Chapter 5

103K 3.3K 273
                                    

*Cassidy POV*

"Cassidy Rianne Evans! Malelate na tayo!" Sigaw ni Rhea sakin

Ano ba yan. Binuo pa yung pangalan ko. Ayoko kaya ng Rianne!

"Ayan na!"

Bumaba na ako sa mini stairs nitong tree house. Nasa taas kasi yung room ko dito.

Kasalukuyang nag aabang na kami sa school bus daw dito. One month na ang nakalipas at oo. Napagpasyahan kong dito na lang din ako pumasok at tumira.

At least dito, may kasama ako at ligtas ako.

Gusto kong makita ang mga magulang ko. Pero hindi pa ako handa para bawiin sila.

Wala akong kalaban laban sa mga Sorcerers, Warlocks at kung anu-ano pang tawag nila diyan.

Darating din yung panahon na iyon. Babawiin ko kayo mama. Maghintay lang po kayo.

"Excited ka na ba?" Sabi ni Suzy na halos abot tenga ang ngiti.

"Wag ka magugulat sa mga makikita mo sa school ah?" ngiting sambit naman ni Rhea.

"Bakit? May mga aswang ba sa school niyo?" Tanong ko sakanila.

Sila na kasi yung nag enroll sakin. Oh diba? May taga enroll na ko. Ewan ko kung paano nila nagawa. Ayaw kasi nila akong isama para daw surprise yung school pagkita ko. Dami alam eh.

"Wala ah! Basta nga wag kang magugulat." tapos nagchuckle pa to.

"Tss. Ewan ko talaga sa inyo." napairap ko nalang sabi sakanila.

"Ayan na yung bus!" Rhea

Hinawakan naman nila ako sa magkabilang kamay. Para namang tatakas ako?

Yung bus, hindi ko na masiyadong natitigan dahil hinila na agad nila ako papasok.

Ang astig naman dito sa loob! *O*

Parang tren ang style niya sa loob. Tapos may taas pa siya. Yung upuan, parang nasa roller coaster kasi may hawakan. Cool! \m/

"Any first impression about dito sa school bus?" biglang tanong ni Suzy

"First impression? Sobrang astig! Para siyang LRT na nilagyan lang ng 2nd floor at ng hawakan." Sabi ko sakanila.

Natawa sila.

"Ganun talaga rito. Masiyadong advance. Haha!" Rhea.

Ngumiti nalang ako sakanila. Wala eh. Speechless ang lola niyo eh.

1

3

8

10 mins. Bakit parang hindi pa umaalis?

Kumulbit ako kay Suzy.

"Suz, Bakit di pa umaalis yung bus?" tanong ko.

Natawa siya.

"Ano ka ba. Kanina pa umaandar yung bus. Tumingin ka sa bintana." Sabi niya.

Eh? Kanina pa ba? Bakit hindi ko manlang maramdaman?

Tiningnan ko naman yung bintana.

O.O

Anak nang teteng yan.

Ang bilis pala nitong bus! Grabe. Buti hindi namin nararamdaman. Kasi as in, sobrang bilis pala. Kung siguro nararamdaman ko to, baka wala na ko dito sa mundo. Baka wala nang magandang nag eexist ngayon dito. Charot. Mas malala pa pala to sa Unicorn na sinakyan ko nung unang dating ko dito eh. Jusmeyo.

"Kapit ka lang Cassidy! Baka masubsob ka." Suway sakin ni Rhea.

Bakit pa? Hindi naman dama eh. Nakadekwatro pa kasi ako. Preskang nakaupo lang.

"Bakit? Eh hindi naman nararam--HARUMISKOJUPAYON!" Aray.

Hindi nga namin dama yung takbo nitong bus, pero ramdam pala ang pag 'preno dito. Ayun, nahulog ako sa upuan. Ayun! Subsob ako. Sakit. Biruin mo ha, may hawakan na nasubsob pa ko. Napaka clumsy ko talaga!

Nakakahiya! Nagpipigil tawa yung iba at eto namang dalawa, tawa nang tawa. Huhu! Hindi ko ito mga kaibigan! Nakatingin sila sakin. Bigla naman ulit akong bumalik sa upuan ko na parang walang nangyari at nagdekwatro ulit. Pero this time, nakahawak na ko na mabuti.

"Hindi ba sabi ko naman sayo, humawak ka ng mabuti?" natatawang sabi ni Rhea

"Hindi nga pala namin nasabi sayo, malakas pumreno tong bus at ramdam yun." sabi pa ni Suzy na halos din mangiyak sa tawa.

Sige. Ganyan kayo ah? Tinatawanan nalang ako nitong mga walangyang to. Nasasaktan ako ha!

"Bakit? May nangyari ba? Wala namang nangyari sakin ah! Nakita niyo ba?" inosenteng tanong ko sakanila.

Deep inside, ANG SAKIT NG TUHOD AT PALAD KO DAHIL NASUBSOB AKO. Worst ride ever!

Hagalpak na naman sila sa tawa dahil sa sinabi ko.

Pwede na siguro silang dalhin sa mental. Wala namang joke sa sinabi ko diba?

Asar talaga!

~~

"Goodmorning Magia Users! We want to inform you, our beloved students that we are now entering the gate of the Academy. Be aware around you and don't let people ruin your day. Have a great day ahead and enjoy!"

Sabi nung nagspeaker sa loob ng bus.

Taray. Hi-Tech. Hahaha. Akala mo nasa eroplano eh.

Mga ilang minuto lang ay nagbukas na ang pinto ng bus. Inayos ko yung sarili ko at tumayo na din.

"Tara na tara na!" Suzy

"Teka lang! Masiyadong excited?" Rhea.

Hinila niya kasi kaming dalawa.

Nung nakalabas na kami sa bus..

Teka.

Bakit ganito? Ano to? PALASYO?!

"Huy! Teka. Ano to? Mansiyon ba to? Este, palasyo ba to? Ay! Castle?" tanong ko sakanila habang nakanganga.

One word will describe this place.

GANDA.

Sobrang ganda! As in! Palasyo ata to eh! Di ata to school. Ang ganda talaga as in! Wala na kong masabi. Mapapa WOAH ka nalang talaga. Sobrang elegante niyang tingnan, parang yayamanin yung itsura. Hindi nakakatakot itsura niya eh, mamamangha ka sa sobrang ganda. Sobrang sigla ng paligid neto at talaga namang nakakarelax yung place.

Ngumiti sila sakin at umiling- iling.

"Cassidy, This is not a castle. This is our school. Or should I say, your new school." Rhea

"WELCOME TO MAGUS ACADEMY!" sabay nilang sabi sakin.

************************************************

(Imaginin nalang po ulit yung school uniform nila. Hehez)

Hiii! =)) Sobrang sabaw nito. Hahaha. Uhm, Nagawa ko lang tong M.A. dahil sooooobrang bored ko talaga! :3 Pasensya na sa update na sobrang lame! First time po kasi to eh. Hindi ako magaling gumawa ng stories. I will try my best para gumawa ng mga twists para sa story na to. Sensya na talaga. Hahaha. Yun lang :) Thanks for reading!

Lesson: Laging humawak sa handle ng mga sinasakyan upang iwas tumba at iwas pahiya. HAHA

@HeyItsKen_

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon