Chapter 6

104K 3.3K 255
                                    

*Cassidy POV*

"Cassidy, Welcome to Magus Academy!"

Tinitingnan ko pa din etong 'School daw. Hindi pa din kasi maprocess sa utak ko na dito ako mag-aaral. Magkano kaya ang tuition dito? Baka mamaya, milyon! Hala ako! Wala kaya akong pambayad dito ng ganun kalaki!

"Magkano tuition fee dito?" Biglang tanong ko sakanila.

Napasingkit naman yung mga mata nila.

"Tss. Anobayan! Yan pa iisipin mong tuition fee mo? Halika na nga! Male'late na kaya tayo! I think nakanganga ka diyan for thirty minutes." Naka cross arms na sabi ni Suzy.

Bakit ang sungit ni Suzy ngayon? Meron kaya siya?

Di ko alam na bigla na pala niya ko hinila papasok ng building.

Namamangha pa din ako sa paligid. Umakyat na kami sa stairs ng building papasok. Kahit hagdan palang feeling mo mahihiya kang humakbang eh. Parang hindi ako belong sa school na to. Masiyado tong susyal para sakin.

Ang elegante talaga nitong palasyong to. Este-- school pala.

Pagkapasok namin, maraming mga estudyante ang nagtatawanan, yung iba naman, mga tahimik lang na naglalakad sa hallway at yung iba ay tumatakbo at naghahabulan.

Kumanan kami at umakyat sa 2nd floor. Ang astig naman nito! May mga torch pa sa gilid tapos may mga paso pa sa gilid din. Grabe yung gumawa nito! Sobrang unique! Oo nga naman pala, nasa mundo pala ako ng mahika. Halos lahat posible.

"Cass, 'wag kang hihiwalay samin ha. Lalo na't hindi mo pa kabisado tong academy." Rhea

tumango lang ako bilang tugon. Hawak-hawak pa rin niya yung kamay ko.

Habang naglalakad kami sa hallway, may ilang mga estudyanteng nakatingin sa'kin. Spell awkward?

Nakakahiya naman. Tumungo nalang ako. Nakakahiya kasi eh.

"Ganyan talaga sila kapag may baguhan lang silang nakita rito." Suzy

Napa ahh nalang ako. Kakaba naman.

"Mamaya kapag break time, itotour ka namin dito. Para naman hindi ka maging ignorante sa paligid. At tsaka para alam mo na din ang pasikot sikot nitong academy." Rhea

Ignorante? Oo siguro rito. Eh first time ko kayang makakita ng ganto kagandang pala--este school pala!

"Over naman sa ignorante. Pwede bang namangha lang?" sabi ko at napairap nalang.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Dito na yung room natin." ngiting sambit naman ni Suzy.

Binuksan na ni Rhea yung pinto.

Woah. Wala na talaga akong masabi dito sa school na to. Halos lumuwa na yung mata ko dahil sa mga nakikita ko eh! Ang luwag ng room na 'to! Glass board siya, tapos kakaiba yung desk, color white yung mga desks tapos parang pang hari na chair yung style ng bawat desks dito. I mean yung may pacurve curve na style yung mga desks dito tapos may mga maliliit na bato sa bawat edges. Kahit yung kisame ang taas tapos may malaking chandelier pa. Ang astig!

Konti pa lang naman yung mga estudyante rito. Siguro mga nasa 20+ sila?

May mga nagbabasa, nagbabatuhan ng papel, nagdadaldalan, may natutulog, basta kung anu-ano!

Tiningnan nila kami. Should I say, ako lang pala pero bumalik din sila sa kanya kanya nilang business.

Nagtuluy-tuloy lang kami hanggang sa unahan. Gahd. Ayoko sa unahan!

"Pwede bang sa likod nalang tayo?" tanong ko sakanila.

Umiling sila.

"Dito lang tayo sa unahan para astig!" Suzy

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon