Chapter 49

66.9K 2K 120
                                    

A/N: Wala pong Book 2. But I'll make special chappies for you readers! :)

--

Cassidy POV

Unti unting nagbago ang langit.

Kung dati'y naging pula, ngayon ay umaraw at naging asul na ang kalangitan.

Ang Etherland, kung sa pag gising ko ay magulo, ngayon ay bumalik na sa normal ang lahat.

Pati na rin ang academy. Kung sa pagbabalik ko ay halos bumaha na ng dugo at puro nasawi na ang laman, ay umayos at bumalik na sa dati.

Ang mga nasawing mga white magia users ay nailibing na.

Maraming nagtulung tulong sa pag aayos ng mundo namin.

Nakakalungkot lamang isipin na maraming nag buwis ng buhay para labanan ang kasamaan.

Kahit pati sa akin ay masakit ang pumaslang ng tao, nagawa kong gawin iyon para sa mundong ginagalawan ko ngayon. Para sa kapayapaan.

Ngayon, nandito ako sa harapan ng grave niya. Binigyan ko siya ng paborito niyang bulaklak.

Ngumiti ako sa bawat memories na naaalala ko.

Napaluha na rin ako.

"Its been 5 Months. 5 months na at sariwa pa rin sa akin ang nangyari. Ilang months din kitang hindi nakausap, nakita at nakasama muli. Nakakalungkot isipin na, kung kailan naman ako bumalik, tsaka ka pa nawala." Sabi ko sa harapan ng puntod niya.

"Sobrang miss na miss na kita. Sorry ha? Hindi manlang kita natulungang maligtas.. Sobrang sakit na mawalan ako ng isang kapamilya." Nagkacrack na ang boses ko dahil pinipigilan ko ang pag iyak ko. Pero hindi ko na rin kaya kaya napaiyak na talaga ako ng sobra.

"I'm sorry.. I'm sorry." Lumuhod ako at hinaplos ang puntod niya.

"Thank you for everything. Thank you sa pagtatanggol sa akin, sa amin. I'm so happy that you proved to us that you changed." Sabi ko.

"Thank you for the kikay moments with you. For being a good friend and a bestfriend to us."

"I will always love and miss the moments with you Suzy. I'm so sorry kung wala manlang akong nagawa." Sabi ko.

May humawak sa balikat ko. Nakangiti sila sa akin.

"Let's go? Your friends are waiting for you."

Napangiti ako doon.

"Suzy, Dadalaw ulit ako ah. Bye." Hinaplos ko muli ang puntod niya at tumayo na rin.

Niyakap ko siya ng mahigpit. At nginitian ang lalaking nasa kabilang side ko. Hinawakan ko ang braso niya.

"Mama, ano pong niluto mo? Siguradong masarap yan." Sabi ko.

Nakaligtas si mama. Thank God at lumaban siya. And thank God dahil sa 2nd life namin.

"Oo naman! Si mama pa ba? I mean, si tita pa ba?" Natawa kami ni mama dun. Nabatukan ko tuloy.

"Ikaw Trace. Puro ka kalokohan." Sabi ko sakanya at natawa ulit.

"Why? Doon din naman mapupunta yun." Sabi niya at ngumiti muli.

Siya nga pala, sa 5 months na yun, may pinagbago. I'm officially in a relationship with Trace. 4 months din siyang naghirap na ligawan si kuya Giann pati na rin sila Mama at Papa. And today is our first monthsary.

Naabutan naming nag aasaran ang mga kaibigan ko ngayon. Kung buhay lang si Suzy ngayon, siguradong mas masaya kami. Nandito kami ngayon sa bahay namin. Bahay ng mga magulang ko na ngayon ko lamang napuntahan. Hindi ko alam na ganto pala ang bahay namin na parang palasyo dito kumpara sa bahay namin sa mortal world.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon