Chapter 40

62.2K 2K 49
                                    

Cassidy POV*

"Lia Montgomery, she's the Queen. Pero nagulat kami ng madatnan na duguan siya sa kanyang silid. Nobody knows who did it." Sabi ng isang cloning na pumunta sa Dark Land.

Nakauwi na sila dito sa academy. Thanks God at hindi sila napahamak. Hindi na itinuloy na intayin pa ang examination day dahil malapit na ang oras. Kaya kinuha agad ang limang impostor dito sa loob ng academy.

Queen Lia? Lia Montgomery? Patay na? Kung ganun, sino ang gumawa nito?

Ngunot noo naman akong napaisip.

"Maraming estudyante ang nasa selda. Malubha ang kalagayan nila. May nakakabit sa kanilang kamay at paa. Maging ang selda na pinaglalagyan nila ay tila isang apoy. Hindi ito mahahawakan ng kahit na sino maliban lamang sa mga taga Dark Land. Maging kami nang subukang alisin ay napaso. Kung kaya'y maraming sugat na natamo ang mga estudyante. Hindi namin nahanap doon ang Elemental Queen." Sabi naman ng isa pa.

"Nakita kong may isang kawal na kinitilan ng buhay. Tinawag niya itong madam pero hindi ko nakita ang mukha kung sino man iyon." Sabi ng isang cloning pa.

"Margaux Montgomery, siya ang nag iisang anak ni Lia Montgomery." Sabi ng isa pang lalaking cloning.

Napatingin naman ako doon.

"Margaux Montgomery ba kamo?" Ulit na tanong ko.

"Oo. Siya ang anak." Sabi nito.

Napag isip ko. Si Yurika si Margaux. Minsan na siyang tinawag ng iba ng Margaux. Tila ba nasosolve ko ang puzzle sa utak ko.

"Si Yurika Milletone. Siya si Margaux Montgomery! Malamang ay siya rin ang pumatay sa sarili niyang ina." Nasabi ko nalang.

"Paano mo naman nasabi?" Kateny.

"Paano mo naman nalaman yon?" Giann.

"Narinig ko silang nag uusap. Nararamdaman kong may galit siya sa nanay niya. Dahil narinig kong sabi niya ay hindi siya matatalo maging ang kanyang ina. Sinubukan niyang iflirt ang iba pa para maging laban ito sakin." Sabi ko.

"So ang pinakang kalaban ba dito ay si Yurika?" Aina.

"Oo. Kaya kailangang bantayan siya sa bawat galaw niya." Sabi ko.

"Itutuloy ang examination day ngayon." Ninong Rence.

"Ako ang magbabantay kay Yurika." Insist ko.

"Masiyadong delikado. Hindi pwede." Trace.

"Pero--" sabi ko pa.

"Ako na ang magbabantay sakanya." Giann.

"Kami na sa ibang kalaban." Blue.

Wala na akong nagawa.

"Sige. *sigh*"

Umalis na kami sa office ni ninong.

Nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Rhea.

Masama pa siyang nakatingin sakin.

"Rhea, s-sorry." Sabi ko.

Biglang napalitan ang mukha niya na parang naiiyak siya. Hindi na ito nakayanan ng mata niya at tuluyan ng bumagsak ang luha nito. Niyakap niya ako. Niyakap ko din siya.

"C-cassidy, alam ko na.. Alam ko na ang lahat.." Iyak niya sakin.

"Ha? A-anong alam mo?" Tanong ko sakanya.

Pumunta kami sa dorm at ni'lock ang pinto.

"S-si Suzy.." Panimula niya.

Tumahimik lang ako.

"D-dati siyang estudyante ng Dark Land. Pinaniwala niya akong pinsan ko siya. Pero hindi pala.." Muli na naman siyang umiyak.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi siya pinsan ni Suzy?

"Paano nangyari yon?" Tanong ko.

"Inamin na lahat ni Suzy sakin. Nagswitch siya sa pagiging magia user dahil utos ito ni Yurika sakanya. Upang maghiganti sa mga magia users na pumatay sa kapatid niya. Naging kaibigan niya ako. Itinulak niya ako sa hagdan. Sobrang laki ng naging sugat ko non sa ulo dahil sa lakas ng impact ng pagtulak niya sakin. Sa takot niyang mapagalitan ng nanay niya, nagpatulong si Suzy kay Yurika na ipatanggal ang memorya kong yun sa kakilala nito at palitan ng ibang alaala." Hindi matigil ni Rhea ang pag iyak niya kaya hinagod ko ang likod nito.

"Napamahal na daw siya sa pagiging isang magia user at nawala ang galit ni Suzy sa kanyang puso kaya sa Etherland na niya piniling tumira. Ang magulang niya, sila ay mga taga Dark Land pa din. Ipinakilala lamang niya tayong mga kaibigan sa Dark Land." Rhea.

"Yung bahay namin ni Suzy, naalala mo pa ba? Pagmamay-ari niya yun at hindi yon regalo samin ng magulang namin. Ang mga magulang ko, hawak na rin nila.." Umiyak lalo si Rhea.

Hindi ko alam na ganun ang nangyari. Nakakalungkot isipin na ang kaibigan namin ay.. Hays.

"Tahan na.." Pagcocomfort ko sakanya.

"Ang sakit, Cassidy.. Napaniwala ako ni Suzy na, pinsan ko siya. Ano bang nagawa ko? Cassidy, tulungan mo ko.." Pagmamakaawa ni Rhea sakin.

Nakita kong iyak ng iyak si Rhea sa harapan ko. Sobra sobra ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil sa nangyayari ngayon. Halos manghina na siya kakaiyak. Naawa naman ako sa kalagayan niya.

"Wag kang mag-alala, Rhea." Sabi ko.

Ano bang nanyayari? Palala na ng palala lahat ng nangyayari dito sa loob ng academy. Hindi ko alam kung ano pa ba ang totoo. Basta, ang nasa isip ko lang ngayon ay, matalo si Yurika.

***

Short update again. Sorry.

@HeyItsKen_

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon