Chapter 7

110K 3.2K 504
                                    

*Cassidy's POV*

"Cass, ito naman yung field." sabi ni Rhea habang tinuturo yung malawak na field na nasa harapan namin.

Nakakapagod ha in fairness. Kanina pa kasi kami naglalakad. Marami na silang naturo sakin. Yung mga rooms ng ibang section ang una nilang tinuro sa'kin kung saan. Kaso nakalimutan ko naman na yung iba. Pinuntahan namin yung garden, training rooms, potion center, auditorium, gymnasium, shower rooms, comfort rooms, locker room, computer rooms, detention room, headmaster's office, faculty room at kung saan saan pa. Sobrang lawak talaga nitong academy at halos maraming pasikut-sikot kung saan-saan kaya nalilito pa 'ko kung saan pa. Bahala na to. Masasanay din ako.

Tinuro na rin nila sa'kin yung mga section. Loka-loka nga tong mga to e. Kung hindi pa ako nagtanong kung anong section namin, hindi ko pa malalaman. Napag alaman kong III A-1 pala ang section namin. Akala ko nga kami na yung unang section. Kumbaga sa mortal world ang tawag ay parang FL or Pilot section. Yun pala, may mas mataas pa pala sa'min. Yun ay ang III A-Star Section. Grabe nga eh. Habang kinekwento nila saken yung A-S section, nagshashine yung mga mata nila. Kasi nga raw, yun daw ang section na pinakahinahangaan ng lahat. Magagaling daw kasi yung mga naroon. Mga gwapo at magaganda pa raw! Ewan ko ba sakanila. Di ko pa naman yung mga iyon nakikita.

"Ituturo naman namin sayo kung saan yung--"

*Rrriiiinnggggg!*

Hindi na natuloy ni Suzy yung sasabihin niya dahil bigla nang nagbell.

"Mamaya nalang namin ituturo sayo dahil pupunta naman na tayo doon mamaya." Biglang sabi ni Rhea at hinila na kami.

Dahil sa bell, ang daming estudyanteng nagsiksikan papunta sa kani-kanilang room. Grabehan ah! Marami rin palang nag-aaral dito. Kahit paakyat, nagsiksikan din!

Nabitawan ako ni Rhea dahil nga nagsisiksikan na kami paakyat. Naiwan ako.

"A-ahh.. Excuse me! Rhea! Suzy! Excuse!" Sabi ko pero parang bingi yung mga estudyante. Abaaaa!

Dahil sa inis ko, bumaba ako ulit at hinintay makaakyat yung mga estudyante.

Nung mangilan ngilan nalang, umakyat na ulit ako.

"Hayy salamat!" Sabi ko at umakyat na. Asar eh.

Teka.. Saan nga ulit? Kaliwa o kanan?

Sheemz. Nakalimutan ko na kaagad! Rhea kasi eh! Binitawan ako! Huhu.

"Ennie minnie mynie moe." Sabi ko sabay turo sa kaliwa at kanan ko.

"Aisht! Bahala na nga!" Napakamot ako sa ulo ko at kumanan.

Nagderedererso ako. Naman kasi eh. Bakit kasi nakalimutan ko kaagad kung saan?

Tiningnan ko yung mga naka engrave sa mga nadadaanan kong pinto.

III A..

Eto! Dito na yun! Binuksan ko yung pinto.

"Ma'am! Sorry I'm la..te?"

Bakit hindi si Ms. Rhonna yung nasa harap? Nag bago na ba ng teacher?

Tiningnan ako ng teacher na nasa unahan. Tiningnan ko rin yung mga kaklase ko..

SHT! DI KO SILA KAKLASE!

Asddfghkjlpdjcj#%&=$!!!

All eyes on me.

"Shit." I hissed.

WRONG ROOM! Feeling ko namumula na ko dahil sa kahihiyan.

"A-ahh. S-sorry for.. d-disturbing your class. I'll go. He he." Sabi ko at biglang lumabas ng room.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon