Chapter 43

67.3K 2.2K 392
                                    

Hala mga inday!! Nagulat ako sa comments. Ang dami agad Hahahaha! Thank you po :)

****

Trace POV

Pumunta ako sa kung nasaan si Cassidy ngayon.

Gusto ko siyang makita.

Pumasok na ko sa kwarto kung saan nila inilagay si Cassidy.

Isa itong tagong kwarto na tanging ang SR at ang nakakataas lamang ang nakakaalam.

Pinagmasdan ko siya. Nakaputi siyang dress.

Ang haba ng mga pilik mata niya. Pumutla ang mga balat niya. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit buhay na buhay pa din ang mga labi niya kahit wala itong lipstick. Para bang natutulog lang siya.

Cassidy, talaga bang wala ka na? Hindi pa nga nagiging tayo, hindi pa nga nasisimulan yung love story natin, iniwan mo na agad ako?

Napangiti ako habang tumulo ang luha ko ngunit pinunasan ko ito agad.

Hinaplos ko ang mga buhok niya. At ang mukha niya.

"Cassidy, I miss you so damn much." Sabi ko sakanya.

Para akong tangang kinakausap ang di nakikinig.

"Are you listening, baby? Wake up please. Don't leave me alone." Sabi ko pa.

"Nandiyan ka diba? May mission pa tayo. " sabi ko.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ang lamig mo naman. Di ko matanggap.." Tumulo na naman ang luha ko.

Wala na nga talagang dugo na dumadaloy sa katawan niya.

"I love you. Don't leave me please.. Di ko talaga kayang makita kang walang buhay." Tumulo na naman luha ko. Hindi matigil.

"Its been a week Cassidy. One week ka nang natutulog."

"I miss your voice. I miss your laugh, your smile, I miss every inch of you. I miss staring at you. I miss you so much." Sabi ko pa.

"One week na kong umaasang gigising ka ulit kahit na alam kong hindi na mangyayari yun.." Sabi ko.

"Kung alam mo lang noon na gabi gabi ay pumupunta ako sa dorm mo para lang titigan ka at bantayan ka buong magdamag." Napangiti ako nung maalala ko iyon.

"Kaya araw araw din akong antok na antok tuwing umaga dahil sa kakatitig at kakabantay sayo. I'm like a vamp." Natawa ako sa naisip ko.

"I remember when I saw you for the first time. You're so clumsy that time."

Natuwa ako nung maalala yung araw na mabangga niya ako. Badtrip na badtrip ako non. Pero di ko matatangging nacutan ako sakanya that time.

"I saw how you love learning different things about our world."

"Gustong gusto ko tuwing nagpapractice ka mag isa, tinititigan lang kita. Yes. Sa bawat practice mo mag-isa, nandun ako. Hindi ko alam kung bat ako naging interesado sayo."

"Siguro yun din ang naging dahilan kaya ako nahulog sayo."

"I can't stop loving you in every minute, every hour, every seconds, and every breath I take."

"Cassidy, Babalik ako ulit dito ha? Sa ngayon, I need to help your ninong. Magiging red na ang langit. Malapit na sigurong mawala ang lahat.." Sabi ko.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon