Janine's pov
Nakatitig lang ako kay Tyron ng sinabi nya iyon, bakit parang gusto kong magtatalon sa tuwa dahil napansin nya ang ayos ko? bakit hindi naman ganito ang reaksyon ko ng pinuri rin ako ng iba.
Nag iwas lang ako ng tingin sa kanya ng may magsalitang babae sa gilid namin.
"There you are! Kanina pa kita hinahanap" sabay upo nya sa tabi ni Tyron at humawak sa braso nito. Ako ay nakatingin lang sa kanya. Sya yung humalik kay Tyron sa bar dahilan kung bakit natapunan ko yung customer. Maputi, matangkad , puno ng make up ang kanyang muka pero kahit ganun ay magandang tignan sa kanya, mapula ang kulay ng kanyang buhok at alam kong napaka bango at madulas iyon.
"Why are you here?" Naiinis na tanong ni Tyron.
"What? Gusto kong makasama ka tonight" napangiwi ako sa narinig ko sa kanya. Napansin ata iyon ni Tyron kaya bumaling sya sakin. Napatingin din sa akin yung babae at parang sinusuri ako.
"Oh i know you, waiter ka sa resto ni Ty, right? Anong ginagawa mo dito? " hindi ako sumagot at ngumiti lang ng pilit sa kanya tsaka nag iwas ng tingin. Narinig ko ang buntong hininga ni Tyron.
Ty? Yun ang tawag nya kay Tyron sigurado akong close silang dalawa o di kayay girlfriend nya itong babae. Pero kung ganun nga, bakit ganyan ang trato nya?
"Can you get us a drink?" Napasinghap ako dahil sa sinabi nung babae.
"Shut up, Dianne!" May pagbabanta sa sinabi ni Tyron. Nakatungo lang ako at hindi tumingin sa kanila.
"Why? Nagpapakuha lang naman ako ng drink, sanay naman sya doon hindi ba?"
"I said shut up!" Galit na sigaw ni Tyron kaya halos mapatalon ako sa gulat, umangat lang ang tingin ko ng tumunog ang upuan nila. Tumayo si Tyron at masamang tinignan ang babae.
Nakita kong hinatak nya yung babae patayo. Sinundan ko lang sila ng tingin habang palayo. Pinaalala sakin ng babaeng iyon kung ano ba talaga ako, na kahit magbihis at mag ayos ako ay isa pa din akong waitress. Na hindi ko sila maabot kahit na laging ganito ang ayos ko.
Nagbuntong hininga nalang ako bago tumayo at hinanap si Miya. Nagyaya na akong umuwi dahil sa lasing na si Miya at masyado na ding gabi . Nagpaalam ako kay Migs na mejo lasing na din.
"Sorry Janine, i can't drive you home" palaiwanag nya.
"It's ok Migs, mag enjoy ka nalang dyan..uuwi na kami" pinuntahan ko na si Miya na nakatungo sa table namin. Nakabalik na doon si Tyron at seryosong nakatingin sakin.
"Let's go Miya" sabay tapik ko sa kanya, tumunghay sya kaya inakay ko.
"Saan tayo pupunta? Hindi pa ako tapos magparty"mabagal na sabi nya dahil sa kalasingan. Halos matumba kami dahil nasa akin ang bigat nya. Bumaling ako kay Tyron na tinitignan ako.
"Uwi na kami" paalam ko kay Tyron, tumayo sya at kinuha sakin si Miya.
"Ihahatid ko kayo"
"Hindi na Tyron" sinamaan nya lang ako ng tingin tsaka naglakad na palabas, wala akong nagawa kundi sumunod sa kanila.
Nakakapagtaka at hindi sya nakisalamuha sa ibang bisita ni Migs at kahit sa mga babae, nandoon lang sya sa table at parang nakabantay samin. Hindi ko talaga malaman kung ano ang tumatakbo sa isip nya.
Iniupo nya si Miya sa backseat at ako naman ay sa frontseat. Tahimik lang ako sa byahe dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. Pasulyapsulyap sya sakin habang nagmamaneho. Alam kong hindi sya lasing dahil konti lang ang nainum nya.
BINABASA MO ANG
Love or Revenge
Romanceano ang mas matimbang, ang paghihiganti o ang pagmamahal na nararamdaman mo sa taong pinaghihigantihan mo?