Chapter 2

158K 4K 1K
                                    

*Cassidy's POV*

"Ang ganda niya no?"

"Ano kayang nangyari sakanya?"

"Kutob ko, isa rin siyang user."

Bakit ang ingay?

Gising ako pero hindi pa ako makamulat ng mata.

"Buti nalang nakita natin--"

Nagmulat ako ng mata sabay umupo.

"Nasaan ako?" Tanong ko agad.

Napahawak ako sa ulo ko. God, Ang sakit ng ulo ko!

"H-hi! Infairness di uso sayo ang dahan-dahan na mulat ah?" Sabi nung babae.

Napatingin ako sakanya.

"Uhm, I'm Rhea Miller. Eto naman si Suzy Yu." Sabi sakin nung Rhea.

Mahaba ang buhok niya na black. Maputi, matangos ilong, Dark brown ang mata niya.

"Hi! Anong name mo?" Sabi naman sakin nung Suzy. Dark brown ang buhok niya na may curl sa laylayan. Singkit siya, maputi, ang cute niya.

"Cassidy. Cassidy Evans." Simpleng sabi ko.

"Nasaan ba ako?" Tanong ko sakanila.

"May niluto ako oh! Kainin mo ah? Isang araw ka na kasing tulog eh." Rhea

Nagulat naman ako.

"Isang araw!? Seriously? Paano ako nakarating dito? Anong... Kaninong bahay to?" Tanong ko ulit.

Napatingin ako sa paligid ng kwarto. Bakit ganito? Ang ganda. Parang hindi siya ordinaryong kubo eh. May mga alitaptap pa sa paligid na tila kumikintab ang bawat sulok ng bahay na ito. Basta ang ganda.

"Ahh, oo. Nakita ka kasi namin sa.. Gubat. So dinala ka namin dito." Sagot ni Suzy.

"Ano bang lugar ito? Sino nagdala sakin dito?" Tanong ko ulit.

"Kumain ka muna. Mamaya namin sa'yo ipapaliwanag." Sabi ni Rhea.

Wala akong nagawa kaya kinain ko na.

Ano ito? I know walang ganitong klaseng pagkain eh. Pero bakit masarap?

"Excuse me, anong soup to?" Di ko na napigilang magtanong.

Napangiti naman yung dalawa.

"It's my secret recipe. Basta higupin mo iyan. Ubusin mo ah? Para maging maayos pakiramdam mo." Sabi ni Rhea

Wala na akong sinabi kaya hinigop ko na ito.

"Namamaga ang mata mo. What happened to you? Nakita ka naming umiiyak at bigla nalang nawalan ng malay sa gubat." Suzy.

Napatigil naman ako roon.

"I don't know. Basta.. ang alam ko, may pumasok na mga naka black coat and mask sa bahay namin. My mother told me na mga Sorcerers daw sila. At gusto daw nila akong kunin. Ewan ko kung bakit. Ano ba yung sorcerers?"

Kwento ko. Mukha naman silang nagulat sa aking nakwento. Mukha naman silang mababait.

"Ang mga sorcerers yung mga gumagamit ng mahika."

Mahika? Kunot noo kong inisip ngunit napatango na lamang ako. Nagflashback na naman yung nangyari sa bahay namin.

"H-hey! Don't cry!" sabi nila. Pinunas ko yung mata ko. I hate crying.

"I really think you're a user too." Biglang sambit ni Rhea.

"Anong user? Uy, hindi ako nag-aadik ah!" sagot ko agad sakanila. Ano bang pinagsasabi nila eh ang tino tino kong tao.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon