Chapter 50

70.3K 2K 340
                                    

Cassidy POV

3 years Later

"Okay class. Pass your reports now." Sabi ng prof namin.

3rd year college na ako. Business Ad ang kinuha ko. Gladly na merong college dito sa Etherland. Culinary naman ang kinuha ni Trace. He really loves cooking.

Kinukuha ko ang report ko nang may sumisitsit sa akin sa labas.

Dumungaw naman ako at nakita ko si Trace. Ngumiti siya sa akin. Agad ko namang pinasa yung report ko.

Hala bat nandito na naman to? Anong oras na ba at nasa labas to? Ay oo nga pala. Gantong oras ay vacant niya.

Nagsign ako ng bakit-ka-nandito look.

Tiningnan ko yung prof dahil mahigpit ito. Pero buti nalang at hindi siya nakatingin dito dahil nagsusulat siya sa board.

Itinaas niya ang dala niyang pagkain at tumuro sa bandang labas.

Alam ko na meaning niya kaya tumango na ako. Nagpaalam na siya sa akin at kumindat pa. Lokong to. Kinikilig ang lola niyo. Napangiti tuloy ako.

3 years na ang nakalipas. Masaya ako na nagagampanan ko pa rin ang tungkulin ko bilang isang Elemental Princess dito. Masaya rin ako na napaghahandle ko ang pag-aaral ko at responsibilidad ko.

Sa 3 years na yun, hmm, ramdam ko namang umaahon na ulit ang Etherland. Hindi pa rin naman maiiwasang may mga masasamang aura ang nagtatago tago pero nahuhuli rin naman agad namin sila.

Si Kateny at Blue, ang sweet tapos maghihiwalay. Tapos magbabati na naman tapos sweet na naman. Ganun lang sila sa 3 years na yun. Magkakaiba kami ng building. Pero kaklase ko si Rhea. Parehas kasi kami ng course na kinukuha.

Kung tatanungin niyo kami ni Trace kung kamusta naman kami? Ayon, Okay lang naman kami. Masaya dahil sa tatlong taon na yun. Hindi pa din siya nagbabago. At sana hindi siya manawa. Masaya ako dahil maintindihin siya. Pero siyempre, hindi rin naman kami nagkakaunawaan minsan gaya ng ibang magkarelasyon. Ang main reason kung bat kami nagkakaaway ay dahil sa time. Pero agad rin naman kaming nagkakabati dahil hindi namin matiis ang isa't isa.

Mabilis na natapos ang klase.

"Rhea! May dala si Trace na pagkain. Sabay ka na samin." Sabi ko.

"Nah. Para naman akong 3rd wheel dun no. Kasama ko naman si Aina kasi sabay lang din tayo ng lunch break nila. So yon, date well!" Sabi niya at nagpaalam na sa akin.

Nagpaalam na rin ako. Lokaret talaga to.

Pumunta na ako sa lugar namin ni Trace.

Nakita ko siyang may binabasa. Siguro related sa course niya.

Nakalatag yung blanket at nandun yung dalawang paperbag na hawak niya.

"Hi boyfriend!" Sabi ko at umupo na.

Tumingin siya sa akin at sinarado ang libro na hawak niya. Ngumiti siya sa akin.

"Hi baby. How's your day?" Tanong niya sa akin.

Talagang pinanindigan na niya ang baby hanggang ngayon. Baka nagtataka kayo kung bakit di ko siya tinatawag na ganun. Wala lang, mas bet ko ang boyfriend eh. Kasi di na naman siya baby. Lol joke lang.

"Stress pero okay na. Kasama na kita eh." Sabi ko. Napangiti naman siya dun.

"So corny as ever. Let's eat! Nako malamig na yung niluto ko. You're so tagal eh." Sabi niya at hinanda na ang foods namin.

"Boyfriend you're so conyo." Tinawanan ko siya.

Nakita ko naman yung librong hawak niya. Nacurious ako kaya kinuha ko.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon