chapter 4

51 2 0
                                    

Janine's pov

Ilang araw ang lumipas at so far maganda naman ang takbo ng buhay ko.Nandito ako sa university para mag enrol, nakapasa ako sa entrance exam, nakatanggap din ako ng   scholarship pagkaraan ng ilang araw. Kaya eto ako at makakapag enrol na.

"Tapos kana?" Tanong ni Anna ng magkasalubong kami.

"Hindi pa , registrar nalang" tumango naman sya.

"Halika samahan na kita, tapos na ako eh " kumapit sya sa braso ko tsaka kami naglakad.

"Hi Babe!" Sabay kaming napatingin ni Anna sa nagsalita sa likod namin.

"Babe mo muka mo!" Mataray na sabi ni Anna, pero yung lalaki ay natawa lang.

"Aw! Ang sweet mo talaga" sabi nya ng natatawa, cute! Ang ganda ng dimple nya. Bumaling sya sa akin at ngumiti.

"Hi, kaibigan ka ni babe? Bago lang kita nakita" hinampas sya ni Anna tsaka inirapan.

"Tumigil ka sa kakababe mo pwede? Hindi ako baboy!" Natawa ako sa pagrereklamo ni Anna.

"Oh eh di baby nalang, cuz your my baby!" Umakbay sya kay Anna tsaka kumindat. Natawa ako dahil sa namumulang muka ni Anna, napansin nya ang pagtawa ko kaya siniko nya yung lalaki.

"Aw!" Daing nya.

"Psh! Lumayas kana nga" sabay tinulak nya yung lalaki. Ang cute nilang tignan.

"Hindi mo panga ako pinapakilala sa kasama mo eh" sabi nya habang nakanguso. Cute!

"I'm Janine, bestfriend ni Anna" ako na ang nagpakilala, muka naman syang mabait, close siguro sila ni Anna. Baka naman boyfriend nya?

"Oh? Dito kana titira?" Napakunot ang noo ko, bakit nya alam? Naikwento siguro ako ni Anna, kung ganun? Mukang may namamagitan talaga sa kanila.

"Ang daldal mo talaga! Umalis kana nga!" Sabay hampas ni Anna.

"Oo na, oo na! By the way i'm Axle, future boyfriend ni Anna." Sabay kindat nya at umalis na, dahil sasapukin dapat sya ni Anna.

"Bagay kayo" pang asar ko pa sa kanya, pero totoo naman yun, bagay talaga sila. Nakita kong namula si Anna.

"Halika na nga at ng matapos na tayo. Nagugutom na ako" kaya siguro ito inis kay Axle dahil gutom haha.

Matapos mag enrol ay pumunta ulit kami dito sa madaming stall sa labas ng university, maya maya ay dumating si Axle at sumabay samin kumain. Nilibre nya kami ng pagkain.

"Salamat Axle" sabi ko sa kanya, ngumiti naman sya.

"Wala yun" tapos bumaling sya kay Anna at kumindat, agad namang namula ang muka ni Anna, pero inirapan nya si Axle.  Natawa nalang ako kay Anna.

Naghiwalay na din kami dahil papasok pa ako sa trabaho. Nagpresinta si Axle na ihahatid nya daw ako pero tumanggi ako, nakakahiya na nilibre na nga nya ako eh. May sasakyan kasi si Axle mukang mayaman kasi talaga sya.

Nagpaalam sakin si Anna, tapos hinabol na sya ni Axle. Kaya sumakay na ako ng jeep. Dumating ako doon na nandoon na si Miya.

"Hi" bati ko ng dumating ako sa locker.

"Hi girl, nakaenrol kana?" Nakwento ko kasi sa kanya kahapon na mag eenrol nga ako ngayon.  tumango ako tsaka ngumiti.

Nagbihis na ako, mejo nasasanay na din ako sa skirt araw araw mo ba namang suot eh, at tsaka mejo mahaba panga yung sakin kumpara kina Ailah at Miya. Itinali ko ang buhok ko tsaka nagpulbos.

Naglinis kami ng resto, ng biglang dumating si Sir Tyron.

"Good evening Sir" bati namin, tumango lang sya at tsaka dumiretso sa office nya.  Siniko naman ako ni Miya. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang pogi noh? " nakangiting sabi nya, kinikilig ata. Ngumiti nalang ako.

Napatingin ako sa office nya, ang pogi nya lalo ngayon. Isang simple white v-neck shirt lang ang suot nya tsaka jeans., pero mas gusto ko ang ganung ayos nya kesa sa ussual na suot nya tuwing mag iinuman sila ng mga kaibigan nya.

Inalis ko na ang tingin ko sa office nya tsaka nagtuloy na ulit sa paglilinis. Nagpunta akong kusina para ibalik ang basahan. Nang madaan ako sa office ni Sir ay saktong bumukas ito. Nalanghap ko ang isang napakabangong amoy.

"Dalhan mo ko ng black coffee" sabi nya sakin, nakatitig lang ako sa malalalim nyang mata at tsaka tumango.

"Ok Sir" sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa mata nya. Umiwas sya ng tingin tsaka sinarado ang pinto.

Grabe ang bango nya, parang nakakaadik. Iniling ko ang ulo dahil sa mga pinag iiisip ko.nagdiretso na ako sa kusina para magkanaw ng kape.

Ang bata pa nya pero may ganito na syang negosyo, sa kanya kaya talaga ito? Ilang taon na kaya si Sir?

Matapos king magkanaw ng kape ay dinala ko na sa office ni Sir, kumatok muna ako sa pinto.

"Pasok " narinig kong sabi nya. Lumunok ako at tsaka binuksan ang pinto.

"Ito na po yung coffee nyo Sir" inusog nya yung isang folder kaya doon ko iyon nilagay. Habang nilalagay ko yung kape sa table sumulyap ako kay Sir, nagulat ako ng makitang nakatingin sya sakin. Ang akala ko kasi nakatingin sya sa folder na hawak nya dahil mejo nakayuko sya, kaya naglakas loob akong tignan sya yun pala nakatingin sya sakin.

Agad akong nag iwas ng tingin at tsaka tumalikod na para umalis. Kinabahan ako bigla. mabilis ang lakad ko palabas ng office nya, nakakahiya! Nakita nya akong tumingin sa kanya.

"Uy! Anyare sayo?" Nagulat ako ng kinalabit ako ni Miya, nandito ako sa kusina at nakasandal sa mesa.

"Huh? Wala naman " umayos ako ng tayo at niligpit ang ilang kalat. Hindi na nagsalita si Miya at pumunta na sa locker. Sumunod na din ako sa kanya para makapagready na. Nagbukas na kasi ang resto.

Nagsimula na kaming magtrabaho, minsan ay sumusulyap ako sa office ni Sir hindi pa kasi sya lumalabas doon.

"Janine, table two" sabi sakin ni Ailah kinuha ko naman ang tray at dinala sa table na yun. Babalik na sana ako ng tawagin ako sa isang table. Nung una hindi ko nakilala ang muka nya dahil sa ilaw pero nung nakalapit ako ay nakilala ko na sya.

Ngumiti sya sakin ganun din yung isang lalaki.

"Yes Sir? " tanong ko sa kanila.

"Charles nalang, Janine" nagulat ako ng sabihin nya ang pangalan ko, paano nya nalaman eh hindi ko naman sinabi sa kanya.

"May kaylangan po ba kayo?" Ngumiti sya at tumango. Sinabi nya ang order nila kaya tumango ako at nagpaalam sa kanila para kunin ang order.

"Ah wait, Janine!" Sabi ni Charles kaya napatigil ako. Baka kasi may idadagdag pa sila.

"Pakisabi na din kay Tyron na , nandito na kami" sabi nya, kumunot ang noo ko, bakit hindi nalang nya itext? Papasok na naman ako sa office ni Sir? Magtatanong pa sana ako kaso umalis nna sya at lumapit sa isang babae na napakaiksi ng suot.

Umalis na ako doon at kinuha ang order nila, dumaan na din ako sa office ni Sir.kumatok ako sa pinto.

"Sir?" Walang sumagot kaya kumatok ulit ako.

"Come in" sabi nya kaya pumasok ako. Agad nanlaki ang mata ko. Paano ba naman, wala syang pang taas na damit. Napatingin sya sakin kaya nag iwas ako ng tingin. Yumuko ako tsaka nagsalita.

"Pinapasabi po ng kaibigan nyo na, nandyan na daw po sila" hindi sya sumagot, pero hindi ako bumago sa pwesto ko nakayuko pa din ako. Ang lakas ng kabog ng puso ko.

Nagulat ako na may tumigil na dalawang pares ng sapatos sa harap ko.

Love or RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon