Chapter 46

62.7K 2.1K 182
                                    

(A/n:) Guys easy lang po tayo. Nag iisip pa po ako ng pwedeng itwist. HAHAHA sige na nga mag a'update na ko. Hahahaha!

--

Cassidy POV

Hindi ako makamulat ng mata. Para bang pagod na pagod ako.

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko.

Nakakasilaw. Masiyadong maliwanag.

Nasaan ba ako? Ano bang nangyari?

Tanging kama lang na hinihigaan ko ang nandito. Nasaan ba talaga ako?

"Oh. Gising ka na pala."

Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. Parang familiar iyon.

"Sino ka? Nasaan ako?" Tanong ko sakanya. Nakasuot ako ng white dress. Yung kulay ng buhok ko, b-bakit naging brown na ang kulay? Teka, patay na ba ako?!

"Ouch. Hindi mo agad kami makilala?" Boses ng isang lalaki.

Teka, di kaya?

"Yes. Nandito ka sa kaharian naming mga Gods and Goddess." Sabi pa ng isa.

Nakita ko ang limang tao na papalapit sakin galing sa liwanag. Este, tao ba?

Yumuko ako sakanila bilang paggalang.

"Kailan po ba ako makakabalik sa Etherland?" Tanong ko sakanila.

Hindi pa rin nagbabago ang kanilang itsura. Maaamo pa rin sila tulad ng huli ko silang nakita.

"Nandito ka pa din sa Etherland." Boses ng Goddess of Light.

"Kung ganon, kailangan ko na pong bumalik! Kailangan ko na pong tulungan ang mga kaibigan ko tsaka--" nagpapanic na sabi ko.

"Shhh. Calm down. Hindi ganun kadali makabalik sa iyong katawan." Goddess of Water.

Ha? K-kaluluwa nalang ba ako?

"Ano pong ibig niyong sabihin? P-patay na ba ako?" Naguguluhang tanong ko.

Tumahimik lang sila.

Napaupo nalang ako.

"K-kung ganon.. W-wala na pala akong.. *sad chuckle* wala na pala akong silbi.." Napaluha nalang ako ng malaman ko.

Lumapit sa aking ang Goddess of Wind at hinagod ang likod ko. Pinasadahan niya ng haplos ang buhok ko.

"Wag mong sabihin yan. Gusto naming malaman mo na.." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. Tumingin din siya sa mga Gods and Goddess. Pagkakita ko sakanila ay lahat sila ay mga nakangiti sakin.

"A-ano po iyon?" Tanong ko.

Pinunasan niya ang luha ko.

Lumapit ang Goddess of Earth sakin at tumabi sa kabilang side ko.

"Bawat Elemental Princess na namamatay ay mayroong pangalawang buhay." Gods of Fire.

Nabuhayan ako sa sinabi niya.

"T-talaga?" Tanong ko muli. Baka mamaya niloloko lang nila ako eh! Sakit umasa uy!

Tumango silang lahat.

"Pero hindi ganun kadali na makabalik sa katawan mo. Lalo na at wala ka ng kapangyarihan ngayon dahil kinuha iyon ni Margaux." Goddess of Wind.

Ano? Kinuha ni Yurika ang kapangyarihan ko?

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon