Chapter 45

61.9K 2.1K 348
                                    

Trace POV

I can't believe it that Miss Ruiz is one of the traitors in our school.

At the first place, I expect na mangyayari na naman ang kaguluhang ganito sa mundo namin. Pero ang hindi ko matanggap ay ang pag traydor ng isa sa katiwala ng academy na to.

Nakarating kami sa Dark Land. Sobrang dilim. Iba ang aura dito. Mararamdaman mo talagang hindi ka welcome dito. Puro punong mga wala nang kadahon dahon sa paligid. Malinis ngunit iba talaga ang presensya. Parang nababalot nalaga ito ng kasamaan.

Nagulat kami nang biglang bumukas ang malaking gate na nandito sa harapan namin.

"Alam ba nila na dadating tayo?" Aina.

"Of course they expect it." Blue.

Umuna na kong maglakad papasok.

May naapakan akong kung anuman.

"Ilag!" Sigaw nila kaya umilag naman agad ako.

May maitim na bola na puro tinik sa paligid nito ang bumato sa akin ng apat na beses. Mabuti ay tinuruan kami kung paano mapabilis pa lalo ang kilos namin.

"Gheez that was close." Blue.

"Come on. We need to find Master." Kateny.

Nakapasok kami at bigla namang nagsara ng malakas ang gate.

"Ano ba to, para tayong nasa haunted mansion." Comment ni Giann.

Tumakbo kami papasok sa loob. Sineswerte nga naman at may umatake agad sa amin. Wala naman kaming nagawa kaya linabanan din namin.

"Ew get off me ugly stupid sorcerer!" Aina. Siniko niya agad ng malakas yung nasa likod niya at tinadyakan simula sa ulo hanggang pababa at tsaka niya ginamitan ng kapangyarihan niya.

Habang nilalabanan ko ang nakacloak na ito, may napansin akong umakyat sa taas. Sinaksak ko agad ang nakacloak at sinundan iyon pataas.

Maraming mga kalaban ang nakakasalubong ko kaya't nilalabanan ko rin sila. Nagkahiwahiwalay na kaming lima.

Sabay sabay na sumugod ang mga sorcerers kaya medyo nahirapan ako. Napuruhan ako sa bandang braso ko at sinuntok ng isang sorcerer.

Pinaulanan ko sila ng apoy. Nang makahanap ako ng tiyempo ay agad na inilabas ko ang double head inferno ko at pinatamaan ko sakanila.

Nakita ko na naman yung babaeng umakyat sa hagdan. Sinundan ko ulit siya. Pumasok siya sa isang pinto. Pumasok rin ako doon. Sobrang laki nitong lugar na to. Ngayon, nakatalikod siya sa akin.

"Magaling." Sa boses na yun, kilala ko na agad kung sino.

"Bakit mo tinraydor ang MA?" Tanong ko sakanya.

Humarap siya sa akin. Nagbago ang itsura niya. Maganda na siya noon, pero masasabi kong umiba ang aura niya ngayon.

Nakangisi siya sa akin.

"Isn't it obvious? Gusto kong angkinin lahat ng nandito ngayon sa mundo natin." Sabi niya.

"Lalo ka na." Pa'sweet na boses niyang sabi.

Di ko napansin na nakasunod na dito si Giann.

"Hey bitch. When will you die?" Pang-asar na sabi ni Giann. Nakita ko ang pagod sa mukha ni Giann at mayroon pang dugo sa may labi niya.

Nakita kong ngumiti si Yurika.

"I'll gonna kill you first before you can kill me." Diing sabi ni Yurika. Lumapit siya samin ng paunti unti.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon