Chapter 24

92K 2.9K 1K
                                    

CASSIDY

Walang pasok ngayon dahil ang lahat ay nagpeprepare para sa welcome party mamaya. Habang sila ay nag sasaya, ako naman tong kinakabahan dahil di ko alam ang mangyayari mamaya. Ano ba kasing panaginip yun? Hay nako Cassidy! Don't overthink okay? Panaginip lang yun! PANAGINIP! Kabaliktaran yun ng mangyayari. Ibig sabihin, magiging masaya tong araw na to. Okay? Kinalma ko ang sarili ko at nagprepare na din para mamaya. 2 o'clock na kasi. 6 ang start ng party.

"Cass, may pakner ka na ba sa welcome party?" Rhea.

Eh? Kailangan ba yun?

"Huh? Kailangan ba may partner pa?" Tanong ko.

"Duh. Siyempre naman no! Para mas ma'enjoy mo ang gabi." Ngiting sabi ni Suzy.

"Ano to, JS Prom lang ang peg? Nakakaloka. Kakain lang naman ako don eh." Sabi ko.

Nagpaalam muna ako kila Suzy na pupunta lang ako ng garden.

Hanggang ngayon, naa'amuse pa din ako dito sa garden. Ang ganda kasi talaga. Kung saan ang place na makakapag parelax sayo, eto talaga yun. Yung garden ng MA.

"Caaaass!"

Napatingin naman ako sa tumawag sakin. Si Giann pala.

"Uy hi!" Sabi ko. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Bat ka pa nandito? Diba dapat nagpeprepare ka na para sa welcome party mamaya?" Tanong niya sakin.

"Hm wala lang. Kinakalma ko lang yung sarili ko. Kinakabahan ako eh. Parang ayokong pumunta." Sabi ko.

"Ano ka ba. Pag di ka pumunta, It's like you miss half of your life here in MA. Kung ako sayo, mag enjoy ka nalang okay? Bakit ka ba kinakabahan?" Tanong niya sakin at nakatingin pa siya sakin.

"Uhm, wala naman." Kamot sa ulong sabi ko.

"May bumabagabag ba sayo? You can tell me. Maybe I can help." Sabi niya sakin.

"Uhh, Giann. Paano kung nanaginip yung tao na parang totoo, satingin mo, totoo kayang mangyayari yun?" Tanong ko. Anong klaseng tanong yun Cass?

Natawa siya.

"Alam mo ba, sa mito, ang panaginip daw ay yung mga nangyari sating di lang natin alam na nakita na o nangyari pala satin?"

Siraulo to.

"Ha ha. There's no time for jokes here." Sarkastikong sabi ko. Kainis to. Nagsasabi ako ng maayos eh.

Natawa pa siya. May saltik ata to'

"Sorry okay? Masiyado kang seryoso. Cassidy, It's just a dream okay? Kung ano man yang panaginip mo, hindi yan totoo. Cheer up! Pero kung napanaginipan mo na naman ay gwapo ako, yun ang totoo."

Loko loko. Hahaha sinapak ko nga sa braso.

"Aray! Grabe to manuntok. Babae ka ba?" Hinawakan niya yung sinunto ko.

"Paano kung hindi? Hahahaha corny mo eh." Sabi ko.

"Anong corny dun? I'm just telling the truth!" Sabi pa niya.

"Caaaaaasss!!"

May tumawag na naman sakin. Wow famous na ba tawag dito? Chos

Nakita kongbmay lalaking palapit dito na pula ang buhok. Siyempre kilala na.

"Oh asul na may pulang buhok, anong masamang hangin at napadpad ka dito?" Barang sabi ko.

"Grabe ka sakin ha. Uy Giann andito ka pala." Nag apir naman sila at tinanguan lang ni Giann.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon