Chapter 8

103K 3.1K 315
                                    

*Cassidy's POV*

"Kumusta iyong karoom-mate niyo, Cassidy?" tanong sakin ni Rhea

Kasalukuyan kaming nagdidinner ngayon sa dining hall. Yup, gabi na. Kaya nga nagdidinner na kami eh.

"Aynako! Kung makita mo lang yang itsura ni Cassidy nung nakita niya si Yurika, halos nakanganga siya! Namangha sa ganda ni Yuri eh." kwento ni Suzy at natawa pa.

"Eh ang ganda naman kasi talaga ni Yuri eh." Sabi ko.

"Kadorm niyo pala iyon si Yuri? Sabagay. Ganun din naman naging reaction ni Suzy nung nakita niya si Yuri eh." Kwento naman ni Rhea.

Huh?

"What? Kilala mo rin si Yuri?" Sabi ko.

"Yes. Bestfriend ni Suzy yun. God! I think this year will be my worst year." Biglang sabi ni Rhea.

"Bakit naman? Mabait naman si Yurika ah." Sabi ko.

"Tsh. Kung alam mo lang.." Rhea sabay subo ng pagkain niya. Di ko narinig yung huling sinabi niya.

Okay? Anong meron? Parang laki ng galit ni Rhea kay Yuri?

"Di mo pa rin ba napapatawad si Yurika?" Bulong ni Suzy kay Rhea.

Di umimik si Rhea. Kumain lang siya nang kumain.

"Uhm, bakit? Anong nangyari ba sainyong magkakaibigan?" Tanong ko.

Napaiwas ng tingin si Rhea.

"Nothing." Rhea at ngumiti ng pilit.

"Hoy. Kawawa naman yung pork. 'Wag mong tusukin." suway ni Suzy.

"Wag mo kong pakialaman Siang!" Rhea. Sungit na naman nito.

Sinong siang?

"Ugh! 'Wag mo nga kong tawagin ng ganun dito. Nakakahiya!" sabi ni Suzy ng pabulong pero rinig ko at naka pout pa.

Natawa si Rhea. Natawa nalang din ako na may halong pagtataka.

"Nickname niya yun kapag nasa bahay kami. Ang tunay na pangalan niya ay--" hindi natuloy ni Rhea yung sasabihin niya kasi nagsalita agad si Suzy.

"Seanne Suzy Yu. Okay ka na? At eto namang si Rhea, ang tuna--" Tinakpan agad ni Rhea yung bunganga ni Suz.

Baliw talaga tong dalawang to. Hahaha

"Daldal mo. Bwisit. Rheanndra Miller. Okay. Alam mo na ngayon Cass." sabi ni Rhea.

Bakit nila kinahihiya yung fullname nila? Ang ganda kaya!

"Ano namang nakakatawa sa fullnames niyo? Ang cute kaya! Ang gaganda rin. Parang kayo lang." sabi ko sakanila.habang medyo natatawa.

Napatingin sila sakin.

"Ehem. Ako lang, wag mong isama 'tong katabi ko." Sabi ni Suzy sabay flip ng hair niya kay Rhea.

Loka talaga to si Suzy. Hahaha

"Hoy. Ang kapal mo. Nakita mo na ba yung paa ng ermitanyo? Ganun iyong mukha mo!" Sabi naman ni Rhea.

Baliw na talaga tong dalawang to. Di nagpapatalo eh. Hahaha

"Ang bad mo sakin. Baka nakakalimutan mo, pinsan kita." Sabi pa ni Suzy.

Sarap lang nilang pag untugin. Hahahaha

Nung bumukas ang pintuan ng dining hall, biglang tumahimik lahat at may pumasok na dalawang babae.

Lahat ng mga mata ng narito sa dining hall ay nasa kanilang dalawa.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon