Chapter 44

61.9K 2.1K 222
                                    

Giann POV

1 month.

1 month na ang nakalipas. Ang bilis ng araw. Hanggang ngayon, nasa isang tagong kwarto pa rin si Cassidy.

Sa 1 month na yun, nagiging magulo. Nagkakaroon lagi ng alitan sa pagitan naming magkakaibigan.

"Ako nalang magbabantay sa front gate. Ikaw ka sa forest." Ani Blue.

Nagpapalitan na naman kasi ng magbabantay. Dahil may mga warlocks nang unti unting sinusubukang pasukin ang Academy.

"What? No! Ako na sa front gate. Ikaw nalang sa forest." Kateny.

Tulad ngayon. Mukhang magsasabong na naman tong dalawang to.

"Kateny, listen to me okay? Maraming kalaban sa front gate. Kaya kita pina--"

"Why can't you understand me? Gusto ko sa front gate." Kunot noong sabi ni Kateny.

"So ikaw na naman masusunod? Ako na naman mali? " Tiningnan niya ng masinsinan si Kateny. Ginantihan din naman ni kateny si Blue ng tingin.

"Oh ano na naman yan? Nag aaway na naman kayo?" Aina.

Napatingin si Blue kay Aina at tumingin naman ulit kay Kateny.

"Kausapin mo yang kaibigan mo ha." Sabi niya kay Aina at umalis na.

Nang nakalabas na si Blue, tsaka naman pinalo ni Kateny ang lamesa at lumayas din.

"Oh saan punta mo?" Aina.

"Kung saan ako malaya." Sabi niya at tuluyan nang simara ng malakas ang pinto.

"Ano bang nangyayari satin?" Aina. Tiningnan ko siya na parang nagtaka sa sinabi niya.

"Bakit?" Tanong ko habang umiinom ng juice.

Umupo siya sa sofa at napabuntong hininga. Nandito kasi kami sa PR ngayon.

"Okay pa naman tayo this past weeks eh.. Yung buhay pa si Cassidy. Pero, nawala lang ang isa, bakit parang pati ang friendship na ginawa nating lahat ay parang nasisira na?" Tulalang sabi ni Aina.

"I miss the old days, Giann. Maibabalik pa kaya yun?" Sabi pa niya.

Nanatili akong tahimik.

"Mababalik pa kaya ang dating Blue na joker. Yung masaya lagi. Yung Kateny na nakangiti always. Yung Trace na binuhay muli ni Cassy?" Sabi niya ulit.

"Lilipas din yan." Sagot ko nalang.

"Lilipas. *sad chuckle* Oo nga. Lilipas din ang araw na watak watak na tayo. *sigh*" sabi niya.

Tumabi ako sa tabi niya. I patted her shoulder.

"Don't worry. I won't let it happen." Pagcocomfort ko.

"Sana." Aina.

"Just stay positive." Sabi ko.

Iniwanan ko na muna si Aina sa PR. Tutal nakatulog na din naman siya. Lumabas muna ako para sana makapag isip. Pero nagulat ako nang may sumabog sa bandang gilid ng school. Doon madalas nakakapasok ang mga sorcerers. Sobrang lakas ng impak na yun. Para bang may naglalaban.

Napatakbo ako kung saan iyon nanggaling.

Totoo ba tong nakikita ko? Papaanong nakapasok na ang mga kalaban?

May mga nagsisitakbuhang mga estudyante at naglalabanan.

"Giann!" Napalingon ako sa tumawag. Si Blue yon. Tumakbo siya sa direksyon ko at parang pagod.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon