Chapter 35

73.6K 2.4K 389
                                    

CASSIDY POV

"I like you, Cassidy."

W-what?

Ano daw?

Anong sinasabi niya?

Nakatingin lang ako sakanya ng tulala.

Dapat ba kong kiligin?

Bigla siyang ngumisi at tumawa ng malakas.

"Priceless face. Hahahaha I'm just kidding." At binitawan na niya yung dalawa kong kamay. At tumatawa pa din habang humihiga.

"Ha ha. Gandang joke mo ah." Sabi ko sakanya at tumayo na.

Kinuha ko na yung gamit ko at lumabas na. Nakakainis. Pinapaasa niya ko eh.

Pumunta ako sa garden ng school. Ayoko munang kumain. Di pa naman ako nagugutom. And besides, nawalan na ako ng ganang kumain.

Diba sabi ko titigil na ako? Bakit ang hirap? Ayan tuloy, hinuhuli ka niya.

Ang drama mo.

Ano ka ba Cassidy, pumunta ka dito sa Etherland para bawiin ang mga magulang mo. Hindi ka pumunta dito para magkaroon ng lovelife.

Mga ilang minuto na din at napagdesisyunan ko ng kumain.

Umorder lang ako ng usual na order ko. Nakatapos ako ng pagkain ko ng maayos at walang gumagambala.

Pumunta na ko sa training room. Okay Cassidy, Kalma ha? Focus okay? Wag mo munang alalahanin si Trace.

Pag pasok ko sa Room, tulog pa din si Trace. Binaba ko na yung gamit ko.

Ginising ko siya. Napamulat naman siya.

"Game na." Sabi ko sakanya.

Bumangon naman siya.

Mga ilang minuto lang din at nagsimula na kami.

Tinuruan niya ako kung ano ang pwedeng maging technique sa pag gamit ng water. Pumunta din kami sa isang lake sa labas ng academy. Ilang oras pa ang ginugol namin para lang makalabas ng academy dahil hinding hindi talaga kami pinapayagan. Isa itong forest. Hindi ko nga alam na mayroon palang ganito sa labas ng academy. Ang ganda

"Try to float the water." Sabi niya.

"Ha? Paano ko gagawin yun?" Tanong ko sakanya.

"Focus. Ikumpas mo lang yung kamay mo." Utos niya sakin.

Ginawa ko naman yung sinabi niya.

Sa pagtaas ko ng mga palad ko, unti-unti namang lumutang ang tubig. Pero nahuhulog pa din yung tubig.

Tae naman ang hirap naman pataasin nitoooo!

"Concentrate. Isipin mong kailangan mong mapalutang ang tubig." Sabi niya.

Ilang beses kong ginawa ito at unti unti ko namang nakukuha.

"Ayan na" galak na sabi ko.

Napapalutang ko na siya ng mga ilang metro pataas.

"Focus Cassidy." Sabi pa niya habang tintingnan ang ginagawa ko.

Konti konti ko nang napapalutang pero dahil nawala ako sa konsentrasyon, bumagsak na naman ang tubig kaya natilamsikan kami.

"Ano ba yaaaan!! Nakakainis na!" Sabi ko.

"I told you to concentrate right?" Sabi pa niya habang pinupunasan ang mukha niya na nabasa.

"Bakit ba kasi ang hirap gawin nito.." Sabi ko.

Napahilamos ako sa mukha ko.

"Don't give up so easy. It's a challenge for you. Just think that you're doing this for your parents." Pagsasabi niya.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon