Chapter 32

71.2K 2.5K 437
                                    

[A/n: May foul word po dito. So yun.]

Giann POV

Nagising ako ng 5. Hindi ko alam kung bakit. Naligo na agad ako at nagsipilyo. Lumabas ako ng dorm. Parang gusto kong pumunta ng garden.

Oh, ang aga aga nandito si Cassidy? Etong babaeng to pag may nangyari dito, katangahan nalang talaga mananaig. Delikado pa naman kahit umaga na. Lalo na at may umiikot na mga spy dito sa school. Gulatin ko nga. *evil laugh*

"HOY Ang aga mo gumising ah." Yugyog ko pa sakanya.

Natawa ako kasi ngumingiti ngiti pa siya na parang inaalala ang nakaraan. Tapos nung ginulat ko, ang priceless ng mukha. Hahahaha

"Kuya Jiji!"

Natigil ang pagtawa ko at nagtatakang tumingin sakanya.

"Giann! Ano ka ba nanggugulat ka eh!" Reklamo niya. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero di ko magawa.

"Sinong kuya Jiji?" Tanong ko.

Ewan ko pero parang may nag uudyok sakin na kailangan kong malaman kung sino ang sinasabi niyang kuya Jiji. Imposible namang kapatid niya dahil wala na siyang kuya.

"Ahh. Si kuya Jiji ba?" Tanong niya.

Umupo ako sa tabi niya at siya naman ay nakatulala. Ang laki ng pinagdadaanan neto.

"Si kuya Jiji, kapatid ko siya. Kaso di ko siya nakita eh. Kahit manlang picture, wala. Sabi kasi ni papa, isang taon ata ako nun eh nawala na siya samin. Alam mo ba, inggit na inggit ako sa mga kaklase ko nun. Kasi kinekwento nila yung mga karanasan nila kasama ang mga kuya nila. Lagi daw silang nagbabangayan, nag aasaran, nag aaway tsaka kesho ang sweet daw ng kuya nila. Ewan ko pero naiinggit ako. Gustong gusto kong magkaroon ng kapatid na lalaki. *malungkot na tawa* maaga siyang kinuha samin eh." Kwento niya.

Naawa ako sa kalagayan ni Cass. Una, wala na ang kuya niya. Pangalawa naman, ang mga magulang niya, hawak ng mga taga Black Land. Wala na akong nagawa kundi yakapin siya.

"Wag ka nang magdrama. Nandito naman ako eh. Nandito naman kami ng mga kaibigan mo para pasayahin ka." Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi ko na din napigilang maluha sa kwento niya.

Cassidy Pov

Niyakap ako ng mahigpit ni Giann. Yung yakap na alam mong safe ka. Yung yakap na ngayon ko lang naranasan. Yung yakap na kumportable. Ilang minuto din kami sa ganong pwesto.

"Ano ba yan Giann. Umagang umaga nagdadrama ako sayo. Tsk." Sabi ko at kumalas na sa yakap namin at pinahid ang luhang tumulo.

Natawa lang din siya sakin.

"Ikaw nauna diyan no. Teka, bat ba ang aga aga mong magising? Eh 7 pa ang class ah?" Tanong niya sakin.

"Hm, ewan ko din eh. Ikaw nga din ang aga mo." Sabi ko naman sakanya.

"Ganun siguro talaga pag pogi. Nagigising ng maaga." Sabi pa niya at hinawakan ang baba.

Tinulak ko nga ng malakas. Kapal eh.

"Alam mo kasing kapal ng mantle yang mukha mo ano?" Sabi ko sakanya.

"Grabe ka ha. Ang lakas mo manulak. Babae ka ba?" Tanong niya at tumayo. Hala.

"Ang oa naman neto. Oh sooorryyyy poooooo! Okay na?" At ginaya ko pa si Chichay sa Got to believe.

"Anak ka talaga ng nanay mo." Sabi niya sakin at nakabusangot.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon