Chapter 47

62.7K 2.1K 362
                                    

Cassidy POV

Eto na ang pinakahinihintay kong araw.

Ramdam na ramdam ko na ang pagrecover ng lahat ng kapangyarihan ko.

Miski ang pag-iisip ko, mas nagmature.

Ang mga buhok ko ay nagbago. Ang brown na buhok ko ay tila nagkaroon ng kulay gold.

Napalitan ang suot ko ng puting dress pa rin ngunit parang inupgrade pati ang suot ko. Kailangan ko pa palang mamatay para maging maganda ako lalo. Keme

"Handa ka na ba sa pagbabalik mo?" Goddess of Water.

Tumango ako.

"Handa na po." Sabi ko.

Ngumiti silang lahat sa akin at sinabing good luck.

Lumutang ako sa kawalan. Pumikit ako.

Ramdam ko ang pagbabalik ng kaluluwa ko sa katawan ko.

Pag mulat ko,

Magulo

Sobrang kalat

Puro pasabog ang naririnig ko.

Dugo

Puro dugo ang nasa paligid.

Tila hindi kinakaya ng sikmura ko ang mga nakikita ko. Pero bilang isang Elemental Princess, gagawin ko lahat para sa mundo ko.

Eto na nga ba ang kinatatakot kong mangyari. Ang masira ang bawat property ng academy pati na rin ang magkaroon ng mga namatay.

Umpisa na para ako naman ang magsimulang tumulong at gumawa ng mabuti sa mundo ko.

Umpisa na sa pagbabago.

Mayroong pinapalibutan sa bandang side kaya tinulungan ko ito. Sinabi ng Goddess of Light na takot ang ibang myembro ng Dark Land sa liwanag.

Pinatama ko ito sa kanila at tsaka ko sila pinalutang sa ere at sinunog sa kawalan.

Pinalutang ko lahat ng mga estudyanteng napuruhan at pinagaling sila.

Nilagay ko sila sa isang tabi na tago at nilagyan ko sila ng shield bilang protekta.

One month lang akong nawala, ganto na ang nangyari sa academy. Nakakalungkot isipin na sobrang laki ng nasira sa akademya.

Konti nalang ang nandito sa academy. Maraming nasawi. Nakakaawa.

Pinaulanan ko lahat ng mga kalaban ng apoy at mga bitak na lupa. Gumamit rin ako ng hurricane blades kaya tila nagkalasug-lasog ang mga katawan nila.

Naramdaman kong may dagger na papunta sa akin kaya umiwas ako. Sinakal ko agad ang gumawa nun sa akin at tinitigan.

"Nasaan ang Queen?" Tanong ko.

"W-wala kang *cough* m-malalaman s-sakin!" Sinuntok ko siya sa sikmura at sinunog ang buong pagkatao niya at naglaho nalang ang katawan niya katulad ng ibang sorcerers.

Out of nowhere, narinig ko na si Ms. Ruiz ang isa sa traydor.

Gulat at galit ang nararamdaman ko.

Dahil don, napapikit ako upang pigilan ang nararamdaman kong ito. Hindi ko mapigilan kaya sinakop ko lahat ng academy ng liwanag at ipinalutang lahat ng mga natitirang kalaban at nilunod ito sa kapangyarihan ko at pagkatapos ay kinulong silang lahat sa malaking airball na ginawa ko at inubos lahat ng hangin sa loob nito pati na rin sa katawan nila.

Nawala ang lahat ng mga katawan nila.

Oras na para pumunta sa Dark Land.

Pati ang buong Etherland.. Winasak na nila. Ano ba namang klase silang nilalang at dinadamay nila ang mga taong wala namang ginagawang masama.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon