Janine's Pov
"Hello manila"bulong ko sa sarili ko at tsaka bumuntong hininga.
Bumaba ako ng bus at hinatak ang maleta ko. Gusto ko sanang lumanghap ng sariwang hangin kaso mukang puro usok lang ang malalanghap ko dito kaya wag nalang.
Tinignan ko ang kapirasong papel na hawak ko. Address ito ng bestfriend ko na nakira dito sa maynila. Dito sya nag aaral ng college nasa ikalawang taon na sya. Umuwi sya sa probinsya ng malaman ang nangyare sa akin at nag alok sya na tumira ako kasama nya at mag aral dito sa maynila.
Dahil galit naman sa akin ang ibang kamag anak at ang iba naman ay nahihiya akong makira dahil sa hirap ng buhay . Kaya paglipas ng isang linggo, napagdisisyonan kong tumira kasama sya.
"Bayad po" sabi ko ng makasakay ako ng jeep. Agad naman inabot ang bayad ko kaya nagpasalamat ako.
Nakakapagod ilang oras din ang binyahe ko. Tinext ko si best na nakasakay na ako ng jeep ang sabi nya susuduin nalang daw nya ako sa terminal nitong jeep. Isang diretso lang kasi ito nagpunuan pa kanina.
Nang makarating ako sa terminal, natanaw ko agad si Anna. Lumapit sya sa akin at yumakap.
"Buti tinanggap mo ang alok ko." Nakangiti nyang sabi. Masaya akong makita na andyan sya at tinutulungan ako. Para ko na syang ate.
"Salamat talaga" agad na may tumulong hula mula sa mata ko. Inalo naman nya ako tsaka kami nag simulang maglakad papuntang sakayan ng tricycle.
Wala na ang mga magulang ko, si Tatay matagal ng patay samantalang si Nanay at nung nakaraang buwan lang. Kaya heto ako at bubuo ng bagong buhay dito sa maynila.
Nakatingin ako ngayon sa harap ng bahay ni Anna, habang binubuksan nya ang gate. Maliit ito kumpara sa bahay namin pero kung kami lang naman dalawa ng titira dito ay tamang tama lang.
"Pasok ka" sumunod ako sa kanya. Inilibot ako ang tingin ko sa kabuuan ng bahay fully furnished ito at kumpleto sa gamit.
Ang Papa ni Anna ay nasa ibang bansa samantalang ang Mama naman nya ay namatay na. May kapatid syang lalaki na may pamilya na, kaya sya nalang ang ginagastusan ng kanyang Papa kaya nga nakakapag aral sya dito sa maynila eh.
"Dito ang kwarto natin" sabay bukas nya ng pinto, isa lang ang kama pero ayos lang naman sakin kahit saan mahiga.
"Ok lang ba kung sa kutson ka muna? Hindi pa ako nakakabili ng isang papag." Agad naman akong umiling.
"Hindi mo na kaylangan bumili ng kama, ayos na ako sa kutson lang. Salamat" ngumiti sya at tumango. Itinuro nya ang isang kabinet na lalagyan ko daw ng damit. Agad naman akong nag ayos habang sya ay magluluto daw ng hapunan.
Saktong tapos na ako mag ayos ng gamit ng tinawag ako ni Anna.
"Halika na kumain na tayo" tumango ako at tsaka tumayo na. Sabay kaming nagpunta sa kusina.
"Ang dami namang pagkain" ngumiti sya sa akin tsaka umupo.
"Alam kong gutom ka dahil sa byahe , kaya halika na at maupo" hinatak nya ako at pinaupo.
"Salamat talaga Anna. Hindi ko alam ang mangyayare sa akin kung wala ka" hinawakan nya ang kamay ko at tsaka ngumiti.
"Ikaw pa ba ang pabayaan ko? Bestfriend tayo diba? Kambal pa!" Natawa ako sa sinabi nya, hanggang ngayon tingin nya samin kambal. Halos magkaparehas kasi kami ng ugali, tapos para kaming may isang utak isang tingin pala alam na naman ang ibig sabihin. Kaya ang tawag sa amin doon sa probinsya ay kambal kahit na hindi naman.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?