung gagawin ko sayo!" Sigaw ko sakanya.

"Ano bang gagawin mo sakin?" Sabi niya ng pa'sexy. Bigla niya akong nilapitan. Oh shit ano ba itong asul na to!!

"Wag kang lumapit asul ka! Kung hindi sisigaw ako! Tul--" bigla niyang tinakpan yung bibig ko.

Tawa siya nang tawa.

"Baliw! eto naman di mabiro. Pupunta tayo ng PR. Naroon sila Kateny. Ipapakilala kita." Sabi niya.

Hinila ko yung kamay ko.

"Ayoko! Nakakahiya 'no. PR niyo iyon tapos papapuntahin mo ko roon, hindi naman ako isa sa inyo." Sabi ko.

"Ano ka ba? You're my friend tsaka si Giann din. We know Giann. Hindi siya makikipagkaibigan sa alam niyang hindi totoo." Sabi niya. Wala na akong nagawa kaya nagpahila na lang ulit ako.

Pagdating namin sa PR, wala akong masabi kundi WOW.

Ang ganda! Masiyadong nakaorganize ang mga gamit.

"Hoy Blue! Nasaan ba yung-- Oh may bisita. Hi!" Bati sakin nung Kateny.

Ngumiti lang ako at nag hello din. Ang ganda naman niya sa malapitan! Hanggang ngayon nasstarstruck pa rin ako.

"Kateny! Nasaan yung towel ko? Hindi ko ma-- Uy hello!" Bati sakin na di ako magkakamali ito si Aina. Nag Hi lang din ako.

"Siya si Cassidy Evans. My girlfriend." Blue. Nagulat naman ako kaya siniko ko siya.

"Kailan mo pa ko naging gf ha? Siraulo talaga ito." Pabulong na sabi ko kay blue. Nasaktan naman siya sa ginawa ko.

Natawa naman sila.

"Si Cassidy lang pala makakabara sa'yo eh." Kateny.

"Selos ka lang eh." Blue at ngumisi pa. Namula naman si Kateny. Aba aba? Hmm.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Sa mukha mong yan magkakagusto ako sayo? FYI kamukha mo yung kulugo sa paa!" Kateny.

Hala cat & dog ang peg.

"Ang gwapo namang kulugo sa paa nitong mukhang ito. Maraming nagkakandarapa sa pagmumukhang 'to!" Pasikat na sabi ni Blue.

"Yabang." Kaming tatlo. Natawa lang kami.

"Pagpasensyahan mo na yang dalawa ha. LQ na naman eh." Aina na natatawa tawa.

Mukha lang palang mataray si Aina pero mabait din naman pala.

Pero LQ? Sila?

"LQ your face! Never! Ew!" Kateny.

Marami din kaming napagkwentuhan. Natapos ang break at lunch time ko na sila lang ang kasama. Nakwento pa nga nila sa akin na mahigit 3 years pa raw bago sila ituring na kaibigan ni Aina dahil may trust issue ito pagdating sa kaibigan. Best friends daw si Kateny at Trace. Marami pa silang nakwento. Ang saya nila kasama. Hindi rin ako makapaniwala na ang mga tinitilian at hinahangaan sa school na ito ay kasama ko at nakakakwentuhan ko pa.

Noong nag-bell na, nagpaalam na din ako.

After ng klase ko, kasabay ko na si Rhea. Si Suzy, hindi ko alam kung nasaan. Dumeretso na kami sa dorm.

"Bukas pupunta tayo sa ethermarket ha. Omg nae'excite ako sa welcome ball!" Rhea

"Ha? Bakit anong meron?" Tanong ko.

"Nasaan ka ba noong inannounce yun? Magkakaroon tayo ng welcome ball sa isang araw. Kaya wala tayong pasok bukas para makapag handa ang lahat para sa ball. Kaya nga mamimili tayo eh. Sino kaya makakapartner ko?" Rhea

"Hindi naman kailangan ng partner." Sabi ko.

"Hindi pwede! Kailangan may partner ka!" sabi ni Rhea.

Ang laki naman ng problema nito. Ako nga hindi ko pinoproblema eh.

"Hi guys! Grabe! Nakakapagod itong araw na to!" Biglang pumasok si Suzy na tila pagod na pagod at haggard look.

"Oh anyare sa buhok mo? Inaalagaan mo yan tapos ngayon naging sabog?" Ako.

"Bukod sa maganda pa rin ako kahit ganito ako ka'haggard eh inutusan lang naman ako ni Ma'am Alegre na dalhin ang papers sa table niya. So bilang isang mabuti at masunurin na estudyante edi sumunod naman ako. Pag lagay ko sa table ni ma'am, inutusan naman ako ng isang teacher na hugasan ang tasa! Eh masunurin nga ako di'ba? Edi ginawa ko naman tapos after non, lumabas na ko ng faculty. Eto naman si Sir Math teacher natin, nakasalubong ko. inutusan na naman ako na pumunta sa library! Teh library yon! Siyempre punta naman ako ng kabilang building. Tapos hinanap ko na naman siya! Tapos eto pa ha, wala ng mautusan edi pinatapon pa sa akon ang basura niya na isang bag! Jusko! Hindi na ko babalik don!"

Dumiretso siya ng banyo after ibaba ang gamit. Imagine her na sinasabi niya yan with action. Natawa nalang kami ni Rhea.

"I'm really happy na bumalik na si old Suzy." Rhea. Napatingin naman ako sakanya.

"What do you mean?" Tanong ko.

She sighed.

"She had a best friend when we were in Grade 2." Panimula niya. Nanatili akong tahimik para makinig sakanya.

"Mahal na mahal niya yung best friend niyang yon, 'no. It's Yurika. Minsan nga, nagseselos nalang ako dahil laging si Yurika kasama niya. I know, I'm very immature that time." Natawa pa siya roon.

"Sounds ewy but I love Suzy so much. Ang saya nila lagi. Umabot kami ng grade 5, sila pa rin ang mag best friend. With that, I felt unimportant. Feeling ko hindi ako kasali. Feeling ko I'm alone even if I'm with them. Pero nagkekwento naman si Suzy sakin. Kahit hindi na sila magkasama, si Yuri pa rin ang bukambibig ni Suzy. Until one day, ewan ko pero bigla nalang niyang hindi pinansin si Suzy. Alam naman nating makulit si Suzy kaya kinulit niya to. Nagulat nalang ako ng sinigawan at pinagtutulak niya si Suzy. Pinahiya niya si Suzy sa harap ng maraming tao. At after non, wala na si Yuri sa school. Wala na kaming balita sakanya. Ilang buwan din nagkulong noon si Suzy. Kahit ako hindi niya pinapansin. Kapag kakain, iiwanan na lang ang pagkain niya sa labas ng pinto. Ang cold na rin niya. Nakahanap ako ng tiyempo na pumasok sa kwarto niya nung natutulog siya sa kwarto niya. Binuksan ko yung bintana niya at pumasok sa loob ng cabinet niya. Then yun, nashock siya ng makita akong nasa loob. I helped him to move on. Parang tanga nga dahil para akong may gusto sakanya at si Yuri yung ex niya." Kwento pa niya. Medyo naawa ako sakanya dahil naiyak siya sa kwento niya pero pinili pa din niyang tumawa.

Rhea loves her cousin so much.

**

Sorry po talaga. Inupdate ko po talaga to ng buo eh. Ewan ko po kung bakit naging ganto. :( . Sorry po kung may nabago or keme.

Lesson: A true friend will never leave you especially on the lowest point of your life. Find a friend who will understand you and someone you can trust.

Btw, Kateny Davis on the side.

@HeyItsKen_

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon