Chapter 11

88K 3K 94
                                    

*Cassidy's POV*

"Class dismiss."

Nauna akong lumabas ng room para pumunta sa canteen. Lunch break na ngayon. Hindi ko na hinintay pa sila Suzy. Nagugutom na ako no! Wala pa akong breakfast kasi nalate ako ng gising. At eto namang si Suzy, di manlang ako hinintay. Late tuloy ako ng 5 minutes.

"Steak with rice, choco milk shake & blueberry cheesecake." sabi ko.

Naghanap naman agad ako ng seat at sinimulan na ang pagkain. Jusko! Nakakagutom.

"Hindi uso sayo manghintay teh?"

Sabi ng babaeng nakapamewang sa harapan ko at biglang umupo.

Bahala ka riyan! Nakakatampo ito. Dahil sakanya nagsagot tuloy ako ng limang problem solving sa math namin kanina. Hmp! Buti nalang alam ko. Kundi patay na talaga.

Umupo naman siya bigla.

"Ni sa sariling bokabyularyo mo nga walang salita nun eh." Sabi ko at kumain ulit.

"Aba! Kasalanan ko ba kung halos paliparin ko na yung kama mo eh hindi ka pa rin nagigising? Tulog mantika kasi eh." bulyaw niya sakin.

Ito talagang babaeng ito. Ang ingay!

"Edi sana binuhusan mo nalang ulit ako ng malamig na tubig diba? Buti nalang alam ko yung sagot sa math kanina!" sabi ko.

"Edi wow."

Aba't loko to---!!!

"Alis ka na nga. Ngayon na." sabi ko. Di ko na siya pinansin.

"Edi meow."

Bahala ka diyan. Talk to your hand dude!

"Hoy Cass."

Wala akong naririniig! Kain lang Cass!

"Hoy. Bingi?" ulit pa niya.

"Nasaan kaya si Rhea? Buti pa yung isang yun kahit masungit, hindi ako binabara." parinig ko.

"Ako ang narito tapos si Rhea hinahanap mo? Ang sakit ha!" sabi niya.

Tiningnan ko siya. Tinaas ko yung isa kong kilay.

"Pake ko?" pagtataray ko. Akala mo riyan ah. May pride ako!

Nagulat naman siya sa inasal ko. Ngayon ko lang kasi siya tinarayan.

"Cassidy ikaw ba yan?!" tanong niya sakin.

Kumain ulit ako.

"Hindi tayo bati." sabi ko.

"Ang childish nito! Oh ayan. Peace offering. Sorry na Cassy." sabi niya.

Nagningning ang mata ko nang makita ang Isang balot na Chocolate sa lamesa.

"Omg. Bati na tayo!" sabi ko. Okay dami kong kakainin!

Tinanong ko kung nasaan si Rhea. May inutos pala sakanya yung head faculty.

May meeting daw sa hapon kaya half day lang kami ngayon. Try kong contactin ulit ang mga tumatawag sa akin. Pumunta ako sa training room. 10pm ang curfew. 2:30 palang naman.

Nagconcentrate ulit ako. Binanggit ko ulit ang nasa sulat.

After all of the sudden, I feel something different. Ayan na naman ang pinaghalo-halong naramdaman ko noong isang araw.

Cassidy..

Ayun na yung mga boses. May lalaki, may babae. Ang lalambot ng mga tinig nila.

S-sino kayo?

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon